chapter 59

1199 Words

Nagising ako sa tunog ng isang makina. Paulit-ulit. Pare-pareho ang pagitan. Parang t***k ng pusong hindi akin. May malamig na humahaplos sa balat ko, hindi kamay, kundi hangin. Amoy kemikal at bakal ang paligid. Pilit kong idinilat ang mga mata ko pero parang may humihila pababa sa talukap ko, mabigat, masakit. Buhay pa ba ako? Ang unang dumapo sa isip ko ay ang sakit. Hindi ito biglaan; dahan-dahan itong gumapang mula sa tagiliran ko paakyat sa dibdib, parang apoy na hindi sumasabog kundi unti-unting tumutupok. Huminga ako nang malalim hanggang sa maramdaman ko ang pagluwag ng aking dibdib. “Easy,” mahinang boses na nagsalita. Familiar. “Huwag kang gagalaw.” Ismael. Gusto kong magsalita pero walang lumabas. Parang tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Tanging isang mahinang ungol lang a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD