The Realization

1101 Words
Habang nasa daan si Wesley ay parang pelikula na nag-flashback sa kan'ya ang mga kaganapan na may kinalaman kay Eunice.Mabigat sa pakiramdam n'ya na isipin na parte s'ya nang mga masasakit na kaganapan sa buhay nito. He knew from the start na ang daddy n'ya ang may pakana kung bakit ito iniwan at nilayuan ng kasintahan nito.Hanggang ngayon ay isang misteryo sa kan'ya kung bakit gano'n na lang ang pagkagusto nito maging ng mga magulang ni Eunice na sila ang magkatuluyan.Naisip n'ya ang kalagayan ngayon ng dalaga.May magbago kaya kung sabihin nila sa mga ito ang totoo na buntis na ito kay Prince at magkakaanak na ang mga ito? Ngunit kilala n'ya ang daddy n'ya.Hindi ito ang isang uri ng tao na puwedeng magbago ang isip sa isang biglaang pangyayari.Alam n'ya sa sarili n'ya na may iba pa itong mas mabigat na dahilan sa kung bakit nito pilit na pinahanap at pinagkasundo sila ng dalaga maski na 'ba matagal na nga itong may kinakasama. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at sa balintataw n'ya ay nakikita n'ya ang hitsura ni Eunice,malungkot,umiiyak at kaawa-awa.Kinuyom n'ya ang mga kamao at mariing sinuntok ang manibela n'ya.Kung tutuusin ay kaya naman niyang tanggihan ang lahat ng ito ngunit ang ipinagtaka n'ya sa sarili n'ya mismo ay tila isa na rin s'yang puppet na sunod-sunuran sa mga ito.Dahil 'ba lihim rin s'yang umaasa na mamahalin s'ya nito? Dahil 'ba unang kita pa lamang n'ya rito ay naramdaman n'ya sa sarili n'ya ang isang estrangherong pakiramdam na matagal na niyang inamin sa sarili n'ya na walang babaeng makapag paparamdam sa kan'ya noon? Nakita niyang nag-pop up ang chat head ng cp n'ya at sa isang anonymous sender galing iyon.Agad n'ya iyong binuksan at nakita ang mukha ng dalaga. Salamat sa pagdala at paghatid sa'min ni baby sa doktor at sa bahay Wesley. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi n'ya pagkabasa n'ya roon.Nagtaka lamang s'ya kung paano s'ya nito nahanap gayong iba ang gamit n'yang pangalan.Ikinibit na lang n'ya ang mga balikat.Siguro ay natanong nito ang mga magulang nito. Pinaandar na n'ya ang sasakyan at balak na lang n'yang pumunta sa kaibigan n'ya para mag-unwind.Dinukot n'ya ang cellphone para ipaalam sa assistant n'ya na hindi s'ya makarating at ito na muna ang bahala sa lahat.Napirmahan naman n'ya ang lahat ng kailangan ng pirma n'ya.Mapapagkatiwalaan talaga n'ya si Enrico sa ganoong mga bagay. Mabilis niyang tinalunton ang daan papunta sa lugar ng kaibigan.Bihira lang sila nito magkita ngunit hindi naman ito naging dahilan para maputol ang maganda nilang samahan.Medyo iniiwasan lang talaga n'ya nitong mga nakaraang buwan ang mapagawi roon dahil sa kung sino-sino ang nirereto nito sa kan'ya.Lihim siyang napangiti sa naisip. Sa wakas nga ay narito na s'ya sa tapat lang ng bahay nito sa San Celeste subdivision na pinaka malapit lang sa opisinang pinapasukan n'ya na Diversion company.Ang dad n'ya ang naroon ngayon kaya ayos lang na hindi muna s'ya pumasok ngayon.Hindi n'ya alam ngunit natitiyak kasi n'ya sa sarili n'ya na mawawala lamang s'ya sa sarili n'ya kung tutuloy pa s'ya pumasok ngayon.For five years n'ya sa kompanya nila ay ngayon lang s'ya mag d-day off. Ipi-nark na n'ya ang sasakyan sa car park na para sa mga visitors ng subdivision ngunit malayo nang kaunti iyon mula sa mismong bahay nila Steve.Bumaba na s'ya at nagsimulang maglakad patungo sa kaibigan nang isang tinig mula sa likuran n'ya ang nagpatigil sa kan'ya sa paglalakad. "Is that you Wesley?"malanding boses iyon na tumawag sa kan'ya at kilalang kilala n'ya iyon. Bago pa man s'ya nakaharap ay isang mga braso ang pumulupot sa kan'ya mula sa kan'yang likuran.Amoy na amoy n'ya ang gamit nitong pabango at hindi na n'ya kailangan pang tingnan ang mukha nito dahil kilala na n'ya ito.Sa higpit nang pagkakayap nito sa kan'ya sa leeg n'ya ay halos hindi na nga sy'a makakilos at makahinga. Mabuti na lang at bumitaw na ito sa kan'ya.Nakita n'ya ang isang magandang dalaga na balingkinitan ang katawan na nakilala n'yang dati nga niyang sekretarta.Tumaas ang mga kilay nito nang mapansin nito na tila hindi s'ya masaya sa pagkikita nila nito. Agad kasing rumehistro sa mukha n'ya ang pagkabigla at hindi na n'ya naitago pa iyon.Naalala pa kasi n'ya hangang ngayon ang huli nilang pagsasama sa kompanya at medyo hindi nga maganda iyon,dahilan upang hindi na n'ya naisin pa na magkaroon muli ng babaeng sekretarya. "Aren't you happy to see me?"malungkot ang boses nito at ayaw naman niyang magpaka-rude dito ngunit at the same time ay ayaw na rin n'ya itong bigyan pa ng false hope.Alam na alam kasi n'ya sa sarili n'ya kung gaano ito ka-inlove sa kan'ya noon pa man,kaya nga halos mapikot s'ya nito sa pagiging nice n'ya rito noon na ayaw na niyang maulit pa kaya nagdesisyon na lang siyang si Enrico na dati niyang driver talaga ang ginawa niyang assistant. Inilayo n'ya nang bahagya ang sarili sa babae na tila napapaso s'ya.Sa totoo lang ay wala naman talaga siyang halos itulak kabigin sa itsura nito, she's smart, pretty and sexy.But that's not the point.Ayaw na ayaw n'ya sa mga babaeng unang nagpapakita ng motibo sa lalake at siyang gumagawa ng first move.He rather prefer to be with a weird yet simple lady just like...Eunice. "O-of course I'm happy.Kumusta ka na 'ba?"he ask with his brows lowering to her seductive body in front of him. He looked away to avoid her alluring body.Minsan na siyang nadarang doon and he don't want another headache lalo na ngayon na nakatakda na nga siyang ikasal sa babaeng tinanggap na niyang magiging kapalaran n'ya.Si Eunice. Napalunok s'ya nang tila ayaw pa nitong maputol ang pag-uusap nila.He needs to get away from her now.Dinukot n'ya ang kamay sa bulsa ng pantalon n'ya at kinuha ang phone n'ya.Nagsimula siyang mag tipa ng mensahe sa kaibigan.I-se-send na n'ya iyon ngunit sakto naman na makita n'ya ito mula sa 'di kalayuan at nakasuot ito ng shorts at sando at tila galing ito sa jogging. He take a deep breath in relief.Ayaw na niyang magkaroon pa rito ng komunikasyon dahil alam na alam n'ya ang karakas ni Jenny.Marumi ito maglaro at ayaw niyang makipaglaro rito.He is matured enough to be her playmate. "Pa'no 'ba 'yan.. It's nice to see you again Jenny.I got to go now.Take care,"aniya rito at nakita n'ya ang labis na pagkadismaya sa mukha nito. Lihim siyang napangiti.Tama nga siguro ang kaibigan na kailangan na niyang mag-asawa para malayuan na ang mga babaeng umaaligid-aligid sa kan'ya at nais siyang makuha.He can't blame them.He was really born handsome and with so much s*x appeal.Napangiti s'ya ng lihim sa naisip.Hambog talaga s'ya minsan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD