NATAPOS ang klase ng boring. Puro hiyawan lang naman ng mga kababaihan ang nangyari, e. Isa-isa kasi kaming inutusan ng guro para magpakilala sa harap dahil ito ang unang beses na magka-klase kami sa subject na Chemistry.
Bakla ang teacher kaya pati siya ay napapakagat sa labi ng iyong apat na ang magpapakilala na pinamumunuan ni Kevin, ang mortal kong kaaway.
Ang ikinatuwa ko lang ay noong si Kyle na ang magpapakilala. Sobrang amo kasi ng mukha niya. Para siyang walang problema sa buhay. Ang sarap makita ng matatamis niyang ngiti. Iniisip ko nga, kung hindi siguro ako nakialam noon ay hindi kami magiging magkaibigan ni Kyle ngayon. Hindi siguro kami magkakakilala. Iyon lang ang naging maganda ang naidulot sa akin nang pakikialam ko sa kagaspangan ng ugali ni Kevin.
Kasama ring nagpakilala sa harap iyong singkit na si Jack. Iyong isip bata nilang kaibigan na bigla na lang naninisod kaya aksidente akong napahalik kay Kevin. Ang cute niya rin ngumiti kasi nawawala ang mga mata niya. Itsura pa lang niya ay talagang makulit na.
Hindi rin mawawala ang ka-tandem ni Jack na si Carl. Kung makulit si Jack ay mukhang mas makulit naman si Carl. Pero base sa kaniyang itsura at pananamit ay lubhang mas may isip naman si Carl kung ikukumpara kay Jack. Kahit na mukhang lokoloko ay mukha rin naman itong marunong magseryoso. Iyon nga lang ay para talagang magkadikit na ang mga bituka nila. Sakayan silang dalawa sa trip ng isa’t isa, e.
Naalala ko pa, nagpakilala rin pala sa harap iyong Fiona ang pangalan. Iyong babaeng kontrabida sa buhay ko. Itsura pa lang niya ay mukha nang kinaiinisan ng lahat. Noong unang araw ko sa eskwelahang ito ay sinugod niya ako sa cafeteria nang mag-away iyong apat. Sinabunutan niya ako noon at sinabihang malandi. Kanina naman ay pinagsasapok at minaliit niya ako sa harap ng lahat dahil sa stocking niyang narumihan. Habang nagpapakilala siya sa harap ay naka-krus ang mga braso ko at nakataas ang isa kong kilay habang pinapanood siya. Wala man siyang ginagawa sa akin ng mga oras na iyon pero sa aking isipan ay gusto ko siyang ilibing ng buhay. Napaka-arte kasi niya! Para siyang ewan na nagpapapansin sa harap ng lahat lalong-lalo na kay Kevin. Nanggigigil ako sa kaniya! Si Kevin naman ay todo ang ngiti. Parang gusto ko silang pagbuhuling dalawa. Ewan ko ba! Nakakasaar lang kasi silang makita.
Teka? Ano ba ang sinasabi ko? Naka-ikom pa ang kamao ko habang naglalakad papunta sa parking lot.
“Hindi ako nagseselos, ah?” depensa ko. Napatakip naman ako ng bibig nang ma-realized ko ang sinabi ko.
Ano'ng sabi ko? Bakit naman ako magseselos? E, kakakilala pa lang namin sa isa’t isa at mortal kong kaaway iyon. Hindi ko siya crush, ah!
“Talaga? E, bakit parang gusto mo na kaming ilibing kanina?”
Nanlaki ang mga mata ko at automatikong napalayo sa taong umakbay sa akin habang naglalakad ako.
"Kevin?!"
"Yes?"
“Ano ka ba naman? Papatayin mo ba ako sa gulat, ha?" Pinalo ko ang dibdib niya pero mas ako yata ang dapat masaktan. Infairness, ang tigas.
“Aray ko naman! Maputak ka na nga, sadista ka pa! Bahala ka nga sa buhay mo!” salubong ang kilay niyang reklamo at nagtatakbo palayo.
“Pilyong bata,” nakangising bulong ko.
Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad nang mapansin kong nakahubog na ang isang malapad na ngiti sa mukha ko habang ako ay naglalakad.
“Peste! Ano'ng ngiti 'to?" nakangiti pa ring tanong ko sa sarili ko, “Nababaliw na yata ako,” dagdag ko pa nang mapansin kong palabas na ako ng gate.
“Ay, anak ng tinapa! Sa parking lot nga pala ako pupunta! Nandoon ang bisikleta ko." Napailing ako kasabay ang pagsapo ko sa noo ko.
Bwisit! Nalipasan yata ako ng gutom. Hindi nga pala ako nakapag-lunch kanina dahil sa mga nangyari. Nawala sa isip ko kaya siguro ako nagkakaganito.
Nang makarating ako sa parking lot ay tinignan ko ang suot kong relos.
Naku! 5:23 na pala. Yari na naman ako kay Charles nito. Siguradong naka-simaktol na iyon sa harap ng gate nila habang hinihintay ako. Nagmamadali ko nang kinuha ang bisikleta at sinakyan.
Habang pinapadyak ko ang pedal, nananatili ang ngiti sa mukha ko. Yawa! Kinikilig yata ako, e.
“Ay, sh*t! Hindi ako kinikilig!” depensa ko naman nang bigla akong ma-out of balance na naging sanhi ng pagbagsak ko sa semento.
"Aray ko po!" hahaplos-haplos sa pang-upo kong sabi nang may nanggigilid na luha sa mga mata ko.
“Kasalanan mo 'to Kevin, e!”
-
Ang tagal naman ni Ate. Kanina pa ako naghihintay rito. Ang sakit na ng mga paa ko sa kakatayo, e.
“Anak, dahan-dahan sa pag-akyat sa kotse. Baka ikaw ay madapa niyan," paalala ng isang ina sa kaniyang anak habang inaalalayan ito sa pag-akyat sa kotse.
“Opo, Mama," sagot naman nito.
Nakaramdam ako ng inggit. Sana ako rin ay may mama. Ano kaya ang itsura ng mama ko? Mabait rin kaya siya katulad ng ate ko? Hindi ko man lang nakilala si Mama at si Papa. Totoo kayang masamang tao ang papa ko?
“Charles!” Naagaw ng atensyon ko ang pamilyar na boses na tumawag sa akin.
"Oh, Ate?" Tumakbo ako palapit sa kaniya. “Bakit ngayon ka lang po? Ang tagal mo naman, e!” nakasimaktol kong reklamo.
“Pasensya ka na, Charles. Nabuwal ako kanina, e.” Ipinakita niya ang dumudugong sugat niya sa siko at sa binti na naghatid ng sobrang pagkagulat sa akin.
“Hala! Bakit naman po hindi ka nag-iingat, Ate? Ano bang nangyari sa 'yo? Sandali! Babalik po ako sa loob. Manghihingi ako sa clinic ng alcohol, bulak at betadine. Baka bukas pa sila.” Bumalik ako sa loob. Narinig ko pang tinawag ako ni Ate pero hindi ko na siya nilingon pa.
Kilalang clumsy ang ate ko kaya hindi na nakakapagtaka kung ilang ulit pa siyang mabuwal sa bike niya. Gayunpaman, ibinabalik ko lang sa kaniya ang pag-aalaga na ginagawa niya sa tuwing may sakit ako.
Sa murang edad kong ito, kay ate na umikot ang mundo ko. Kung wala siya, baka matagal na rin akong wala sa mundong ito.
-
Ang tagal naman ni Charles. Okay lang naman ako, e. Medyo mahapdi lang. Semento kasing magaspang ang pinagbuwalan ko kanina kaya nagasgas ang siko ko nang ganito kalala. Kanina pa tumutulo ang dugo pababa sa kamay ko. Mabuti iyong sa binti ko, hindi ganoon kalala.
“Ate!” tumatakbong sigaw ng kapatid ko mula sa malayo. Isinandal ko naman sa pader ang bisikleta ko para maharap siya. Umupo ako at mabilis niya naman akong niyakap.
“Ate, heto po! Nakuha ko sa clinic. Pasara na sila kanina pero mabuti ay nakaabot pa ako. Akin na ang sugat mo. Gagamutin ko.” Hinawakan ng maliliit niyang kamay ang braso ko at pinahiran ng alcohol. Kahit na mahapdi ay tinitiis ko. Naluluha ako sa kapatid ko habang nililinis niya ang sugat ko.
7 years old lang ito, e. Napaka-maalaga niya talaga. Kahit 7 years old na siya, para sa akin, siya pa rin ang baby ko. Napakabait ng kapatid kong ito. Kapag siguro nawala siya ay ikamamatay ko. Huwag naman sana siyang kuhanin agad. Isa lang ang hiling ko, iyon ay mas makasama pa siya ng sobrang tagal.
-
“MAGANDANG gabi, Nanay Selda!” abot tainga ang mga ngiting bati namin at nagtatakbo papunta kay nanay para yumakap.
Nandito kami sa shop ngayon at tutulong kay nanay. Hangga’t hindi pa ako gaanong busy sa school ay mas maglalaan pa ako ng oras dito sa shop.
“Oh, kumusta ang mga araw ninyo? Kumusta ang first day of school kahapon?” puno ng kuryosidad niyang tanong.
“Ako po, ayos na ayos! Ang daming magagandang babae!”
Sinamaan ko ng tingin si Charles nang sabihin niya iyon.
“Hoy, Charles! Ano’ng maraming magagandang babae? Gusto mong sipain kita, ha? Grade 2 ka pa lang, chic boy ka na!”
Bwisit na batang 'to!
“Joke lang, Ate. Ikaw lang ang maganda para sa akin, 'no!”
“Oh, ‘di ba? Bata ka pa lang, bolero ka na! Paano pa kaya kapag naging teenager ka na? Baka mamaya kung sinu-sinong babae ang dalhin mo sa bahay, ha?” Pumamewang ako at parang isang maputak na ina na dinadakdakan siya.
“Wala pa nga Ate, e. Advance ka naman masiyado,” nakangusong reklamo niya habang kinakamot ang ulo.
“Aba! Ayoko lang na mapariwara ka, Charles! Makinig ka sa Ate mo. Mas alam ko ang nararapat para sa iyo,” may autoridad ko pang sabi.
“Opo,” malungkot niyang pagsang-ayon at yumakap kay nanay para magpaawa.
“Nanay, takot ako kay ate,” humihikbi niyang reklamo.
“Bianca, nagbibiro lang naman ang kapatid mo, e.”
Napairap na lamang ako at pumunta sa kusina. Um-a-acting lang ako at kunwari ay nagtatampo. Natutunugan naman ako ni Nanay. Alam niya namang nagpapalambing lang ako sa kapatid ko.
Oh, ‘di ba? Baliktad, e! Iyong nakatatanda ang nagpapalambing sa bata.
“Ate naman, e! Joke joke lang 'yon, e.” Yumakap siya sa likuran ko. Actually, iyong mukha niya, sa puwet ko nakatapat dahil napakaliit pa niya.
Sakto at kailangan kong maglabas ng hangin mula sa loob ng katawan ko. Yari ka sa aking bata ka!
Ilang sandali pa, isang malakas na tunog ng hangin ang lumabas mula sa pang-upo ko. Napatawa ako nang malakas.
“Hala? Ang baho, Ate!" Lumayo siya sa akin at tinakpan ang ilong niya.
“Nakamamatay naman iyang baho mo! Kadiri ka, Ate!” Tumakbo siya papunta kay nanay.
“Nanay, si Ate po, inututan ako sa mukha. Ang baho!” reklamo pa niya habang ako naman ay halos mamatay na sa katatawa.
“I love you, Charles!”
“I hate you!” nagmamaktol niyang sagot ng pabalang.
Ang cute talaga ng kapatid ko. Pero kung sabagay, mabaho naman talaga, e.
“Kayo talaga! Ang kukulit ninyo,” tumatawang sabi ni Nanay nang may biglang dumating na bagong customer.
"Oh, may customer tayo. Bianca, ikaw muna ang bahala, ha? May nakasalang kasi ako sa oven. Baka masunong iyon. Charles, samahan mo ako."
“Okay po, Nanay Selda!” abot hanggang taingang ngiti naman ni Charles at sabay na silang pumunta sa loob ng kusina.
Ano pa nga ba ang choice ko, ‘di ba?
Nagsuot ako ng apron at pumunta sa harap para kuhanin ang order ng bagong dating na customer nang bigla akong natigilan.
“Ikaw na naman?!”