Pagkababa ko ng eroplano at maramdaman ko ang mainit at pamilyar na hangin ng Pilipinas, hindi ko napigilang mapahinga nang malalim. Sampung taon akong nanirahan at nag-aral sa abroad, at kahit ilang beses ko itong tawagin na “second home,” wala pa ring tatalo sa pakiramdam ng makabalik sa totoong tahanan ko.
Sa sandaling makita ko ang aking ama sa arrival area, agad na lumiwanag ang buong paligid para sa akin.
"Iha, kamusta ka na? Welcome home, anak," bungad niya, nakangiti nang maluwang.
Agad akong napangiti at nilapitan siya. “Okay naman ako, Dad.” Hinalikan ko siya sa pisngi, at ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kanyang balikat—senyales na miss na miss niya ako.
“How are your studies abroad? ” tanong niya habang kinukuha ang ilan sa mga gamit ko.
“It’s going well. I’ve been able to test my abilities more,” sagot ko. Kita ko sa mga mata niya ang pride, yung tipong parang sinasabi niya nang hindi nagsasalita na, ‘I’m proud of you, anak.’
Sumakay kami sa kotse at dumiretso sa bahay. Pagkapasok pa lang namin ay bumungad agad ang napakahabang lamesa na punong-puno ng pagkain—lechon, pansit, kare-kare, mga paborito ko simula pagkabata.
“Dad, ang dami mo namang hinanda,” napabuntong-hininga ako, natatawa.
“Aba oo naman, iha. Matagal kitang hindi nakasama kaya pinaghandaan ko 'to nang mabuti. Para makabawi naman ako sa’yo.”
“Thank you, Dad,” sagot ko at niyakap ko siya nang mahigpit—yung yakap na parang sampung taon kong ipon na pangungulila ang binitawan ko.
Habang kumakain kami, nagkwentuhan kami tungkol sa buhay ko abroad—school, training, mga pagsubok, at mga bagay na hindi ko laging sinasabi sa kanya. Naroon din ang mga katahimikang puno ng hindi mabigkas na mensahe; naramdaman kong napagod na rin siya sa pag-aalala sa akin buong sampung taon.
Pagkatapos naming kumain, naligo ako at nag-ayos para umalis. May usapan kami ng mga kaibigan ko—sina Erich, Vivian, at Jawo—na magkikita agad pagbalik ko.
Sa totoo lang, ayoko sanang lumabas. Sobra pa ang bigat ng byahe at halos hindi pa lumilipas ang jet lag ko. Pero panay ang tawag nila, parang kung hindi ako pupunta ay pupunta sila sa bahay namin at kukunin ako nang sapilitan. Kaya wala na akong nagawa.
Pagkabihis ko, sumakay ako sa kotse at bumiyahe papunta sa restaurant na napag-usapan namin.
Pagdating ko sa parking, inayos ko ang pag-park bago bumaba. Ang pagod ko kanina ay biglang napalitan ng bahagyang excitement—matagal ko ring hindi nakita ang tatlong ‘to. Parang pamilya ko na sila sa abroad.
Pagpasok ko sa restaurant, nakasalubong ko agad ang guard.
“Good morning, ma’am,” bati niya.
Ngumiti ako. “Good morning.”
Lumapit sa akin ang waitress. “Welcome, ma’am. Table for two? ”
“No, I need four seats,” tugon ko.
“Right this way, ma’am.”
Dinala niya ako sa isang table sa may gilid, medyo tahimik na parte ng restaurant. Mas gusto ko iyon—hindi kami masyadong mapapansin at malaya kami makapagkwentuhan.
Pagkaupo ko, inabot niya ang menu. “Would you like something to drink while you decide? ”
“Yes, please.”
Pagkaalis niya ay napatingin ako sa paligid. Ang daming taong kumakain, nag-uusap, tumatawa. Nakakatuwang panoorin. Para bang sa kabila ng lahat ng dilim na pinagdaanan ko, may mga taong nananatiling simple lang ang buhay.
Maya-maya ay bumungad ang tatlong familiar na mukha na ngayo’y nakangiti sa akin na parang makulit na mga bata.
“Oh my God, Icey! Welcome back! ” halos tumili si Erich ng makita ako
Tumayo ako at sinalubong sila ng beso-beso. Ang init ng yakap nila ay parang gamot sa heavy feeling na dala ko.
“Grabe, na-miss ka namin nang sobra! ” sabi ni Vivian habang nakahawak pa sa braso ko.
“Kamusta ka na? ” dagdag niya.
“Okay naman… kakauwi ko lang kaya medyo pagod pa,” sagot ko.
“Sorry ha, na-miss ka lang talaga namin. Ilang buwan din tayong di nagkita! ” sabi niya.
“Okay lang. Miss ko rin kayo kaya kahit pagod ako, pinuntahan ko pa rin kayo,” sagot ko.
Umupo kami sa table at dumating ang waitress dala ang inumin—lahat puro juice. Tuwang-tuwa si Erich dahil paborito daw niya ang flavor na napunta sa kanya.
Pagkatapos naming umorder, nagsimula na kaming magkwekwentuhan, tawanan, at magbalik-tanaw. Pero sa gitna ng kasiyahan, may tanong na hindi maiiwasan. At iyon ang pinaka-pinaghandaan ko.
“So,” panimula ni Jawo, “ano ang plano mo ngayon na nakabalik ka na dito sa Pilipinas? Itutuloy mo pa ba ang paghahanap sa pumatay sa kapatid mo? ”
Unti-unti kong inikot ang straw sa juice ko habang naglalaban ang damdamin ko sa loob. Kahit gaano ko pa tangkaing maging kalmado, may kirot pa rin sa dibdib ko tuwing naririnig ko ang tungkol sa kanya.
Pag-angat ko ng tingin, seryoso na ang mukha ko.
“Yes,” sagot ko nang diretsahan. “What’s the point of my training if I won’t use it? I want them to suffer at my hands. I can never forgive them for what they did to my sibling.”
Tahimik sila, nakikinig, at hindi ko nakita ni katiting na panghuhusga sa mga mata nila.
“Icey…” malumanay na sabi ni Vivian. “Hindi ko sinasabing mali ka, pero babae ka pa rin. May kahinaan ka rin. This won’t be easy. Your opponents… hindi sila basta-basta.”
“Don’t worry about me,” sagot ko. “I can handle myself. I’m determined to do this. I want justice for my brother, and I won’t stop until I get it.”
Tumango si Jawo. “Alam namin. Pero sana maging maingat ka. You’re our friend. Family ka na namin. Ayaw ka naming mapahamak.”
Napangiti ako kahit nangingilid ang luha ko. “Thank you. At mahal ko rin kayo. Hindi ko siguro kakayanin ang lahat kung wala kayo.”
“Hoy, tama na yang drama! ” biglang singit ni Erich. “Baka mag-iyakan pa tayong lahat dito, gawing teleserye tong restaurant! ”
Napatawa kami lahat. At sa gitna ng tawanan, ramdam ko ang gaan ng pakiramdam ko. Matagal-tagal ko ring hindi naramdaman ang ganitong saya—yung tunay, hindi pilit.
Sa kabila ng katahimikan sa puso ko matapos ang tawanan, alam kong magsisimula pa lang ang totoong laban. Pero ngayong kasama ko ang mga taong mahal ko, handa na ulit akong huminga nang malalim at harapin ang bago kong misyon.
Hindi ko man alam kung saan hahantong ang paghahanap ko, pero isa lang ang malinaw:
Uuwi ako sa Pilipinas hindi bilang si Icey na umalis dati—kundi bilang Icey na may lakas, kaalaman, at determinasyong tapusin ang sinimulan ko.