NANLALAKI ang mga mata ko nang muling magsalita, “Ano'ng ginagawa mo rito?” nagsalubong ang kilay ko nang tanungin siya. “Bakery 'to, 'di ba? So, malamang, kakain." Ngumiti siya ng pasarkastiko. "Sa inyo pala ito? Oh, sige. Aalis na lang ako at baka masira pa ang tiyan ko rito.” Tinalikuran niya ako at naglakad ng ilang hakbang. Automatiko namang kumuyom ang kamao ko dahil sa inis. Gusto ko siyang banatan! “Ang kapal talaga ng mukha mo, 'no? Ano’ng baka masira ang tiyan mo? Baka ako ang sumira riyan sa tiyan mo nang malaman mo kung ano ang sinasabi mo!” paghihimutok ko. “Talaga naman pa lang malakas ang loob mo, 'no? Oh, sige. Kakain ako pero kapag sumakit ang tiyan ko ay ipasasara ko 'yang bakery mo," mayabang niyang pagbabanta. Napasinghal tuloy ako. “Okay, fine! Ipasara mo kung g

