Nanatili akong nakaupo sa kawayan na upuan kahit matagal nang pumasok sa loob ng silid si Ismael. Hindi ko magawang igalaw ang aking katawan. Parang may pumipigil sa akin para gawin iyon. isang bigat na nakapatong sa aking dibdib, mabigat at masakit. Ayoko man isipin ang lahat, ngunit iyon ang tumatakbo sa aking isipan. Wala man direktang relasyon kami ni Ismael, ngunit isipin na magkahiwalay rin kami pagdating ng panahon, ay hindi ko na kayang isipin. Hindi ko alam kung kelan nagsimula ang nararamdaman ko na ito para sa kanya. Pero isa lang ang alam ko hindi ko kaya mawala siya sa buhay ko dahil sanay na ako palaging nasa tabi niya at pinoprotektahan ako kahit hindi ko ito kailangan. “Maaaring hindi na tayo magkasama.” Paulit-ulit na umuukit sa aking isipan ang mga salitang iyon. Hindi

