Nakarating kami sa isang bayan malayo sa lugar ng panganib. Simpleng nabubuhay ang mga tao dito at malayo sa bayan. Tanging pangingisda at pang tatanim ang tanging kinabubuhay nila dito. Agad ako napangiti nang masilayan ko ang papalubog na sikat ng araw. "Nasan Tayo?" Tanong ko kay Ismael na ngayon ay tahimik na nakatayo sa aking likuran habang nilalanghap ko sa aking ilong ang sariwang hangin na nagmumula sa dagat. "Nasa isang isla tayo. Dito muna tayo maninirahan habang delikado pa para sa atin ang maglakbay. Ang maliit na bayan na ito ay ang aking tinuluyan noon. Mas mabuti kung makikibagay tayo sa mga tao dito upang sa ganoon ay masmabilis nila tayo pag katiwalaan. Ang mga tao na narito ay mabubuti at hindi sanay sa karahasan, kaya kung maaari sana ay palitan natin ang mga s

