CHAPTER 18 - TUTOR

1976 Words

TUMAMBAY lang ako ng ilang oras sa library at nagbasa ng mga comic books doon. Nang magaala-una na ay muli na akong bumalik sa room dahil iaanunsiyo na ng aming guro ang mga scores namin. Kinakabahan man ako ngunit alam kong makakapasa ako roon. Nang makarating ako sa room ay halos kumpleto na pala ang lahat. Maging ang apat ay nandoon na rin. Seryoso lang akong tinitignan ni Kyle. Kaya habang naglalakad ako ay nginitian ko siya na kaagad namang nagpangiti rin sa kaniya. Tumabi na ako kay Kevin sapagkat sa tabi niya ang puwesto ko. Wala naman siyang pag-aalinlangan na nginisian ako. “Ano na naman ba ang problema mo?" tanong ko sa kaniya ng makaupo ako. Hindi ko siya tinitignan habang siya ay masama ang tingin sa akin. Diretso lang ang tingin ko sa bag ko na abala kong binubutingting. “W

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD