CHAPTER 10 - KABUTIHANG LOOB

1757 Words

NAPABUNTONG hininga ako. Ang tagal naman ni Kyle. Kanina pa ako naghihintay rito, e. Bukod sa gutom na ako ay nag-aalala rin ako. Kanina pa kasi siya wala, e. “Bianca, maiwan muna kita, ha? Pagkarating ni Kyle ay kumain ka na. Inumin mo ang gamot mo pagkatapos. Huwag kang tatayo riyan. Baka lumala ang sprain mo sa paa at tuluyan ka nang hindi makalakad," bilin ng nurse na nag-asikaso sa akin. “Okay po, Ma’am. Salamat po.” “Okay, sige. Ipapasa ko lang itong letter sa office para ma-i-distribute sa mga teacher mo." Sinang-ayunan ko siya ng pagtango at saka na siya umalis. Nasaan ka na ba kasi, Kyle? Biglang nanumbalik sa isip ko ang ginawa niya kaninang pagtulong sa akin. Ang sarap sa pakiramdam at lalo nang gumaan ang loob ko sa kaniya. Hindi katulad ni Kevin, ang sarap ibaon sa ila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD