Nagising ako sa tunog ng putok. Isang malakas na kalabog na nagpayanig sa buong bahay, kasunod ang sigawan ng mga tao at mabilis na yabag ng mga paa sa labas ng silid ko. Agad akong napabangon, kumakabog ang dibdib ko habang pilit kong inaalala kung nasaan ako. Ilang segundo lang ang lumipas bago bumalik sa isip ko ang lahat. ang bahay na ito, ang ama ko, ang kasal na ipinipilit, at ang panganib na patuloy na sumusunod sa akin. “Icey!” Bumukas ang pinto at bumungad si Ismael, pawisan at hawak ang baril. Kita sa mga mata niya ang kaba. “Kailangan mong bumangon,” mabilis niyang sabi. “May sumubok pumasok sa perimeter.” Nanlamig ang buong katawan ko. “N-nasaan si Daddy? ” “Ligtas siya. Pero hindi tayo pwedeng magtagal dito sa silid na ’to.” Mabilis akong nagsuot ng jacket at sumunod sa

