"SIR, tumatawag po ang papa ninyo sa telepono." Iniabot sa akin ni Bea ang telepono. Kakalabas ko lang ng kwarto. Sa labas lang ng pinto ng kwarto ko ay may teleponong nakaabang. Kinuha ko iyon sa kaniya. Agad naman ding umalis ang katulong ko sa harapan ko. Hindi maganda ang gising ko dahil sa panaginip ko. Binabangungot yata ako kanina. "Bakit, Pa?" paninimulang tanong ko mula sa kabilang linya. "Uuwi ako, anak. Siguro ay bukas ng tanghali, ha? Ipakilala mo sa akin ang girlfriend mo. Interesado akong makilala siya," sagot niya. Kinabahan din ako mismo nang sabihin niya iyon. "Talaga, 'Pa? Mabuti ay naisaipan ninyong umuwi?" Halos umabot sa aking mga tainga ang ngiti ko nang tanungin ko siya. Medyo matagal na rin kasi nang huli kaming magkita ng papa ko. Nakakatuwa lang din dahil gu

