PUMASOK kami sa clinic na sinasabi niya. Hiyang-hiya ako sa mga nakakakita sa amin habang buhat niya ako. “Ma'am, pasyente po,” wika nang makarating kami sa clinic. Dahan-dahan din naman niya akong inihiga sa kama. “Oh? Ano'ng nangyari?” Lumapit naman sa amin iyong nurse at nagsuot siya ng face mask. “Pinag-trip-an sa klase, Ma’am. Palabas na siya ng kwarto nang may naglagay ng libro sa daraanan niya. Hindi niya napansin iyon kaya natalisod siya. Tumama ang ulo niya sa pinto at natapilok ang kaliwang paa niya. Na-sprain ang ankle niya kaya ngayon ay sobra ang pamamaga," paliwanag niya. Napabuntong hininga na lang ang nurse na nandito. “Napaka-pasaway talaga ng mga estudyante kahit kailan. Sino ba ang estudyanteng iyon?” “Ako na po ang bahala sa kaniya mamaya, Ma’am,” kalmadong sago

