Magkatalikuran kaming nagpapaputok ni Ismael, parang iisang katawan na gumagalaw sa gitna ng kaguluhan. Hindi na ako ang batang nagtatago sa likod ng ama niya. Ang tunog ng baril ay parang kulog na walang tigil, humahalo sa sigawan, putok ng granada, at tunog ng mga paa na nagtatakbuhan sa damuhan ng likurang bahagi ng mansyon. Hindi na ako nag-iisip. Gumagalaw na lang ang katawan ko ayon sa training na matagal kong inukit sa sarili ko. Bawat galaw ay eksakto, bawat putok ay may patutunguhan. Ramdam ko ang init ng baril sa palad ko, ang panginginig ng braso ko sa bawat recoil, pero mas nangingibabaw ang isang pakiramdam, galit. Galit para sa kapatid kong pinaslang. Galit para sa buhay na pilit nilang kinokontrol. At galit para sa kalayaang matagal nang ipinagkait sa akin. “Tatlo sa ka

