CHAPTER 12 The sleep over

1591 Words
Naniningkit ang mga mata ni Eunice habang nakatunghay lang ito sa lalaking nasa harapan n'ya ngayon.Mukha itong nakainom at halata naman iyon sa galawgaw na nga nitong mga kilos.Kanina ay akala n'ya ay namamalikmata lamang s'ya nang nasilip n'ya ito sa bintana ng kuwarto n'ya.Magpapaantok lang sana s'ya kanina dahil katatapos lang n'ya kumain ng hapunan. Lumapit ito sa kan'ya at akmang ididikit nito ang mukha sa mukha n'ya ngunit nagulat s'ya sa ginawa nito kaya mabilis s'yang nakaiwas.Nakita n'ya sa mga mata nito ang sakit na dulot ng ginawa n'yang iyon.No,he wasn't just used to this kind of treatment dahil alam n'yang sanay itong ito ang dinidikitan ng mga babae.Alam n'ya iyon dahil na rin sa mga kuwento ng mommy n'ya sa kan'ya tungkol dito. Sa halip na pansinin ang ginawa n'ya ay idinako na lamang nito ang paningin sa loob ng nakabukas nilang pintuan.Nakapamulsa ito na tila wala lang dito ang ginagawa nitong pang-iistorbo sa kan'ya.Nakasimangot n'ya na itong hinarap ngunit medyo hininaan na lamang n'ya ang boses dahil nakita n'ya pa si Aling Didith na nakatunghay pa rin sa kanilang dalawa at tila nag-oobserba sa kung sino nga 'ba ang kan'yang bisita sa gayong dis oras ng gabi. "Ano 'ba'ng ginagawa mo ha?Hindi mo 'ba alam kung ano'ng oras na ngayon ha?"mariin at may halong inis nang sita n'ya rito. Itinaas lamang nito ang kaliwang balikat na tila wala lang dito ang sinasabi n'ya kaya nakaramdam tuloy s'ya lalo ng inis dito.May kabastusan din pala ang lalaking ito.Ani ng isip n'ya ngunit kinalma na lamang n'ya ang sarili n'ya.Hindi pa n'ya ito gaanong kakilala maski na 'ba ito pa ang lalakeng pakakasalan n'ya sooner or later.Isa pa ay alam nito ang natatanging sikreto n'ya kaya kahit na pa'no ay may utang na loob s'ya rito. "Why are you here?Nakainom ka 'ba?"ulit n'yang tanong dito habang hindi mawawala ang mga kamay niyang nakatakip sa dibdib n'ya.Naiilang pa sayang humarap dito kahit na 'ba hindi na rin naman ito ibang tao sa kan'ya kung tutuusin. "Masama 'bang puntahan ko ang mapapangasawa ko?Hey,don't cover it 'di rin naman magtatagal at makikita ko rin naman ang nasa loob nyan,"sininok pa ito pagkasabi niyon. "Kahit na 'ba.You shouldn't be so inconsiderate naisip mo 'ba na baka natutulog na kami ngayon?"hindi na n'ya pinansin ang sinabi nito dahil baka humaba pa ang usapan nila nito.Napansin kasi n'yang medyo mainitin ang ulo ng binata noong minsang na sinama s'ya nito sa puntod ng Mama nito. ""At least gising pa naman kayo hindi 'ba?Where is your mom and dad?I mean...our mom and dad,"nagpauna na itong pumasok sa loob ng bahay nila at hindi na niya ito napigilan pa.Natutulog na ang parents n'ya ngayon dahil noon pa man ay maaga na talaga ang mga ito matulog.Ayaw na niyang magising pa ang mga ito dahil lamang sa presensya ng binatang ito. "Can you please stop being sarcastic just for once?Tell me straight in my face..Why are you here?"napipikon na n'yang sigaw rito.Nakita n'yang hinubad nito ang sapatos nito at inilagay sa gilid ng front door nila. "Hey?Ano'ng ginagawa mo?isuot mo nga 'yan ano ka 'ba?Makikita 'yan nila dad ano 'ba!?"natataranta niyang awat dito dahil wala siyang balak na ipaalam sa parents n'ya ang pagpunta nito sa kanila.Ayaw na niyang mag-iwan ng isa pang mga katanungan sa mga magulang n'ya dahil ayaw na niyang mag-isip pa ang mga ito na ganoon s'ya kabilis napapayag ng binata na magtabi sila sa kama.Sa kama?No way! What?!Kung ano-ano na ang iniisip n'ya lalo pa at hindi naman puwede na papuwestuhin n'ya ito sa kuwarto n'ya dahil hindi naman iyon kalakihan.Single size lamang ang kama n'ya siyempre hindi sila puwedeng magsiksikan doon isa pa ay lalake pa rin ito maski na 'ba ito pa ang fiance n'ya. Hindi rin naman ito puwede sa guest room nila dahil doon sandali natutulog ang dalawang bagong maid nila sa ngayon dahil inaayos ang maid's quarter nila bago pa s'ya bumalik ulit sa kanila.Ang kulit pala nito 'pag lasing? Susundan na sana n'ya ito nang mula sa taas ng hagdan nila ay may biglang kumaluskos kaya napabilis tuloy ang paglapit n'ya rito na noon ay nasa sofa na nila banda.Inakbayan n'ya ito at pinaupo sandali habang nakatakip ang mga palad n'ya sa bibig nito.Posibleng ang mommy o daddy n'ya iyon siguro narinig ng mga ito ang sasakyan ng binata noong dumating ito kanina kaya bumangon ang mga ito para tignan kung sino iyon. "What the heck are you doing?"anas nito sa mukha n'ya habang pinipilit na tanggalin ang pagkakatakip n'ya sa bibig nito. Naamoy n'ya pa ang amoy ng alak na ininom nito at naghatid iyon ng kakaibang kiliti sa kan'ya sa pagtama ng hininga nito sa leeg n'ya.Gosh!Saka n'ya naalala kung ano'ng suot n'ya sa mga oras na iyon.Bahagya pa pala s'yang nakaupo sa harap nito habang yakap ang mukha nito at nakadikit ang katawan n'ya sa mga katawan nito sa pagpipigil dito na tumayo ito. Napaayos s'ya bigla sa pagkakaupo nang makita n'ya na ang aso lang pala nilang si Foster iyon.Binitawan n'ya agad ito ngunit isang nakakalokong ngiti naman ang nakapaskil sa mga labi nito.May nakita siguro ito.Namumula n'ya itong nilayuan bigla at tumayo na s'ya habang nakangiti pa rin ito sa kan'ya ngunit nanatiling tikom ang mga labi nito.What was he thinking? "Bakit ka nakatawa?Umuwi ka na kaya feeling ko gumagawa ka lang ng dahilan para makatulog dito,"nakahalukipkip n'yang kastigo rito. "Okay.Uuwi na lang ako kung ipinagtatabuyan mo talaga ako,"bagsak ang mga balikat na tumalikod ito sa kan'ya. Bahagyang kusot na ang suot nitong pollo na napansin n'yang suot pa nito kaninang umaga nang magkasama sila.Hindi pa 'ba ito umuuwi mula kanina?Bahagya naman siyang nakaramdam ng guilt dahil magda-drive pa ito malapit lang sa kanila ang subdivision na tinitirahan nito ngunit kailangan pa rin nito magmaneho.At sa kalagayan nito ngayon na tipsy na ito ay hindi n'ya nasisiguro kung maayos pa 'ba itong makakarating sa bahay ng mga ito.Napalunok muna s'ya bago muling nagsalita. "Wait.Stay here..pero bago magising sila mom at dad you need to go home,"mababa ang tinig na habol n'ya rito.Mabagal lang itong naglalakad palayo sa kan'ya kaya nahalata n'yang nagpapahabol lang din ito sa kan'ya.He is using emotional blockmail to her.Tsk!But it works.Napangiwi s'ya ngunit hindi naman s'ya ganoon kasama upang pabayaan lang ito after all tama ito,hindi ito basta kung sino lang sa buhay n'ya dahil ito na mula ngayon ang tatayong ama sa magiging anak nila ng kasintahan niyang duwag na nilayuan na lang s'ya bigla dahil lang sa walang kuwentang dahilan nito. Humarap naman ito sa kan'ya at sa pagkakataong iyon ay may ngiti na sa mga labi nito.Oh God! Ang guwapo pala nito.He looks ruggedly handsome dahil sa mga bigote na nagsisimula ng tumubo sa baba nito ngunit sadyang hindi nito iyon inahit sa kung anong dahilan nito. Bahagyang nakabukas ang dalawang butones pababa ng suot nitong pollo dahil na rin siguro sa pagyakap n'ya rito kanina kaya nasilip n'ya ang matitigas nitong mga dibdib.Napalunok s'ya.She is not like this na napapansin ang bawat maliliit na detalye sa katawan ng isang lalake lalo pa at wala pa naman silang romantikong pinagsaluhan o relasyon man at kahit na nga kay Prince pa ay hindi s'ya ganito.What's wrong with her? "Sumunod ka sa'kin.Sa k-kuwarto ka na lang matulog..pero sa lapag ka lang..Hindi tayo kasya,"nagpatiuna na siya sa pag-akyat sa kuwarto n'ya at nakita niyang nakapamulsa naman itong sumunod sa kan'ya. "Okay,"tipid nitong sagot sa kan'ya. Lumiko sila sa kanan dahil nandoon ang kuwarto n'ya at sa kaliwa naman ay ang guest room nila bago pa ang kuwarto ng parents n'ya.Kaya bago mag-umaga ay dapat makaalis na ito dahil kung hindi ay katakot takot na paliwanag ang dapat n'yang paghandaan kung sakali mang makita ito kinabukasan.Alam naman niyang hindi nakikialam ang yaya n'ya kahit na 'ba nakita nito si Wesley kagabi. Pagkabukas n'ya ng kuwarto n'ya ay pumasok kaagad s'ya at sinenyasan ang binata na pumasok na ito agad doon.Nakita n'ya ang paglikot ng mga mata nito sa kuwarto n'ya at bahagya iyong nagtagal sa side table n'ya kung saan naroroon ang litrato nila nakalagay ni Prince na magkasama.Nakita n'ya ang pagbalatay ng emosyon sa mukha nito na hindi n'ya mabasà kung selos,galit o inggit? Lumapit ito roon at hinintay n'ya kung ano ang gagawin nito.Dinampot nito iyon at itinaob.Nagulat s'ya sa ginawa nito at takang lumapit rito. "Hey?Ano'ng ginagawa mo?Don't meddle with my things please,"akmang kukunin na n'ya iyon sa lapag ng table ngunit pinigilan s'ya ng mga kamay nito.Mahigpit iyong humawak sa palad n'ya at nakatitig ito sa kan'ya nang matiim.Nakaramdam s'ya ng kakaiba sa paraan nang pagtingin nito sa kan'ya kaya kagyat siyang nag-iwas ng tingin dito. "I don't want to see that again here in your room.You are mine now.Ako na ang mapapangasawa mo..please do it as your respect to me,"seryoso nitong sinabi iyon sa kan'ya at wala siyang maisagot rito. Hindi na nito hinintay ang sasabihin n'ya at humiga na ito bigla sa kama n'ya.Nakanganga naman siyang nakamata lang dito.Minsan hindi talaga n'ya maintindihan anong ugali mayroon ito.Gusto n'ya itong paalisin doon ngunit ayaw naman niyang magtalo pa sila ulit nito tungkol sa litratong iyon.Tahimik niyang dinampot ang picture nila ng kasintahan at itinago n'ya sa loob ng kabinet iyon.Nakita niyang sumilip ito sa ginawa n'ya ngunit hindi na ito nagsalita pa.Tahimik na rin siyang humiga sa tabi nito ngunit iniharang n'ya ang malaking unan sa gitna nilang dalawa.May kalakihan ang katawan nito kaya naman ay halos nasa sulok na rin s'ya ng kama n'ya.Bakit 'ba s'ya pumayag na matulog ito sa kuwarto n'ya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD