"AYAN! Ang ganda ng pagkakagawa ng mamon. Marunong na talaga ako." Puri ko sa aking sarili matapos kong hanguhin sa oven ang niluto ko. Mamaya ay pwede na itong lagyan ng different colors of icing at budburan ng sprinkles. "Hindi ko maintindihan kung paano ang ginawa mo sa pagluluto niyan" Kinamot niya ang sariling ulo at tila gulong-gulo. "Gano'n talaga. First time mo pa lang makita kung paano ginagawa ang tinapay, 'di ba?" "Oo." "Normal lang 'yan!" Ang sunod ko namang ginawa ay ang icing. Siya ay pinanood lang ako at nakatunganga. Nanginginig tuloy ang kamay ko dahil sa kaba. Naiilang ako kapag may nanonood sa akin, e. Nang matapos kong gawin ang icing, isinalin ko na iyon sa lalagyan at inumpisahan nang lagyan ng icing ang bawat mamon na ginawa ko. "Bianca, pa-try. Turuan mo ako.

