Matagal kaming nanatiling nakahiga roon, parehong tahimik, parehong pilit inaayos ang paghinga. Ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan niya sa akin, ngunit wala na ang init na naramdaman namin kanina. Ang natira na lamang ay ang malamig na hangin at ang biglang linaw ng aking isipan. Unti-unti siyang gumalaw at maingat na umangat. Hindi niya agad ako tinitigan. Sa halip, tumagilid siya at huminga nang malalim, para bang sinusubukang ayusin ang sarili. Ako nama’y nanatiling nakahiga, nakatitig sa langit habang pinagmamasdan ang mga bituin doon. Doon ko naramdaman ang biglang hiya. Hindi iyong hiya dahil ngayon ko lang na-realize kung nasaan kami. Para bang may tanong na biglang lumitaw ngunit wala akong lakas ng loob na sagutin. “Icey,” mahinang tawag niya. Tumagilid ako upang harapin si

