CHAPTER 4 - ANG LALAKI SA PANAGINIP

2426 Words
BUMUBULUSOK ang ilong ko habang nakatingin sa taas. “Hoy, Charles! Bilisan mo nga riyan! Napaka-bagal mo talaga kumilos kahit kailan!” inis kong sigaw habang nakapamewang sa harap ng hagdan. Hoy, Charles! Ano ba?!” dagdag ko pa. Lalong umiinit ang ulo ko. Nakakainis itong kapatid ko. Akala mo ay babae kung kumilos. “Heto na, ate!” Nagmamadali sa pagbaba habang nagsasara ng mga bitones ng kanyang uniporme. “Puyat kasi ako, ate. May quiz daw kasi kami sabi ni Ma’am, e,” malungkot nitong sabi at kumamot pa sa ulo. Kawawa naman itong kapatid ko. Hindi ko naranasang mapuyat noong elementary ako ng dahil lang sa quiz. “E, nakapag-review ka naman ba nang maayos?” Inakbayan at ginulo ko ng kaunti ang buhok niya. “Oo naman, ate,” sagot nito ng hindi ako nililingon habang kinakalkal ang bag niyang nakasabit sa balikat niya. “Sige nga? 1+1?” Nagtaas ako ng kilay. Lumingon naman siya pagkarinig sa tanong ko. “Zero?” nakatawang sagot niya at saka tumakbo palayo. “Aba! Bwisit ka talaga, Charles!” Hinabol ko siya. “Zero pala, ah? Humanda ka sa akin!” Nang mahuli ko siya ay pinagkikiliti ko siya hanggang sa halos ay hindi na siya makahinga. “T-Two! Two ang tamang sagot, ate! Ayoko na! Ayoko na!” tatawa-tawa niyang sagot habang nakahiga na sa bermuda grass. “Good! Mag-aaral ka kasi ng mabuti. Baka nga may nililigawan ka na niyan, ha? Hindi pa pwede.” mataas kong utos nang bigla niya akong ngitian na kulang na lang ay umabot na sa kaniyang tainga. “At ano’ng ngiti iyan?” Nagpamewang ako. “Thank you, ate! Papakilala ko sa iyo bukas 'yong girlfriend ko!” Tumakbo siya ng sobrang bilis kaya napatulala ako ng ilang segundo. “Girlfriend? Hoy! Ano’ng girlfriend? Hindi pa pwede!” Sinubukan ko pa siyang habulin para batukan sana kaso malayo na siya. Bwisit na 'yon! Uunahan pa ako magka-jowa, e! Bumalik na lang ako sa loob para i-check kung may nakasaksak pa ba. Nang masigurado kong wala na ay ikinandado ko na ang bahay at ang gate pagkatapos ay nagsimula ng magmaneho gamit ang bisikleta. Hindi sumabay sa akin si Charles ngayon dahil sabay raw silang papasok ng kaklase niyang halos ay kapitbahay lang din namin. Habang nagmamaneho ako ay napadaan ako sa nagtitinda ng mga bimpo sa gilid ng kalsada. Naalala ko iyong janitor sa school namin na pinangakuan kong bibigyan ko ng bimpo kaya huminto ako para bumili ng limang piraso. Magbabaon rin ako ng mga tinapay galing sa shop nang maibigay ko kay manong. Naawa kasi ako sa kanya. Alam ko kung gaano kahirap ang buhay. Hindi man kami parehas ng naging trabaho, pero parehas naman kami ng naging sitwasyon. Tulad niya kasi ay hindi rin ako pinapansin ng mga taong nakakabunggo sa akin at para bang mababa lang ang tingin dahil sa iyon lang ang ikinabubuhay ko. Dumaan muna ako sa shop bago ako pumunta sa school. Pagkarating ko sa school ay hinanap ko siya para ibigay sa kanya ito. Laking pasasalamat niya naman nang maiabot ko na. Masaya akong tinanggap ang kaniyang pasasalamat at kalaunan ay umalis din. Pagkaraan noon ay pumunta ako sa cafeteria para bumili ng maiinom ko sa klase. Uhawin kasi ako at hilig ko talaga ang pag-inom ng tubig para maging malinis na rin ang loob ng katawan ko. Alam niyo na, mahirap magkasakit sa panahon na ‘to. Masyadong mahal ang mga gamot. Baka sa bill ako tuluyang mamatay at hindi sa sakit. Naghintay ako sa room para sa una naming subject. Nakaupo lang ako roon at nagbabasa ng libro. Biological Science ang subject namin ngayon. Kaya naman inuumpisahan ko nang mag-review dahil aminado naman akong hindi ako ganoon kagaling pagdating sa subject na ito. Makaraan lamang ang ilang sandali ay sunod-sunod nang nagsipasukan ang mga kaklase ko kaya umayos na ako nang pagkakaupo. Mayamaya pa ay dumating na ang apat na lalaking pinagkukumpulan kahapon sa covert court. Kaagad naman akong tinignan nang masama ng lalaking Kevin ang pangalan at sinundan pa nang malakas na tilian ng mga kababaihan. Napatakip na lang ako sa tainga ko dahil sa lakas ng sigawan nila. Ang sakit lang sa tainga. Ano ba ang mayroon sa mga lalaking ito para oras-oras silang pagkaguluhan? “Girls, magsiupo ang lahat!" galit na bungad ng instructor naming mukhang terror habang ang mga kamay niya ay magkabilang nakapatong sa kaniyang baywang. Bigla akong kinabahan. Nakakatakot siya. Para siyang magaling sa pamamahiya ng mga estudyante. Mukha niya pa lang ay talagang hindi na mapagkakatiwalaan. “Sino si Bianca Dela Fuentes?” mataas ang boses niyang tanong sa klase na nagpanginig sa mga tuhod ko sa sobrang kaba. Ako kaagad ang tinawag niya. “A-Ako po.” Tumayo ako nang mabilis kahit na utal-utal pa kung magsalita dahil sa takot at kaba. “At sino ang nagsabi sa iyong tumayo ka?” sarkastikong wika nito na agad ko namang ikinaupo. Nagtawanan naman ng malakas ang mga kaklase ko. Oo nga naman. Bakit ba ako tumayo? Napahiya pa tuloy ako. “At sino ang nagsabi sa inyong magtawanan, ha?” Taas ang kilay niya kaya nagsitahimikan ang mga kaklase ko at ang iba pa sa kanila ay napayuko dahil sa takot. Ayan kasi! Tawa pa kayo, ah? Parang ako tuloy ang gustong tumawa ng sobrang lakas ngayon. “Tumayo ka,” utos niya at pinag-krus ang kaniyang mga braso. Ano ba 'yan? Patatayuin din pala ako, pinahiya pa ako kanina. “Ano ang Biological Science?” deretsiyang tanong niya ng makatayo ako. “A-Ano po?” Agad-agad? Hindi ba muna niya ako tatanungin kung ano ang kasarian ko? Pero, sabagay, obvious naman na. I sighed. "Isara mo iyang bibig mo.” Umirap at lumapit siya sa akin kaya napayuko at napasara ako ng bibig ko. “Sagutin mo ang tanong ko nang makaupo ka kaagad,” maldita niyang utos. “O-Okay po, Ma’am. B-Biological Science i-is the study of life and living organisms, their life cycles, adaptations and environment. T-There are many different areas of study under the umbrella of biological sciences i-including biochemistry, microbiology and evolutionary biology,” pilit ang mga ngiting sagot ko. Buti ay bago magklase ay nabasa ko ito kung hindi ay patay na. “Very good!" Nagsulat siya sandali sa hawak niyang papel at tumawag pa. “Mr. Scott, tayo!” Napalunok na lang ako sa lakas ng boses niya. Nakakatakot naman ang isang ito. Napaka-terror niyang guro. Umupo ako at pinagmasdan ang nakakatakot na guro. “Hoy, Dre! Tumayo ka raw sabi ni Ma’am, oh?” Nilingon ko ang mga kalalakihang nasa likod ko. So, Scott pala ang apelyido ng lalaking ito? Ngumisi siya at tumayo. “Yes, Ma’am?” walang katakot-takot na tanong nito at nagawa pang magpamulsa ng dalawang kamay. Ang lakas ng loob niya. Samantalang ako ay takot na takot na sumagot kanina. “Again, what is biological science?” pag-uulit na tanong ng guro sa kaniya. “It is the study of life and living organisms, their life cycles, adaptations and environment,” punong-puno ng siglang sagot niya. Napanganga ako. Nakabisado niya kaagad ang sinabi ko? “Very good!" medyo manghang wika ng guro at nagpatuloy na sa pagpapaliwanag sa harap. Muli akong napatingin doon sa lalaki kanina. Infairness, masasabi kong may laman ang utak niya. Iyon nga lang ay masyado siyang mayabang kung umasta. Bigla namang nanlaki ang mga mata ko nang tignan niya ako. Agad akong napabaling ng tingin sa harap at umayos ng pagkakaupo. Bigla kong naalala iyong aksidenteng pagkakahalik namin sa isa’t isa kahapon. Hindi ko talaga alam kung bakit bigla ko iyong naalala, gayong hindi naman iyon sinasadya. Pakiramdam ko tuloy ay umiinit ang mukha ko dahil sa hiya. Pagkaraan ng dalawang oras ay natapos din ang diskusyon sa klase. Break na kaagad namin. Ang bilis lang ng oras. Kinuha ko ang bag ko at tumungo sa cafeteria para bumili ng makakain. “Ate, isang order nga po ng siomai at royal,” nakangiting wika ko roon sa tindera. “Okay, miss!" Umalis na ito pagkasagot sa akin para kuhanin ang order ko. Sandali lang akong naghintay at iniabot na niya sa akin ang pagkain ko. Ako naman ay mabilis na nagbayad sa kaniya. Hawak ko ang order ko nang laking gulat kong bigla akong mabunggo ng isang babae kaya natapon sa stocking niya ang siomai at softdrinks na dala ko. Kaagad din namang nabasag ang bote. “Oh my ghad!” sigaw niya at tinignan ako nang sobrang sama na ikinakaba ko ng husto. “S-Sorry, h-hindi ko sinasadya,” kabadong pagpapaumanhin ko at mabilis na kumuha ng panyo sa bag ko. “P-Punasan ko ang s-stocking mo. S-Sorry talaga!” dagdag ko pa. Lumuhod ako nang mapunasan sana ang stocking niya pero bigla niyang hinablot ang buhok ko kaya mabilis akong napatayo at napahawak sa kamay niyang nakasabunot sa akin. Aray! Ang sakit! “Tatanga-tanga ka kasi! Alam mo bang kakabili ko lang ng stocking na 'yan, ha? Lalo ang sapatos ko! May ipambabayad ka ba, ha?” galit na galit niyang sigaw kaya pinalibutan kami agad ng maraming tao. “P-Pero, h-hindi ko naman s-sinasadya. Bitiwan mo ako! Ikaw itong bumunggo sa akin!” depensa ko ngunit mas lalo lamang niyang pinakahigpit ang pagkakasabunot sa buhok ko dahilan para mas lalo akong mapapikit sa matinding sakit. Anak ng kabayo naman, oh! “Ang lakas ng loob mo para sabihin sa aking ako ang bumunggo sa iyo? Nag-iisip ka ba, ha? Sa tingin mo, bakit ko gagawin iyon kung alam ko namang sa dulo, ako lang din naman ang maaagrabyado? Wala ka bang utak?” Itinulak niya ako ng sobrang lakas kaya tumama ang likod ko sa lamesa. Bwisit! Ang sakit! “Alam mo ba kung magkano ang sapatos na ito, ha? Five thousand, miss! Bakit? May limang libo ka ba ngayon para sagiin ako, ha? Ano ba ang ikinalalakas ng loob mo? E, transferee ka lang naman?” Lumapit ito sa akin at pinagsasapok ako ng tatlong beses. Inuubos ng babaeng ito ang pasensya ko. Tatlong beses na siyang nananapok sa harap ng maraming tao kasabay pa ang pangmamaliit at pang-aapak sa pagkatao ko. Ramdam na ramdam kong nasa amin ang atensiyon ng lahat. Naiinis na ako ng babaeng ito! Akala mo kung sino dahil lang sa nagkakahalagang limang libong piso ang sapatos niyang mukhang sa bangketa lang din naman nanggaling. Iniangat ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko. Ako naman ngayon, mayabang na babae. “Congratulations, ha? Five thousand pala ang halaga ng sapatos mong iyan na para bang sa bangketa lang naman din nagmula.” Matalim ang mga mata kong paninimula. Ayoko sanang patulan ka, e. Pero, nagkakamali ka ng kinakalaban. “What?! What did you mean by bangketa, ha? Are you crazy? Hindi ako katulad mong sa palengke lang ang afford na bumili!” mayabang niya pang tanggi at ngayon ay nagsisimula ng umusok ang mga butas ng ilong at tainga niya. Para siyang magiging zombie, ano mang oras. “Oo, tama ka! Sa palengke lang ako bumibili ng mga gamit ko dahil doon malaki ang matitipid ko at may mauuwi pa akong pasalubong para sa kapatid ko. Hindi naman kasi ako kagaya mo, e. Sarili lang ang iniisip at hindi ang nararamdaman ng mga taong nasa paligid mo. Pasensya ka na, ha? Narumihan ko iyang mamamahalin mong sapatos. Sa susunod, simulan mong mag-ingat at huwag mang-apak ng ibang tao. Pag-aralan mo ring rumespeto ng mas nakakababa sa iyo.” Muli akong lumuhod sa harapan niya at pinunasan ang stocking niyang narumihan ng toyong may bawang at kalamansi galing sa siomai. Nasayang pa tuloy itong pagkain ko nang dahil lang sa kaartehan ng babaeng ito. Siya rin kasi ang sumugod sa akin kahapon noong tinisod ako ng kaibigan ni Kevin. Jack yata ang pangalan. Kaklase ko rin siya tulad ng hipokritang ito. Nang maalis ko ang buo-buong bawang at buto ng kalamansi sa paa niya ay marahan akong tumayo. “Kahit papaano ay nabawasan ang dumi ng stocking mo. Ganoon din sana ang pagkatao mo.” Ngumiti ako ng pilit at pinagdadampot ang siomai sa lapag at inilagay sa lagayan nito para itapon. “Masarap sana ang siomai at softdrinks, e. Ang kaso lang ay may epal na biglang sumulpot mula sa malayo,” mahinang bulong ko. “Ano’ng sinabi mo?!” nag-aalab ang mga mata niyang sigaw. Sinuklian ko lamang iyon ng nakakaasar na pagngisi at nagtangka nang umalis pero mabilis niyang nahablot ang dulo ng buhok ko at hinila palapit sa kaniya. Bwisit talaga ang babaeng ito! Ang sakit niya manabunot. Parang hanggang langit ang galit niya sa akin kung saktan niya ako ng ganito katindi. Hinawakan ko ang kamay niyang nakasabunot sa akin at pinaikot siya para paluputin ko ang mga kamay niyang nagresulta sa malakas niyang pagkakasigaw nang dahil sa sakit. “Ano ba?! Bitiwan mo ako! Hampas lupa ka talaga!” galit pero maluha-luha nitong sigaw kaya’t mas lalo kong hinigpitan ang pagkakapalupot ko sa kamay niya. Nanggagalaiti talaga ako sa iyo. Peste ka! “Una, binunggo mo ako kaya nasayang ang pera kong ipangkakain ko lang naman sana. Pangalawa, ikaw pa itong galit na galit sa akin kahit na kitang-kita ng halos lahat ng mga estudyante rito ang buong nangyari. Pangatlo, minaliit mo pa ako at sinaktan! Pinagsasabunutan at pinagsasapok sa harap ng karamihan. At pang-apat, pinunasan ko naman iyang stocking mo, hindi ba? Nanghingi pa ako sa iyo ng pasensya kahit ikaw itong over acting diyan. Pagkatapos ngayon, aalis na lang ako, sasabunutan mo pa rin ako at ipagpapatuloy mo ang kamalditahan mo? Ano ka ba namang klase ng babae, ha? Narumihan ka lang pero hindi mo naman ikamamatay iyan! Ayaw kitang patulan, e. Ang kaso, nakakapikon ka!” sigaw ko at parang hindi ko na kayang kontrolin ang galit ko. Sobrang nakakapuno at nakakaubos ng pasensya ang babaeng ito. “Bitiwan mo siya,” utos ng isang pamilyar na boses ng lalaki mula sa likuran ko. “Bibitiwan mo ba siya o ipahihiya kita?” dagdag pa nito. Unti-unti akong lumingon sa likod ko at tinignan kung sino ang nagsalita. “K-Kevin?” gulat na gulat ko siyang tinignan at pautal-utal kong binanggit ang pangalan niya. Kaagad naman siyang naglakad papalapit sa amin nang bigla akong may naalalang labis na nagpabilis sa pagtibok ng puso ko. T-Teka, ganitong-ganito iyon. S-siya? Siya nga! Naaalala ko na kung bakit parang pamilyar siya. S-Siya i-iyong lalaki s-sa panaginip kong halos ay dalawang buwan ko ng napapaginipan. P-Pero, bakit? Bakit ikaw? Bakit kita napapaginipan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD