Ismael pov Hindi ko alam kung alin ang mas kumikirot—ang sikmura kong nanigas sa kaba o ang katotohanang hindi ko na kayang itago kahit isang segundo pa kung gaano kalalim ang pinuntahan ng gulong ‘to. Hindi ko na kayang itago kay Icey. Hindi na rin kaya ng konsensiya kong pabayaan siyang lumakad sa dilim habang ako ang dahilan kung bakit siya tinitiktikan. Kasalanan ko. At kasalanan nilang lahat. Pero pinaka-ayoko? Kasalanan ng taong nasa harap ko ngayon—ang babaeng dati kong pinagkatiwalaan ng buhay ko—at ngayon ay may hawak na impormasyon na pwedeng sumira sa kinatatayuan ko sa harap ni Icey. Nakatayo siya roon, nakasandal sa dingding na para bang bahay niya ang safe house, habang si Icey naman ay hindi nagpapaapi. She acts like she owns the damn room. At sa totoo lang, iyon ang

