CHAPTER 11 Love of his life

1955 Words
Prince Gabi na natapos ang ginawang pagsasaayos ni Prince sa mga gamit n'ya sa hotel na titirahan n'ya habang nagtatrabaho s'ya roon.Malinis at maaliwalas ang kuwartong ipinagamit sa kan'ya na pag-aari rin ng pamilya ng mga Echivarri. Habang nasa biyahe s'ya ay saka lang n'ya narealised na ang binatang pinag-abutan n'ya ng sulat noong minsang pumunta s'ya sa opisina ng nakatatandang don na may-ari ng mismong kompanya na pinapasukan n'ya ay ang mismong lalakeng anak nito na nakatakdang pakasalan ng kasintahan niyang iniwan sa bansang inalisan n'ya. Hindi n'ya alam kung bakit nag-aalala s'ya samantalang nagbitaw na nga siya ng salita sa don na hindi na kailanman mangugulo kay Eunice dahil ipinagpalit na nga n'ya ito sa mga naitulong nito sa pamilya n'ya at sa pagsagot ng mga ito sa mga bayarin at gastusin ng papa n'ya sa ospital. Nakita n'ya ang lalaking iyon.Makisig ito,mayaman at hindi sa pang mamaliit n'ya sa sarili n'ya ngunit 'di hamak na mas guwapo at may dating ito kaysa sa kan'ya aaminin n'ya.Alam naman niyang hindi pa ang mga ito nagkikita dahil naaalala niyang naikuwento sa kan'ya noon ng katipan na hindi man lang ang mga ito nagkita kahit na minsan bago pa man sila noon nagsama. Paano na lang kung magkita na ang mga ito?Possible kayang mahulog ang loob ni Eunice dito at mapalitan s'ya sa puso ng babae?Kung magkagayon man ano pa 'ba ang pakialam n'ya gayong iniwan at sinaktan na nga niya ang dalaga? Parang hindi n'ya kayang isipin na bukod sa kan'ya ay may iba pang lalake ang puwedeng makatabi o mas lalo pang hindi n'ya kayang isipin na may iba pa itong mamahalin bukod sa kan'ya.Sa tuwing iisipin n'ya ang malungkot na mukha nito noong iniwan n'ya ito ay tila gusto s'yang hilahin ng mga paa n'ya pabalik sa dalaga. Mabigat ang mga dibdib na dinukot n'ya ang bulsa at inilabas ang cellphone n'ya.Dumiretsiyo s'ya sa gallery n'ya at doon ay tumambad sa kan'ya ang mga litrato nila ng kasintahan.Mapait na ngiti ang sumungaw sa mga labi n'ya at kasabay nang pagbigat ng dibdib n'ya ang sakit at kirot na bigla na lang n'yang naramdaman sa pagtitig sa magandang mukha ng kasintahan.Sobrang sakit sa kan'ya ang desisyong ito ngunit hindi n'ya kontrolado ang lahat ng mga pangyayari.Tatanggaoin na lang siguro n'ya ang kapalaran nila.Hindi sila ang para sa isa't isa. Masayahin ito mabait at maaalaga talaga.Isa siguro iyon sa mga minahal at nagustuhan n'ya sa kasintahan noong nagsisimula pa lamang sila.Hindi n'ya na alam kung makakatagpo pa 'ba s'ya ng katulad nito sa buhay n'ya.Tama 'ba ang ginawa n'ya?Mas pinili n'ya ang pamilya n'ya hindi ba't ito naman talaga ang nararapat? Sinasabi ng isip n'yang oo ngunit ang puso n'ya ay labis ang pagtutol sa naiisip n'ya.Alam n'yang kahit kailan ay hindi n'ya na magagawang maibalik ang kahapon pero puwede n'ya pa itong dugtungan.Pangako babalikan n'ya ito upang ipaliwanag ang sarili n'ya at 'pag dumating ang araw na iyon ay hinding hindi na sila mghihiwalay pa.. Wesley Nakailang bote na sila ng whiskey ngunit pakiramdam ng binata ay tila may puwang pa rin sa isip n'ya ang mga alalahanin patungkol sa dalagang nakatakda na n'yang pakasalan.Hindi biro ang kinahaharap nito sa totoo lang.Gusto na niyang harapin ang daddy n'ya at ipagtapat na lang sana n'ya ang lahat ngunit paano 'ba n'ya gagawin 'yong kung ito mismo ang unang tumututol na sabihin sa iba ang problema nito. Tuloy ay pakiramdam n'ya ay may kinalaman talaga s'ya sa mga paghihirap nito.Naaawa s'ya rito ngunit hindi naman n'ya magawang kontrahin ang plano ng ama n'ya para sa kan'ya.Siguro aaminin na rin n'ya na gusto na nga n'ya ang dalaga noon pa mang sinubukan na n'ya itong stalk-in noon pa man na hindi pa nangyayari ang pakikipag tanan nito sa nobyo nito.Walang nakakaalam noon ngunit hindi na rin siguro n'ya kaya pang magsinungaling maski sa sarili n'ya. He likes her.No,he loves her.Masama man ang gagawin n'ya at makasarili ay iyon lang ang tanging paraan para mailigtas n'ya ito sa masamang lalake.Alam n'yang kasalanan ng daddy n'ya ngunit kung matino itong tao ay hindi nito magagawa ang nagawa na nito sa dalaga.Isa pa,masyado na ring magulo ang sitwasyon kung ipaaalam pa n'ya rito ang totoong dahilan kung bakit ito iniwan ng lalaking iyon.Lalo na sa kalagayan nito sa ngayon puwede pa nitong ikapahamak iyon. Isang desisyon ang nabuo sa kan'ya sa mga oras na iyon at hindi n'ya na iyon mababago pa.Pananagutan n'ya ito.Magpapakasal silang dalawa at s'ya ang tatayo bilang ama ng dinadala nitong anak kahit ano pa ang mangyari. "Bro,if I were you huwag ka nang makisali sa gulong 'yan.Ang dami daming mga babae ang nagkakandarapa sa'yo tapos sa disgrasyada ka lang pala babag-" Hindi na nito naituloy ang iba pa nitong sasabihin sana dahil malakas at mariin ang ginawa n'yang paghampas sa lamesang kinalalagyan ng inumin nila.Bahagyang umalog iyon at muntikan pa ngang matapon ang laman ng isang kopita roon. Taka namang nakamata ito sa kan'ya.He is not like this before.Hindi s'ya basta bastang nasasaktan sa mga sinasabi nito sa mga babaeng nauugnay sa kan'ya noon dahil aaminin n'yang wala lang ang mga iyon sa kan'ya but not with her.Nasasaktan s'ya kung ito na ang may kinalaman sa mga panglalait ng kahit na sino rito.Maski na 'ba sa kaibigan pa n'ya manggagaling 'yon. "Easy bro,ano'ng problema mo?Hindi ka naman ganyan dati ha?"mariin nitong salungat sa kan'ya. Nanatili lamang tikom ang bibig n'ya.Kanina ay naikuwento na n'ya rito ang lahat lahat nang gumugulo sa isipan n'ya at nagulat talaga ito dahil wala talaga siyang nabanggit maski na rito noon pa man.Hindi naman n'ya inakalang matutuloy ang pagpapakasal nila at babalik ang dalaga sa buhay n'ya. "Sorry,"mahina n'yang sagot dito.Medyo Lasing na rin siguro s'ya at kailangan na n'yang umuwi sa kanila. "Ayoko na sanang marinig na mauulit pa iyon Steve.Hindi s'ya disgrasyada dahil pananagutan ko naman s'ya,"medyo bulol na niyang salita rito at nakita naman n'ya ang pagtango nito kasabay nang pag-iling ng ulo nito. "You must really out of your mind dude,"wika nito at inagaw na nito ang hawak niyang kopita. "Akin na nga 'yan ihahatid na kita sa inyo,"inisang lagok nito ang laman niyon at bahagya pang pumakla ang mukha nito. Natawa naman s'ya sa itsura nito at pinalo n'ya ito."Ako ihahatid mo?Baka hindi magustuhan ni Dad ang itsura mo at pareho tayong patalsikin sa trabaho bukas na bukas,"natatawa n'yang anas dito. Medyo mainit kasi ang ulo ng daddy n'ya sa kaibigan noon pa man dahil ito ang palagi n'ya kakutsaba sa mga ginagawa n'yang pagtakas noon dito sa mga ginagawa nitong pag-se-set-up nito ng petsa para sa paghaharap nila noon ni Eunice. Ikinibit na lamang nito ang balikat dahil wala naman din itong magagawa kung hindi ang ihatid s'ya sa kanila.Mas mabilis kasi siyang malasing kaysa rito kung kaya't ito ang chaperon n'ya sa mga gala nila noon. Inalalayan na s'ya nito at nilakad nila nang sabay patungo sa 'di-kalayuan kung saan n'ya ipinark kanina ang sasakyan pero isang bagay ang biglang pumasok sa isip n'ya.Hindi s'ya uuwi sa kanila sa halip didiretsiyo siya sa bahay ng fiancee n'ya.Siguro naman ay okay lang s'yang maki-sleep over doon hindi 'ba. "Ako na lang bro I can handle.May daraanan lang kasi ako magpahinga ka na lang dito ako na bahala,"kinuha n'ya rito ang susi na agad naman nitong ibinigay sa kan'ya. "Saan ka pupunta? Don't tell me na mambababae ka pa?Pupuntahan mo 'ba 'yong kaninang girl what's her name again?Ahh Jenny right?"nag-isip ito saglit at nakangisi sa kan'ya. "No way,got to go bye,"binuksan na n'ya ang pinto ng kotse n'ya at in-start ang makina niyon. Kaya pa naman n'ya ang mag-drive. Anyway halos magkasunod lang din kasi ang lugar nila ng dalaga kaya hindi na rin s'ya mahihirapan kung umuwi man s'ya at hindi ito pumayag na doon s'ya matulog.He just wanted to see her sound and safe.He wanted to hug her tight so that he could let her feel how sorry he was sa lahat ng mga kasalanan n'ya rito kahit na hindi nito alam kung ano 'ba ang mga ginawa n'ya. Kumaway lang s'ya sa kaibigan at umandar na ang sasakyan n'ya palayo rito.Kinakabahan s'ya sa gagawin ngunit tutal naman ay ikakasal na rin sila,wala naman sigurong masama na dalawin n'ya ang fiancee n'ya anyway almost ten 'o clock p.m pa lang naman ayon sa wristwatch n'ya nang tapunan n'ya iyon ng tingin. In-on n'ya ang stereo ng sasakyan at binilisan pa n'ya ang pagpapa andar para makita na n'ya ang dalaga.Sa totoo lang ay nasasabik na s'yang muling makita ito kahit na 'ba kanina lang umaga ay magkasama sila.Sana ay hindi s'ya nito mahalata sa totoong nararamdaman n'ya. Halos wala pang kalahating oras nga ay nakarating na s'ya sa lugar ng dalaga.Binuksan n'ya ang bintana ng kotse nang nasa tapat na s'ya ng guard house sa entrance ng subdivision papasok sa bahay ng mga ito.Tinignan lang s'ya ng guard at saglit na tinawagan ang numero ng bahay nila Eunice at nang makompirma naman nito na kilala s'ya ng pamilya ng dalaga ay magalang naman siyang tinanguan nito na tumuloy na s'ya. Ilang saglit pa nga ay nasa harap na rin s'ya ng bahay nila Eunice.Medyo nag-alinlangan lang s'yang bumusina sa gate nito at pinakiramdaman n'ya muna kung gising pa 'ba ito.Nasa kuwarto nito sa taas ang tingin n'ya at bukas pa naman ang ilaw nito.Bahagyang nakabukas ang bintana ng kuwarto nito at nagulat pa s'ya nang gumalaw ang kurtina niyon at sumilip ito.Nakita s'ya nito sa loob ng kotse n'ya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang kumaway at ngumiti rito.Bakit gising pa 'to? Maya-maya nga ay nawala ito sa bintana at bumaba na yata ito para pagbuksan s'ya ngunit laking pagtataka n'ya dahil walang Eunice na bumaba para pagbuksan s'ya ng gate.Hindi nakatiis ay bumusina s'ya nang dalawang beses.Sapat lang iyon upang ipaalam na may tao sa tapat ng bahay ng mga ito at hindi nga sy'a nagkamali.Bumukas iyon at bumungad sa kan'ya ang katulong ng mga ito na natatandaan n'yang si Aling Didith.Magalang siyang kumaway rito.Ito siguro ang nakasagot kanina sa tawag sa labas ng mga guard. "Aling Didith gising pa ho 'ba ang alaga n'yo?"tanong n'ya rito habang unti-unting pumapasok ang kotse n'ya. "Hindi ko ho alam sir,siguro ho kanina nakita ko siyang kumain," mahina nitong sagot sa kan'ya at halatang nag-isip pa ito. "What?Kanina lang s'ya kumain?" "Loko talaga 'yon ah sabi ng huwag papalipas ng gutom eh,"bulong n'ya ngunit hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ng yaya nito ang sinabi n'ya at palihim na ngumiti ito na tila kinikilig. "Ang sweet n'yo naman ho sir,ngayon ko lang kayo nakilala kayo ho 'ba si Sir Prince?"nakangiti nitong tanong sa kan'ya. Isang kunot sa noo ang itinugon n'ya rito pagkarinig sa pangalan na iyon.So,Prince pala ang pangalan ng nobyo nito.But definitely not her Prince charming.Ipinagwalang bahala na lang n'ya iyon.Siya na ngayon ang kasama ng dalaga at wala namang magagawa pa ito sa bagay na iyon. "No!"Isang tinig iyon at sabay pa silang napalingon ni Aling Didith sa boses na iyon.Malakas iyon at medyo galit ang tinig.Kalalabas lang n'ya ng kotse n'ya at nakita n'ya ang seryoso at galit na mukha ng dalaga.Diretsyo itong nakatingin sa kan'ya. Bigla tuloy siyang napalunok.Nakita n'ya Kasi ang suot suot nitong manipis na pangtulog at kahit pa man alam niyang buntis ito ay hindi pa naman halata iyon sa katawan nito dahil nga ilang buwan pa lang naman.Maliit lang itong magbuntis.Napalunok s'ya at nakita niyang bumaba ang tingin nito sa suot nito.Tila hindi nito agad naalala na nakasuot lang ito ng gayon kaya bigla ay pinag-krus na niyakap nito ng mga braso ang sarili. "I-i just want to check you how you doing here,"nauutal na sagot n'ya at sana lang maniwala ito sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD