Chapter 16 Wesley Hindi pa man nakalalayo ang dalaga ay tila gusto na itong habulin ni Wesley at ibalik sa mga bisig n'ya. Hindi maaaring basta na lang itong makatakas sa kan'ya, lalo na ngayon pa na malapit na n'ya ito makuha. Hindi pa ito nakalalayo at s'ya man ay nakatayo pa rin sa harap ng kotse n'ya at nakatanaw rito. Hindi na nito alintana ang init ng araw na sa mga balat nito ay nakabilad gayong wala itong dala maski na payong. Saglit lang n'yang dinukot sa bulsa ang cellphone ngunit hindi nawawala ang mga mata n'ya kay Eunice. Ayaw n'yang nawawaglit ito maski sandali sa paningin n'ya dahil hindi n'ya na alam kung kakayanin pa 'ba niyang maghintay muli nang ganoon katagal gaya nang ginawa nito sa kan'yang pagtakas noon. "Mom, Dad can you please tell to Lyndon to please bear wit

