Prince stop for a moment nang makita n'ya ang messages ng kapatid n'ya sa kan'ya. Inaayos n'ya ang mga gamit n'ya sa bagong opisina n'ya at hindi katulad noong nakaraan ay mas magaan na ang pakiramdam n'ya ngayon. He's beginning now to adjust himself slowly sa bago niyang pamumuhay dito sa abroad. May mga araw at oras pa rin minsan na hinahanap-hanap n'ya pa rin ang alaga ni Eunice, ngunit pinipilit n'ya na lang iwaksi iyon sa alaala n'ya kahit isang saglit. May mga oras at sandali pa rin na pilit niyang tinatanong ang sarili n'ya kung tama 'ba ang ginawa n'ya sa dalaga. Tama 'ba na kinalimutan n'ya ito para sa ikabubuti ng mas nakararami? Tama 'ba na pinaubaya n'ya ito dahil iyon ang inaakala niyang tama? Sobrang dami ng mga tanong n'ya sa isip ngunit lahat ng iyon ay hindi n'ya masasag

