NAPASINGHAP ako. Ako si Kevin Jacob Scott na anak ng pinakasikat at pinakamalaking kumpanya sa Amerika. Isa akong leader ng isang kilalang gang dito sa university na limang taon ko nang pinapasukan. Ako ang may gawa nang halos lahat ng kaguluhan dito. Kasama ko sina Kyle, Jack, at Carl sa paggawa ng mga gulong gumugulo sa aming paaralan. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang namin itong nakahiligan. Dahil pare-parehas kaming lokoloko ay nagagawa pa naming magsaya kahit na laging pinapatawag ang mga magulang namin dahil sa pambu-bully namin sa mga nerd students. Pati na rin ang pangva-vandalize namin sa parking lot at ang pagpapahiya ko ng mga babae. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam sa tuwing may napapaiyak akong babae. Gumagaan ang pakiramdam ko. Sa lahat ng bully na students ay ako

