ISMAEL POV – KABANATA: PAGTULOY NG BIYAHE Hindi pa rin bumababa ang tensyon kahit tapos na ang engkuwentro. Walang nagsalita sa amin habang bumabalik kami sa sasakyan. Ang tunog lang ng mga yabag namin sa basang lupa at ang mahina ngunit tuloy-tuloy na huni ng mga insekto ang maririnig. Para sa iba, tahimik ang kagubatan. Para sa akin, parang may mga matang nakatingin mula sa dilim. “Ayos ka lang? ” tanong ko kay Icey habang binubuksan ko ang pinto ng sasakyan. Tumango siya, pero nakita ko ang bahagyang panginginig ng mga kamay niya. Hindi ito takot—mas parang epekto ng adrenaline. Normal iyon, lalo na sa unang totoong laban. “Huminga ka nang dahan-dahan,” sabi ko. “Huwag mong pilitin na maging kalmado agad.” Sumunod siya. Umupo siya sa likod, diretso ang likod, parang ayaw magmukhang

