INIHINTO ko ang bisikleta ko nang makarating na kami sa tapat ng eskwelahan ng kapatid ko. “Oh, Charles, ha? Mamayang 5:10 or 5:15 kita susunduin. Hintayin mo ulit ako. Huwag na huwag kang sasama sa mga hindi mo kakilala, maliwanag?” Iniabot ko sa kaniya ang bag niya nang naka-ngiti. “Opo, Ate. Mag-iingat ka. Ikumusta niyo ako roon sa poging customer natin kagabi, ah?” Bilin niya at saka humagakhak sa pagtawa. Sinamaan ko siya ng tingin. “Baliw! Mag-aral ka ng mabuti!" “Yes, Ate! Ikaw rin. Ingat!" Kumaway siya sa akin bago tumakbo papasok ng eskwelahan. Baliw talaga iyon. Hanggang ngayon ay hindi maka-move-on. Ang aga-aga niya pa akong ginising kanina para lang asarin tungkol kay Kevin. Kagabi nga ay halos hindi siya nagpatulog kakaasar sa akin. Oh, ‘di ba? Ganoon kabaliw ang kapatid

