Ilang sandali lang ang itinagal ng halik na iyon at agad rin ako nag-iwas hindi dahil sa ayaw ko kundi ayaw ko na maulit muli ang pagkakamaling nagawa namin. Ayoko malunod ng husto dahil ayoko masaktan. Bahagya akong umatras, sapat lang para magkalayo ang mga mukha namin. Napansin niya iyon at agad siyang huminto. “Okay lang,” sabi niya agad. “Hindi kita minamadali.” Tumango ako. “Salamat sa pag-iintindi mo sa akin,” tugon ko naman sa kanya. Tahimik kaming naupo nang ilang sandali. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko, pero hindi na kasing gulo ng dati. Iba na ang pakiramdam, mas malinaw, mas maingat, at mas payapa kumpara sa una. “Punta muna ako sa silid ko para makapagpalit ako ng damit,” sabi niya makalipas ang ilang minuto. “Okay, sige, baka bumalik narin sina Trina. Hihintayin ko n

