CHAPTER 10 The Secret

1159 Words
Past 8 pm na nang magising si Eunice at sobrang sakit talaga ng ulo n'ya.Dahil Akala n'ya ay normal lang naman iyon sa isang nagbubuntis,binalewala na lamang n'ya ang nararamdaman at kinuha ang tuwalya sa rack upang maligo na muna s'ya bago s'ya bumaba upang maghapunan. Nakakailang hakbang pa lamang s'ya ngunit naramdaman n'ya ang biglang pag-ikot ng paningin n'ya na tila dumoble ang bawat bagay na matapunan n'ya ng paningin.Mabuti na lamang at napahawak s'ya sa dulo ng table n'ya na noon pa n'ya gamit at ni hindi man lang naalis sa kuwarto n'ya magmula nang umalis s'ya limang taon na ang nakararaan sa bahay nilang iyon Kasunod naman niyang naramdaman ang tila pagbaligtad ng sikmura n'ya na tila may kung ano siyang nakain na masama ngunit ang totoo n'yan ay wala pa ngang laman ang sikmura n'ya mula pa kaninang tanghali.Natutop n'ya ang noo sa sobrang inis n'ya sa sarili n'ya na nagagawa pa niyang idamay ang anak sa sinapupunan sa pagkapabaya n'ya sa sarili n'ya. Nagmadali na siyang bumaba at hindi na siya naligo dahil baka mapaano na ang anak niya.Oo anak lang n'ya. "Anak kanina ka pa kinakatok hindi ka na nakakain kanina,"may bahid pag-aalala na batí agad sa kan'ya ni yaya Didith.Ito ang nag-alaga sa kan'ya mula pa noong bata pa s'ya kaya malapit talaga ang loob nito sa kan'ya. Gusto niyang umiyak dito ngunit hindi n'ya puwedeng ipaalam sa kahit na sino ang sitwasyong mayroon s'ya sa ngayon.Kahit na 'ba sa mga magulang n'ya.Alam niyang malaki ang impluwensya ng mga ito at kaya ng mga ito gawaan ng paraan na masira ng mga ito ang trabaho ng dating katipan maski na 'ba nasa abroad pa ito ngayon. Ganoon n'ya ito kamahal maski na 'ba sinaktan na s'ya nito at winasak lahat-lahat sa pagkatao n'ya ay ito pa rin ang iniisip n'ya.Tama nga siguro ang sinabi ng kaibigan.Tanga talaga s'ya. "May problema ka 'ba hija?"mahina ngunit puno ng pagmamalasakit na tanong nito sa kan'ya. Hindi na n'ya napigilan pa ang sarili n'ya.Maski na 'ba sabihin n'ya rito na okay lang s'ya ay alam niyang kilala s'ya nito at hindi rin naman ito maniniwala sa kan'ya.Bagsak ang mga balikat na niyakap n'ya ang tagapag-alaga n'ya at doon sa mga balikat nito ay inilabas n'ya ang naipong sama ng loob at halo-halong mga emosyon na hindi n'ya magawang ilabas ilang araw na ang nakararaan. "Hala,ikaw na bata ka talaga.Ang tagal mong nawala tapos babalik ka dito ikakasal ka na bigla ano 'ba talagang nangyayari sa'yo ha?" Saglit siyang kumalas sa pagkakayakap dito at pinakiramdaman muna n'ya ang sarili n'ya kung okay na 'ba ang pakiramdam n'ya o hindi pa.Medyo ayos na s'ya ngayon ngunit sa palagay n'ya ay hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ng kahit na sino maging ito mismo ang kondisyon n'ya ngayon. "Wala ho manang.Wala ito huwag n'yo na lang po akong pansinin sino po ang nasa baba?"nilunok n'ya ang laway na tanong n'ya rito.Hindi pa s'ya handa na pag-usapan ang nalalapit niyang pakikipag-isang dibdib sa totoo lang. "Daddy mo hija,"mataman lang itong nakatitig sa kan'ya na tila 'ba ay may nais pa sana itong malaman at itanong sa kan'ya ngunit mas pinili na lamang nito na irespeto ang pananahimik n'ya sa ngayon. Tumango na lamang s'ya at nakapamulsang bumaba na s'ya sa hagdan nila at dahan-dahan lang ang ginawa n'ya dahil kung kanina ay ang ulo n'ya ang masakit ngayon naman ay tila lumipat ang kirot niyon sa tagiliran n'ya.Stress na yata s'ya masyado dahil sa mga iniisip n'ya.She needs to unwind at may alam sana siyang lugar kung saan s'ya maaaring magpunta kaya lang ay bawal pa siyang magbiyahe sa malayo dahil medyo maselan ang pagbubuntis n'ya. "Eunice,"isang tinig iyon na nagpapitlag sa kan'ya bigla at muntik pa siyang mapatalon sa labis na pagkagulat dito.Tinig iyon ng daddy n'ya na mula sa library nila ay bigla na lang sumulpot. Sa babà lang kasi ng hagdanan nila nakapuwesto ang mini library nila dahil mahilig ang daddy n'ya mag-uwi ng mga trabaho nito na mula sa opisina nila.Kahit na ito ang owner at C.E.O ng sarili nilang kompanya ay hands on talaga ang daddy n'ya sa mga negosyo nila at kahit na may edad na ito at s'ya naman ay nag-iisang anak lang ng mga ito ay wala naman siyang hilig sa pagnenegosyo kaya siguro nito mas pinili na rin na ipagkasundo s'ya sa anak ng matalik nitong kaibigan na si Wesley nga. "Y-yes Dad?"mahina ngunit mariin n'yang sagot sa daddy n'ya.Nakita n'ya sa mukha nito ang lungkot at tila hindi ito ganoon kasaya sa mga nangyayari ngunit ipinagpalagay na lamang n'ya na baka guni-guni lang n'ya iyon. "I hope this time ay hindi ka na susuway sa'min ng mommy mo..We only want the best for you sana balang araw maintindihan mo kami,"buo ang tinig na sinabi iyon ng daddy n'ya using his powerful voice. Tumango na lamang s'ya hindi dahil sa gusto n'ya na lang magpatangay sa mga gusto nito,ngunit dahil may iba pa s'yang mga plano.At walang ibang makakatulong sa kan'ya ngayon kung hindi ang binatang naging laman na nga ng isipan n'ya ng ilang araw.Aaminin n'yang isang palaisipan sa kan'ya ang motibo nito at kung bakit ito sobrang bait sa kan'ya gayong ilang araw pa lang naman sila nito magkakilala at sa postura at guwapo nito,idagdag pa na tagapagmana rin ito ng ibat-ibang negosyo ng pamilya nito imposible at hindi s'ya naniniwala na wala itong babae sa buhay nito. "Salamat Eunice.Maniwala ka sana sa amin ng mommy mo,this is the best decision you'll ever made.Wala kang kinabukasan sa nobyo mong 'yon,"anito pa at nakita n'ya ang pagtagis ng bagang nito kung hindi s'ya nagkakamali ng nakita n'ya mula sa liwanag na nagmumula sa library nila at ipinagtaka n'ya iyon. Hindi pa kailanman nakakausap ng daddy n'ya ang dating kasintahan at ang natatandaan lang n'ya na unang nagkita ang mga ito noong sinundo s'ya nito sa opisina nila at pinagkamalan pa ito ng daddy n'ya na driver ni Mona. Naawa s'ya kay Prince noon ngunit ipinaglaban n'ya sa pamilya na mahal n'ya ito kahit pa na lantaran ang pag-ayaw ng mga ito sa lalake.Ngayon gusto niyang isipin na talaga nga sigurong tama ang mga ito sa iniisip sa binata dahil sa ginawa nitong pag-iwan sa kan'ya without any valid reason. "Anyway,kumain ka na.Kailangan mong magpataba nang kaunti dahil in time 'pag ikinasal na kayo ni Wes ay you know baka magkaanak agad kayo at kung ganyan ka kapayat ay mahihirapan kang magbuntis hija,"nakangiti na nitong biro sa kan'ya ngunit para sa kan'ya ay hindi dahil alam n'ya sa sarili n'yang totoo iyon ngunit hindi nga lang sa lalaking inaakala nitong magiging ama ng magiging anak n'ya. Dahil sa sinabi nito ay nadagdagan lang tuloy ang guilt na nararamdaman n'ya ngunit wala siyang magagawa.Ang mahalaga ay malalaman din naman ng mga ito ang buong katotohanan iyon nga lang ay hindi pa n'ya alam kung kailan 'ba ang araw na iyon..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD