Hindi pa tuluyang lumulubog ang araw nang makarating kami sa tabing-dagat. Upang mamasyal dahil halos maghapon din kami nagtrabaho dito sa isla. Si Ismael at ang ibang kasama namin ay nag tungo sa dagat upang mangisda, at kami naman ni Trina ay nag bilad ng isda sa tabing dagat. Ngayon ko lang ito naranasan kaya ramdam ko ang matinding pagod sa pagtutuyo ng isda. Hindi ko alam na habang kami ay namumuhay sa karangyaan ay may mga tao palang naghihirap kumita lang ng barya upang may ipangtawid gutom. Ang masama pa nito ay kami pa ang dahilan ng paghihirap nila habang kami ay nagpapakalunod sa pera. Habang pinapanood ko ang paglubog na kalangitan ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa kakaibang ganda at payapang kapaligiran na nakikita ng aking mga mata. Ang kulay kahel na langit ay dah

