ISANG pamilyar na boses ang tumawag sa akin na siyang nilingon ko. “Oh? Ikaw pala, Kyle. Bakit?” Nakatingala ko siyang nilingon. Nakaupo kasi ako sa upuan ko at siya naman ay nakatayo sa gilid ko. Nandito pa rin kami sa room. “Kumain na tayo. ‘Di ba ang sabi ko, sabay tayo? Tara na!” nakangiting aya niya. “Ay, oo nga pala! Teka, sandali lang. Ililigpit ko lang ‘tong mga gamit ko.” Inilagay ko ang lahat ng papel at ballpen na ginamit ko sa bag ko. Pakiramdam ko ay bigla akong ginanahan. Natatawa tuloy ako. Kanina lang kasi ay hindi na maipinta ang mukha ko, e. Mamaya pa raw sasabihin ni Ma’am ang mga score namin. Pupunta siya rito mamayang ala-una ng tanghali. Wala rin kaming teacher para sa susunod na klase. May importante yatang inasikaso. Iyon ang balita ko kaya itong si Kyle, maag

