CHAPTER 5 - BABALA NA NGA KAYA?

1946 Words
NANGGAGALAITI ako sa inis! Naaasar ako! Napupuno ako ng lalaking iyon! Gusto ko siyang patayin talaga! Bwisit siya! Unang araw ko pa lang siyang nakita, alam kong hindi na maganda ang ugali niya! Biruin mo, unang kita pa lang namin, inangasan niya kaagad ako. Ang sama pa ng ugali niya. Kaya ko nga siya tinisod para magising siya sa kakapalan ng pagmumukha niya, e. Kaso hindi pa pala iyon sapat! Kung hindi lang talaga kasalanan ang pumatay, baka matagal ko ng ginawa sa kaniya. I sighed. Ang lungkot tuloy ng first day ko. Ano kayang binabalak niya? Palulungkutin niya rin ang ikalawang araw ko? Aba’y hindi naman yata tama iyon. Ano bang gusto niya? Buong taon ko ay sirain niya? Hayop na iyon! Ang sarap niyang tirisin na parang kuto na namemeste sa ulo. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya! FLASHBACK “Kevin, ikaw ba iyan? Tignan mo ang babaeng ito, oh! Ayaw akong bitawan!” nagpapaawang sigaw ng babaeng hawak ko kaya mas pinaka-palupot ko ang mga kamay niya. Napakaarte niya! Nakakaasar! “Aray ko! Ano ba, ha? Bwisit ka!” Nagpumiglas ulit siya. Unti-unting lumapit sa akin si Kevin at hinawakan ang kamay ko at mabilis niya akong itinulak nang malakas kaya nasubsob ang mukha ko sa sahig. Napaka-pakialamera naman ng lalaking 'to! Ano siya? Bakla? Patol nang patol sa babae? “Sino ka ba, ha? Bakit ka nakikialam diyan? Alam mo ba kung ano ang ginawa ng babaeng iyan, ha? Mamili ka nga nang ipagtatanggol mo!” sigaw ko habang dinuduro ang mukha niya. Mabilis din akong tumayo para lumaban. “At bakit? Sa tingin mo ba ang isang kagaya mo ang ipagtatanggol ko? Nananaginip ka ba? Hindi ba ay tinisod mo ako kahapon at sinigaw-sigawan sa harap ng mga tao kahit na wala naman akong ginagawa sa iyo? Pagkatapos ay dinaganan mo pa ako kahapon kahit na ang bigat mo. Nagawa mo pa nga akong halikan, e!” pambabara rin niya. “Aba’y anak ng tinapa pala, 'no? Ano ito? Balikan ng nakaraan? Hoy, lalaki! Baka nakakalimutan mo kung gaano kagaspang iyang ugali mo? Deserve mo ang tisurin, 'no! Masyado ka kasing mapagmataas sa kapwa mo kaya mo nakuha iyon. Isa pa, hindi kita hinalikan! Aksidente ang lahat ng iyon dahil sa isip bata ang kaibigan mo! Kaya huwag mo sa aking isisisi iyon at higit sa lahat, huwag kang nakikialam sa away namin ng babaeng hipokritang iyan!” Dinuro ko iyong babae mula sa likuran niya. Ang sarap nilang pag-untugin! Nakakagigil ang tabas ng mga mukha nila! “Ano’ng hipokrita, ha? Gusto mong sungalngalin ko iyang bunganga mo nang malaman mo kung sino sa atin ang hipokrita?” Susugurin na sana niya ako pero pinigilan din siya ni Kevin. “Halika at tuturuan kita ng leksyon!” Walang pag-aalinlangang hinila ng lalaking ito ang kamay ko papunta sa kung saan man. Narinig ko pang sumigaw iyong babae habang rinig na rinig ko ang mga taong nagbubulungan at busy sa pagkuha ng mga litrato at video sa amin. Nagpumiglas ako upang makawala sa kaniya subalit malakas siya. “Hoy, lalaking walang modo! Bitawan mo ako!” nagpatuloy sa pagpupumiglas kong sigaw habang mas lalo niya pang hinihigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. “Walang hiya ka! Nasasaktan ako! Ano ba?!” Sa wakas ay nakawala rin ako sa mga kamay niya dahil sa pikon ko. Mas lalo ko kasing nilakasan ang pagpupumiglas. “Hindi ko alam kung ano bang klase ng microphone ang nailunok mo para magsisigaw ka nang ganyan kalakas. Nakakarindi ka! Alam mo ba iyon, ha?” galit nitong tanong. Kaunti akong natawa ngunit kaagad ko ring pinigilan ang sarili ko pero kalaunan ay nabigo ako. Bakit ang cute niya magreklamo? “At ano’ng tinatawa-tawa mo riyan, ha?” Nilapitan niya ako at dinuro ng daliri niya. Makikita mo sa ekspresyon niya ang lubhang pagkagalit p-pero— “I-Iyang ekspresyon mo kasi, mukha kang si kamatayang papatay.” Hindi ko napigilan pang tumawa at napatawa na ng sobrang lakas. “A-Ano’ng— Ang lakas ng tama mong babae ka! Hindi ka ba natatakot sa akin, ha?” nanlilisik na naman ang mga mata niyang sigaw. “Bakit naman ako matatakot sa iyo? Sa halip na lang kung ikaw talaga si kamatayan.” Napakamot ako sa ulo ko habang tumatawa pero bigla akong napatigil ng sipain niya ang bisikletang nasa gilid ko. Hindi ko namalayan. Nasa parking lot na pala kami. “Huwag mo akong punuin, babae!" Inilapit niya ng paunti-unti ang mukha niya sa akin at suminghal. “Kung ayaw mong gawin kong impiyerno iyang buhay mo,” dagdag pa nito at tinalikuran ako. Parang sandaling huminto ang pagtibok ng puso ko. Ngayon ko naramdaman ang takot sa kaniya habang tinitignan siya palayo sa akin. Para siyang nababalutan ng napaka-itim na awra. Napailing ako upang bumalik sa tamang huwisyo. Napatingin ako sa bisikletang sinipa niya na ngayon ay nakatumba na. Biglang nag-init ang ulo ko. Ako pa yata ang pagbabayarin nitong lalaking ito kung sakali mang nasira itong bisikleta. Bwisit talaga! Ipapahamak pa ako! “Huwag kang magpapakita sa aking muli, lalaking antipatikong bastos!” galit na galit kong sigaw at itinayo ang bisikleta. Ako pa tuloy ang nag-aayos ng ginulo niya. Wala talagang modo! Biruin mo, kinaladkad niya ako papunta rito para lang bantaan na gagawin niyang impiyerno ang buhay ko? Kung kayang ang buhay niya ang gawin kong impiyerno? Wala talagang isip! Ang akala niya ba ay aatrasan ko siya? “Hoy! Ano ang ginagawa mo sa bisikleta ko, ha?” sigaw ng isang lalaki mula sa likod ko at mabilis akong itinulak. “Pre, babae iyan!" umaawat na wika ng kasama niya at pinigilan siya. “Wala akong pakialam kahit na babae pa siya! Bisikleta ko ito, Pre!” magkasalubong ang mga kilay na singhal ng lalaki at muli akong tinignan ng sobrang sama. Bigla akong tumayo ng padabog kaya sabay silang tumingin sa akin. “Nakikita mo ba iyong lalaking 'yon? Iyong mukhang gorilyang naglalakad na iyon palayo, ha?” Kasabay nito ang pagturo ko sa likod ni Kevin. “Siya 'yong nagtumba ng bisikleta mo! Pasalamat ka pa nga dapat sa akin at may awa ako riyan sa gamit mo. Kung hindi sana ay dapat pinabayaan ko lang na nakatumba iyang bisikleta mo. Parehas lang kayong mga walang modo!” galit kong reklamo. Nako! Kumukulo talaga ang dugo ko! Kapag hindi ako nakapagpigil, ang isa sa mga ito ay iiwan kong walang malay. “Aba! Talagang namang isisisi mo pa sa iba ang pagkakamaling ginawa mo, ha? Ang lakas din ng loob mo, 'no?” Lumapit pa siya nang pa-unti-unti sa akin at sa isip niya siguro ay matatakot niya ako. “Gusto mong tadyakan kita?” sarkastikong tanong ko, “Huwag mo akong sinasabayan, mister! Kung hindi ka naniniwala sa akin ay kumonsulta ka sa doktor! Baka iyang pag-iisip mo ang may problema.” Inirapan ko siya at saka ako umalis. Nang makalayo ako ay kaagad akong huminto at napahawak pa ng dalawang kamay sa magkabilang tuhod ko. “Ang lakas naman ng loob mo, sis! Ang lalaki ng katawan ng mga lalaking iyon, e! Humanda ka talaga sa akin, Kevin! Pupuruhan kita kapag hindi ako nakapagtimpi sa iyo!” Mabuti ay kaagad akong nakalayo sa mga lalaking iyon. Parehas kasi silang may malalaking katawan. Kung hindi siguro ako nakaalis doon ay baka pinaglalamayan na ako ngayon. Kitang-kita ko kasi sa lalaking iyon kung gaano kasama ang mga tingin niya. Parang hanggang langit ang galit niya sa akin katulad ng babaeng hipokrita kanina at kahapon pa namumuro sa akin. Pero kahit na masama ang ugali ni Kevin ay nakita ko pa rin ang makulit niyang mukha kanina. Nakakatakot siyang nakakatawa. Para siyang si kamatayang papatay ng tao may masundo lang at madala sa kabilang buhay. Hindi ko maipaliwanag ng maayos. Basta kanina, natuwa ako nang makita ko ang makulit niyang ekspresyon. Pero hindi nangangahulugan iyon na pinapatawad ko na siya. May araw rin sa akin ang lalaking iyon. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ko siya napapaginipan? Dalawang buwan na rin kasi iyon. Siguro ay apat hanggang limang beses ko siyang mapaginipan sa loob ng isang buwan at bago nga ako pumasok sa paaralang ito ay muli siyang nagpakita sa panaginip ko. Kaya pala sa tuwing nakikita ko siya ay para bang pamilyar ang mukha at kilos niya. Para ba'ng namumukhaan ko siya. Sa panaginip ko kasi ay aminado naman akong laging malabo ang mukha niya kaya siguro nahirapan akong alalahanin kung sino siya. Pero, bakit? Bakit ko siya napapaginipan? Hindi kaya ay binibigyan ako ng babala ng langit na ang lalaking iyon ang maagang magpapatanda sa akin? Grabe! Kung iyon man ang dahilan ay ayoko na siyang makita pa. Siguro ay iiwasan ko siyang makita o makasalubong sa daan. I sighed. Hindi dapat kasi ako nakikialam, e! Ayan tuloy, kinakarma ako. “Bulaga!” “Ay, palaka!” Napabalikwas ako nang may gumulat sa akin. Napahawak ito sa tiyan niya habang tumatawa. “Masyado ka namang magugulatin,” wika nito pero mabilis ko siyang sinamaan ng tingin. “Sino ba naman ang hindi magugulat kung bigla kang gulatin, ha? Bwisit ka talaga, Kyle!” Binatukan ko siya ng mahina at pinag-krus ko rin ang mga braso ko. “Aba! Marunong ka ng mambatok ngayon, ah?” natatawa nitong tugon habang kinakamot ang ulo niya. “Bakit naman? Dati ba ay hindi?” sarkastiko kong tanong. Ang akala mo siguro ay hindi kita babarahin, 'no? Nagkakamali ka. Kahapon lang tayo nagkakilala pero ang bilis nating nakakapagpalagayan ng loob. “Aba! Nangbabara ka, ah?” Sinapok niya ako ng mahina kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Masakit kaya!” Inirapan ko siya. “Aba! Mas masakit kaya ang pambabatok mo! Damang-dama, e!” Napasinghal na lang ako at umupo sa bench na katapat ko. “Bakit nga pala nandito ka?” tanong ko nang hindi siya nililingon at nakatuon lamang ang buong atensiyon ko sa bag ko. Umupo naman siya sa harap ko. “Wala lang. Napansin ko kasing wala kang kasama at parang tulala ka tapos parang gusto mong manapak o pumatay ng tao.” Bigla akong natawa sa sinabi niya. Napansin niya pala iyon? Ang bait naman kasi ng kaibigan mo, e. “Oh, hindi ba? Tama ako!” tumatawa niyang sabi. Napatitig ako sa kaniya habang panay siya sa pagtawa. Nakakatuwa siya. Lagi siyang masaya. Sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. Busilak ang kalooban niya. Siguro sa kanilang apat ay siya lang ang may puso. Iyong kasing mga kasama niya ay para bang alien na bigla na lang napadpad sa lugar na ito, e. “Gusto mo ng picture ko?” Napatapik na lang ako sa aking noo. “Ang kapal ng mukha ng isang ito,” mahinang bulong ko sa aking sarili para hindi niya marinig. “Ano ka mo? May sinasabi ka ba?” Tumayo siya at itinukod ang mga braso niya sa lamesa ng bench upang itutok ang mukha niya sa mukha ko habang ako ay nakayuko at nakatapik sa aking noo. “Ang sabi ko ay sobrang gwapo mo! Ang kaso lang ay sobrang hina naman ng pandinig mo.” Tumayo ako at tinignan siya. Tinignan din naman niya ako. “Papasok na ako,” dagdag ko pa. “Sabay na tayo! Papasok na rin ako!” kulang na lang ay umabot na sa tainga ang mga ngiti niya at inakbayan ako. Nagulat ako sa inasal niyang iyon kaya mabilis kong tinanggal ang mga braso niya sa balikat ko pero pilit niya iyong ibinabalik. Ang lakas din ng sapak ng isang 'to, e. Pero sa totoo lang, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kilig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD