CHAPTER 14 - KAHIHIYAN

1624 Words

WALANG TIGIL ang malakas nilang pagtatawanan habang ako, nakasimaktol na sa gilid ng bintana. Kumukulo pa rin talaga ang dugo ko dahil sa ginawa niya. Kulang na lang ay hindi na namin maramdaman ang daan. Para na nga kaming lumilipad kanina. Bwisit na 'yan! Gayunpaman, naiilang akong nakapangalungbaba sa bintana. Ayokong tumingin sa harap at nakikita ko sa peripheral vision ko si Kevin na ngumingisi-ngisi sa akin. Bwisit kasi ang kapatid ko, e. Sinabi ko naman sa kaniyang wala akong gusto kay Kevin. Pero pinagpipilitan naman niyang baliw na baliw ako sa lalaking ito. Lalo tuloy lumalakas ang hangin niya sa utak. “Oo nga pala? Saan ba kayo nakatira? Saan ko kayo ihahatid? Kanina pa kasi ako nagmamaneho pero hindi ko naman alam kung saan ko kayo dadalhin,” tanong niya habang kinakamot a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD