CHAPTER 9 To think things over

1075 Words
Eunice Hawak n'ya ang tiyan n'ya habang nakaupo s'ya sa kuwarto at malalim ang iniisip n'ya.Isang buwan na ang ipinag bubuntis n'ya at hindi na n'ya ito magagawang maitago pa sa mga susunod na buwan.May isang buwan pa bago ang nakatakda nilang kasal ni Wesley kaya may panahon pa s'ya para paghandaan at pag-isipan ang lahat ng bagay sa buhay n'ya. Tama 'ba ang ginawa n'yang pagpayag sa kasal sa binata na halos wala pang isang linggo n'yang nakikilala?Hindi 'ba puwedeng hintayin na lang n'ya si Prince saka n'ya ayusin ang lahat sa kanila at baka may magbago pa sa kanilang dalawa 'pag makita na nito ang magiging anak nila? Sobrang gulo na ng utak n'ya sa totoo lang.Pinipilit na lang n'yang maging malakas ngayon para sa batang nasa sinapupunan n'ya.Hindi pa rin s'ya makapaniwala sa kinahinatnan ng relasyon nila ng katipan.Hindi 'ba at ito na nga ang may sabi sa kan'ya noon na kaya nilang lagpasan ang lahat ng pagsubok sa relasyon nila no'n ngunit ano'ng nangyari sa kanila ngayon? Hindi s'ya makapaniwala.Itinatanggi ng utak n'ya maging ng puso n'ya na kaya siya nitong iwan at kalimutan na lang basta.Sigurado s'yang may nangyari na ayaw nitong sabihin sa kan'ya.Nakaramdam siya nang saglit na pagkaliyo kaya nag-alala s'ya sa nasa tiyan n'ya.Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pinakalma n'ya ang sarili. "I need to be strong.Please help me,"kausap n'ya sa tiyan na tila naririnig na s'ya nito. Kinagat n'ya ang ibabang mga labi sa labis na pagpipigil n'ya na makaramdam s'ya ng awa sa sarili n'ya.She was dumped like a trash.Oo mahal n'ya ito,ngunit mas mahal n'ya na ang sarili at anak n'ya mula ngayon.. Wesley Mabilis ang mga paang lumakad na s'ya dahil nag-alala s'ya na baka sundan s'ya ni Jenny at hindi na n'ya ito maiwasan pa.Ilang taon na rin ang lumipas mula nang mangyari ang insidenteng iyon sa buhay n'ya.Muntik s'ya nito pikutin at ang masaklap nakita pa iyon ng mga kaopisina n'ya. Lalaki lang s'ya kaya hindi s'ya nakatanggi sa tukso ngunit ang ayaw n'ya sa lahat ay iyong gumawa ito ng istorya na may relasyon sila para makuha s'ya nito.Pinaalis n'ya ito sa kompanya at ang akala niyang titigil na ito ay lumapit naman ito sa daddy n'ya para magpatulong.But his dad knew it,alam nito ang ganitong uri ng mga babae na pera lang ang habol sa kan'ya. "Sino 'ba 'yon?You looked so tense.Sana ipinakilala mo man lang ako ang hot kaya no'n,"pambubuska ni Steve sa kan'ya at nilingon pa nito sa malayo ang babae ngunit nakaalis na ito lulan ng sasakyan nito. "Sira.Do you remember the girl that i told you before 'yong muntik na akong napikot?"he asked him while raising his brows to him. Nanlaki ang mga mata nito at bumuka ang bibig ngunit saglit lang iyon dahil tinutop rin nito iyon ng palad.Ngumiwi s'ya sa labis na inis sa reaksyon nito.Minsan talaga hindi n'ya maiwasan na may pagka pusong babae ang kaibigan na ito.At kaya na hindi pa ito nag-aasawa ay dahil s'ya talaga ang gusto nito.Natawa s'ya nang mahina sa naisip ngunit alam naman niyang lalaking lalake ito dahil palagi itong laman ng mga bar kung saan din nito nakilala ang nobya nito ngayon. "S'ya iyon?Ba't ayaw mo?"ito naman ang taas kilay na nagtatanong sa kan'ya habang patuloy sila sa paglakad patungo sa bahay nito. Mag-isa lang ito sa bahay nito dahil nasa probinsya ang mga magulang at kapatid nito.Nakilala n'ya ito noong college days n'ya at sabay rin silang sumubok mag negosyo na sabay rin nalugi noon bago s'ya nag-decide na sa kompanya na lang nila s'ya tumulong sa pagpapalakad nito.Kinuha n'ya na rin ang kaibigan at hindi naman nito iyon tinangihan lalo pa at nag-offer s'ya rito ng mas malaking sahod. "Ayoko sa mga gano'n,"tipid n'yang sagot at itinuon na n'ya ang pansin sa iba para ipahatid dito na gusto na niyang tapusin ang topic na iyon. Nakarating na sila sa bahay nito at katulad sa lugar nila,ay mangilan-ngilan lang din ang mga may tao sa mga bahay roon.Kadalasan kasi sa mga ganoong lugar ay ang mga caretaker lang ang tumatao at ang mga totoong may-ari ay nasa abroad. Binuksan na nito ang gate at nauna nang pumasok kasunod niya.Nagulat pa s'ya at napaatras nang mula sa gilid ay may humablot sa suot niyang pantalon at tumahol.Hindi s'ya nerbiyoso ngunit napasigaw talaga s'ya sa gulat dahil doon.Isang malaking aso ang nakatali roon at kailan pa ito nagka aso? "Nakalimutan kong sabihin bro,binigay pala 'yan sa akin ni Sam,"tatawa-tawa nitong paliwanag sa kan'ya.Ang tinutukoy nitong Sam ay ang nobya nitong nakilala nito sa bar kung saan sila madalas noon magpunta. Naiinis man ngunit ipinag kibit na lamang n'ya iyon ng balikat at tinignan ang sinasabi nitong binigay raw ng nobya nito na aso.Maganda ito at mabalbon ngunit hindi s'ya sigurado sa lahing mayroon ito.Mix breed siguro ito dahil mukhang Syberian husky ngunit may pagka aspin naman ang kulay nito na dapat sana ay ash-gray ngunit all brown ang kulay nito. "Ikaw bro masyadong boring ang buhay mo kailangan mo na humanap ng girlfriend mo para 'di lang aso ang maibibigay n'ya sa'yo,"anito pa at kumindat pa alam naman n'ya kung ano ang tinutukoy nito. "Kung alam mo lang..Magiging tatay pa nga ako,"wala sa loob na sagot n'ya rito na nagpahinto naman dito. "What?!"nanlalaki ang mga matang tanong nito sa kan'ya. Tinapik n'ya na lang ito na pumasok muna sila sa loob dahil nasa labas pa lang sila ng pinaka main door nito.Ewan 'ba n'ya kung bakit kumuha pa ito ng bahay samantalang mag-isa lang naman ito at ito na rin ang may sabi na wala itong balak seryosohin ang nobya nito.Ang laki ng bahay na kinuha nito ngunit sa tuwing papasyal s'ya rito ay daig pa n'ya ang nagpupunta sa bodega sa kaiiwas sa mga kalat nito sa garden pa lang nito.Napailing na lang s'ya sa kaibigan. "Sige bro sandali lang ha.Magluluto lang ako ng pulutan natin chill ka muna d'yan,"pinaupo s'ya nito sa garden chair nito at nagmamadaling pumasok sa loob para magluto. Mariin niyang ipinikit ang mga mata n'ya at ninamnam sa mga sandaling iyon ang maaaring mangyari sa loob lamang ng ilang araw kung hindi pa s'ya makakapag-isip ng matinong desisyon sa buhay n'ya ay maaari siyang matali habang buhay sa isang babaeng iba na ang nagmamay-ari ng puso at isipan.Sa isang babaeng nagdadalang tao ng anak ng iba.Bakit 'ba ayaw lahat iyon rumehistro sa utak n'ya?Bakit?Nababaliw na 'ba talaga s'ya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD