CHAPTER 13 Unexpected vows

1649 Words
Kanina pa nakapikit si Eunice ngunit hindi talaga s'ya sanay na may katabi s'ya sa kuwarto n'ya at isang estranghero pa ito kung tutuusin para sa kan'ya.Isa pa masyado siyang aware sa amoy nito dahil tila may hatid iyong kakaibang sensasyon sa kan'ya na hindi n'ya gaanong maipaliwanag.Nag-iingat siyang makalikha ng ingay dahil ayaw n'ya itong magising o maaplimungatan.Hindi n'ya kasi alam kung ano ang mangyayari oras na magtama ang mga mata nila nila 'pag humarap ito sa kan'ya bigla. Nakatalikod itong nakahiga sa kan'ya at siya naman ay nakaharap dito.Tahimik niyang pinagmasdan ang kabuuan nito mula ulo,likod at ang mga braso nito na bakas ang lakas nito batay sa itsura niyon na may kalakihan.Napabuga siya ng hangin na hindi n'ya napigilan dahil sa mga bagay na gustong sumagi sa isipan n'ya sa mga oras na iyon.Hindi s'ya dapat nag-iisip ng ganito lalo pa at alam naman niyang panloloko iyon sa parte n'ya dahil alam naman niyang may iba s'yang mahal at buntis na rin s'ya.Naaawa lang ito sa kan'ya kaya ito narito ngayon sa tabi n'ya. Tatalikod na sana s'ya nang bigla nitong hinawakan ang kamay n'ya.Napadilat s'ya sa ginawa nito at biglang kabog sa dibdib n'ya na lang ang tanging ingay na naririnig n'ya sa mga oras na iyon.Nanatili lamang siyang nakapikit ngunit hindi na s'ya gumalaw.Naramdaman na lang n'ya ang paghigit nito sa baywang n'ya palapit sa katawan nito at idinikit nito ang mukha sa tainga n'ya. "I love you,"bulong nito sa kan'ya kaya bigla siyang napadilat.Nakita n'yang nakapikit pa rin ito ngunit ngayon ay nakahiga na ito nang nakatihaya. Tama 'ba ang narinig n'ya o naghahalusinasyon lang s'ya?Mataman n'ya itong inobserbahan at ilang minuto na nga siyang nakatitig dito ngunit talangang mahimbing ang tulog nito.Hindi na lang n'ya iyon pinansin at tumalikod na s'ya rito.Niyakap n'ya ang unan n'ya at doon isiniksik n'ya ang mukha para makatulog na s'ya. Matagal talaga ang oras kapag hinihintay mo iyon.She can't stand to be with this man for just a matter of time.Pakiramdam n'ya ay sasabog s'ya ano mang oras at iyon ang labis niyang ipinagtataka sa sarili n'ya. Mainit na sikat ng araw na tumatama sa mukha n'ya ang gumising sa nahihimbing na dalaga.Pupungas-pungas na iminulat n'ya ang mga mata n'ya ngunit saglit lang iyon dahil nasilaw s'ya bigla pagkadilat n'ya sa mga mata n'ya kaya ipinikit n'ya muli iyon.Parehong nakabukas ang bintana ng kuwarto n'ya at nakabuhol pa ang kurtina niyon. Napasimangot s'ya sa pagtataka kung sino naman kaya ang nagbukas niyon.Kabilin-bilinan n'ya pa naman noon pa man na huwag hahayaan na bukas iyon dahil nga diretsyo ang tama ng araw sa kama n'ya.Marahas siyang napabalikwas ng bangon nang maalala n'ya kung ano ang nangyari at sino ang kasama n'ya kagabi.Kinapa n'ya ang katabi at nag-panic s'ya nang makitang wala ito roon sa higaan n'ya.Saan na ito ngayon?Yari na sabi n'ya na ngang huwag itong magpapaabot ng umaga dahil ayaw niyang maabutan ito ng parents n'ya. Tumayo na s'ya sa pag-aakalang nakauwi na siguro ito at hindi na siguro ito nag-abalang gisingin pa s'ya dahil mahimbing pa s'yang natutulog.Nagpunta s'ya ng C.R at mags-shower na s'ya bago bumaba nang makita n'ya ang note sa table n'ya.Nakasulat iyon sa calling card na nabasa niyang pag-aari ng binata batay sa pangalan nitong nakaukit doon sa gold lettering.Wesley Echivarri.C.E.O of Diversion company. Diversion?Tila narinig na n'ya ang pangalan ng kompanyang iyon ngunit dahil sa dami ng mga kompanya sa ngayon halos ang lahat magkaka tunog na rin siguro.Ipinagkibit na lamang n'ya iyon ng mga balikat at nagpatuloy na binasa n'ya ang note na nakasulat doon. Eat your breakfast and take your vitamins, Love, Hubby Napangiti s'ya nang mabasà n'ya iyon.Ang sweet naman pala nito.Inisip na lamang n'ya na isang biro lang iyon gayon alam naman talaga n'yang sooner or later ay talaga namang magiging real husband and wife na talaga sila.Pinakiramdaman n'ya saglit ang sarili.Hindi na s'ya ang babaeng masyadong nasaktan noon.Nagagawa na n'yang ngumiti at tumawa magka Minsan.At lahat iyon ay dahil sa binata.Nagpapasalamat s'ya at inalalayan s'ya nito sa mga panahong iyon ng buhay n'ya na kailangan n'ya ng masasandalan. Si Prince ang dapat sana'y taong naririto para sa kan'ya sa tabi n'ya ngunit hindi iyon ang nangyari.Pagkaalala sa pangalang iyon ay tila binuhusan s'ya ng malamig na tubig sa buong katawan n'ya kasabay sa paghawak n'ya sa noon ay impis pa n'yang tiyan.Naalala na naman niya ang problema n'ya.Saglit n'yang iwinaksi sa isipan ang lalaking iyon at naligo na s'ya.Pikit ang matang binuksan n'ya ang shower at doon ay malaya n'yang pinadaloy sa mukha n'ya ang lagaslas ng tubig kasama ng mga luhang pilit na tumatakas sa mga mata n'ya at ang isang pangakong sila lang ng anak n'ya ang nakakaalam sa mga oras na iyon. She will make him pay for what he did to her.Magkikita silang muli nito at hindi na s'ya ang dating babaeng nasaktan noon.Babaguhin n'ya ang sarili n'ya maging ang puso n'yang tanga pa rin hangang ngayon na patuloy na nagmamahal dito.Hindi na s'ya muling luluha pa.Iyon ang mga pangakong binitawan n'ya sa sarili n'ya para sa anak n'yang patuloy na lunalaki sa sinapupunan n'ya. Isang ingay na nagmumula sa kusina ang naulinigan n'ya kaya buong pagtatakang tinungo n'ya iyon.Araw ngayon ng linggo kaya nagtataka s'ya kung bakit tila hindi umuwi ang mga katulong nila sa mga pamilya ng mga ito.Ang alam kasi n'ya ay tuwing linggo ay day-off ng mga ito.Siguro nagbago na ang rules ng bahay nila.Matagal tagal na rin kasi s'ya mula noong umalis s'ya rito. "Aba'y kagaling na bata naman pala nito mommy.Mas magaling ka pa o mas tamang sabihin na mas marunong ka pa palang magluto sa anak namin.Masuwerte si Eunice sa'yo,"tinig iyon ng daddy n'ya kaya napabilis tuloy ang paglapit n'ya sa kusina. Mukhang tama ang hinala n'ya.Hindi pa ito umuuwi at mukhang nagpakita talaga ito sa mga magulang n'ya and look now.Nanlalaki ang mga mata n'ya dahil sa eksenang inabot n'ya sa mga ito.Naka-apron ito at ang mommy at daddy n'ya ay nakaupo sa lamesa na nakatingin dito habang nakatalikod ito at nagluluto! Kagat ang mga labing napabuga s'ya ng hangin at napailing.Hindi talaga ito pumapalya na inisin at sirain ang araw n'ya minsan.Hindi 'ba nito naaalala ang sinabi n'yang kondisyon dito kagabi na patutulugin n'ya ito kapalit na aalis din ito agad at hindi magpapakita sa mom at dad n'ya.Nakalimutan 'ba nito iyon o talagang inaasar lang s'ya nito? "Bakit narito ka pa?"mataas ang boses at inis na tanong n'ya rito.Hindi namalayan ng mga ito ang bigla niyang paglapit sa mga ito kaya sabay pa ang mga itong napalingon sa kan'ya. Sinalubong s'ya ng nakakalokong ngiti sa mga labi ng parents n'ya gayong isang nakakalokong ngiti naman sa labi ng binatang ngayon ay kaakit-akit na nakatayo sa harapan n'ya suot ang mismong apron n'ya and look.Ang ganda ng katawan nito dahil this time ay nakasuot na ito ng white sando.Bahagya n'yang nasilip ang abdomen nito.Napahigit s'ya ng hininga dahil ang ganda talaga ng katawan nito.Idinako n'ya ang mga mata sa mukha nito para ibaling dito ang pansin n'ya. "Preparing breakfast for my lady.Ayaw mo?"kumindat pa ito pagkasabi niyon at nakita n'ya ang tila pakikisama naman ng mga magulang n'ya sa trip nito. "May conspiracy 'bang nangyayari dito?"tila pinagkakaisahan s'ya ng mga ito at alam n'yang batay sa mga ngiti ng mga magulang ay alam na ng mga ito na natulog silang magkatabi ng binata. "Ikaw naman ayaw mo 'ba no'n ang sweet ng asawa mo?"wika ng mommy n'ya. "Hindi ko s'ya asa-"hindi na n'ya naituloy ang nais na sabihin dahil nakita n'ya ang mga mata nitong naghihintay sa mga sasabihin pa n'ya.Ewan 'ba n'ya ngunit tila naalala n'ya ang mga salitang binitawan nito kagabi sa kan'ya. "Go on.Ituloy mo lang ano 'yon?"seryoso ang mukha nito at nakataas ang kilay na sagot nito sa kan'ya habang hawak ang sandok na gamit nito sa pagluluto. Nakita n'yang nagluto ito ng soup para sa kan'ya.Chicken soup.Naalala n'ya ang sinabi ng doktor n'ya kahapon.Kaya 'ba ito nagluto para sa kanila ng anak n'ya?Ayaw man n'ya ngunit nakaramdam s'ya ng kilig sa simpleng ginawa nitong iyon para sa kan'ya. "A-ahh nothing.. Ano'ng niluto mo hobby?"sakay na lang n'ya rito.Tila sa ilang araw nilang pagkakakilala nakuha na n'ya ang ugali nitong pikunin ito minsan o mas tamang sabihin na madalas.Lihim s'yang napangiti. "Good. Let's eat saluhan mo na kami nila mom at dad,"anito sa kan'ya. Parang baliktad.Ito ang dapat na susunod sa kan'ya dahil ganoon sila ni Prince noon.Sa lalaking ito tila s'ya ang susunod sa kanilang dalawa.Naalala n'ya magkaibang tao nga pala at ugali ang mga ito.Dapat sanayin na n'ya ang sarili n'ya mula ngayon. Umupo na s'ya at napansin n'ya na biglang tumayo ang parents n'ya.Nagtataka s'yang napatingin sa mga ito. "Mauna na kami.Enjoy couples,"nakangisi ang daddy n'ya hawak ang siko ng mommy n'ya. "Pero kakain pa kayo hindi 'ba?"pigil n'ya sa mga ito ngunit hindi na s'ya pinansin ng mga ito. Nakalabas na ang mga ito sa bahay nila at nakiramdam na lang s'ya sa kasama n'ya sa kung ano pa 'ba ang dapat niyang sabihin dito ngunit tahimik lang itong inilagay sa harap n'ya ang soup at nagtimpla ito ng gatas at inilagay iyon sa harapan n'ya.Umupo lang ito sa harap n'ya at nakasalikop ang mga palad na pinagmasdan s'ya. "Hindi ka 'ba kakain?Pagmamasdan mo lang talaga ako?"tila naiilang n'yang sita rito. "Nauna na kame kanina,"tipid nitong sagot sa kan'ya kaya ipinagpatuloy na lang n'ya ang pagkain at in fairness masarap itong magluto kahit na 'ba simpleng soup lang iyon. "Pagkatapos mo aalis pala tayo at may pupuntahan lang.Alam na nila mom at dad mo," Napaangat ang mukha n'ya sa sinabi nito.Hindi man lang 'ba ito uuwi sa kanila? "My Dad knew it doon na papunta ang parents mo ngayon,"tila nabasa naman nito ang nasa isipan n'ya kaya nagtataka man sa mga nangyayari ay nagpatuloy na lang s'yang kumain at hindi na nagtanong pa rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD