CHAPTER 7

1635 Words
Nagising si Eunice sa loob ng kotse ngunit mag-isa na lamang s’ya sa loob nito. Kinapa n’ya ang cellphone sa tabi n’ya at tinignan ang oras. 11:15 a.m, mahaba haba rin ang tulog n’ya ,sigurado dahil sa puyat nang nakaraang gabi. Lumabas s’ya ng kotse para hanapin sana ito, ngunit natagpuan n’ya rin agad ito, ‘di- kalayuan mula sa pinaradahan ng sasakyan. Nakatalikod ito kaya malaya n’ya itong napagmasdan. Matangkad ito at sakto lang ang pangangatawan. Athletic rin ang pangangatawan nito, ‘di tulad ni Prince na medyo malaman ng kaunti. ‘Di n’ya malaman kung ano ang nag-udyok sa kan’ya para pag-ukulan ito ng pansin, sa unang pagkakataon,mula nang nagkakilala sila nito kahapon. Sa totoo lang, lamang naman talaga ito in terms of physical appearance Laban kay Prince. What could have been happened kung hindi s’ya umalis Five years ago? Sa tanong sa isip na ' yon ay napalunok s’ya. Maybe, they have their own kids. Tila naman naramdaman nito na may nakatingin dito, ay bigla ang paglingon nito sa likuran nito at doon nagtama ang mga mata nila. Ngumiti ito at kumaway. “Hey? Gising ka na pala lumapit ka dito,” Tumayo ito mula sa pagkakaluhod sa damuhan at nakapamulsang tinitigan s’ya. Napakurap s’ya at namalik mata, bakit tila Ibang iba ang aura nito sa mga oras na ito sa kan’ya? Sumimangot na lamang s’ya nang maalala n’ya ang kanina lang ay pagsusungit nito at lumapit sa kinatatayuan nito. “This is my Mom, Eunice I want you to meet her,though alam kong huli na ang lahat,” malungkot ang tinig nito at nakayuko sa lapida na palihim naman niyang binasa. Leticia Echivarri. “Anong ibig mong sabihin?” buong pagtataka n’yang tanong sa huli nitong tinuran. Nakita n’ya ang lungkot na lumukob sa guwapo nitong mukha. Nag-iwas ito ng mga mata at tumikhim. “Alam mo ba kanina pa kita ginigising? Puwede ba sa susunod ‘wag kang nagpupuyat,” Sumimangot nitong turan na tila umiiwas lang sa pagtatanong n’ya. “So s’ya pala ang mother mo, hello Mom. I’m Eunice, your future daughter in law,” tila batang kausap n’ya sa puntod ng Ina nito at walang ano ano ay pasalampak s’yang umupo sa harap nito. “So,s’ya ang Mom mo, I hope you don’t mind but,paano ba s’ya namatay?” hindi lumilingon ay tanong n’ya rito. Nang walang nakuhang ano mang sagot mula rito ay nilingon n’ya ito at nagulat pa s’ya nang mabangga ang mukha n’ya sa dibdib nito. Nasa likuran lang pala n’ya ito at nakaupo. Inarok n’ya ang laman ng isipan nito at ‘di n’ya alam kung galit ba o lungkot ang mababanaag n’ya rito. Ngunit bakit? “Okay ka lang ba?” “Halika na, iuuwi na kita sa inyo. ‘Wag kang mag-alala, mananatiling lihim lahat hangang sa maging handa ka nang aminin kila tito ang lahat,” Inalalayan s’ya nito sa pagtayo n’ya at naramdaman n’ya ang pagpisil nito sa palad n’ya kaya bigla ang pagbitaw n’ya sa kamay nito. Tila naman ay wala lang dito ang lahat kaya ‘di na rin n’ya inintindi ‘yon. Gano’n na lang ang inis na naramdaman nang nauna na itong naglakad at iniwan s’yang nakatayo. Lumakad na s’ya at saglit na huminto nang maalala n’ya na may dadaanan pa pala sila. Sa botika, dahil hindi s’ya makakabili mamaya nang hindi makikita ng parents n’ya. It have to remain secret for now. Masyado pang magulo ang isip n’ya. “Hop in,” saad nito at blangko ang ekspresyon sa mukha nito. Tahimik siyang sumakay sa kotse nito at nakiramdam na lang sa mga susunod na gagawin nito. Abala ang isip n’ya sa pag-iisip kung kumusta na ba ngayon si Prince? Aaminin n’ya na nasaktan talaga s’ya nang sobra sa ginawa nitong pag-iwan at pagtalikod sa kan’ya, subalit sa kabila niyon ay naroon pa rin ang pagmamahal n’ya rito. Martyr man na sabihin ngunit, alam n’ya sa sarili n’ya at umaasa pa s’ya na balang araw ay magbago ang lahat sa kapalaran n’ya at aayon din sa kan’ya ang tadhana. Mariin siyang napapikit nang maramdaman n’ya na tila nag-init na naman ang mga sulok ng mata n’ya kasunod nang paninikip ng dibdib n’ya. Gaano pa ba s’ya katagal sa ganitong sitwasyon? Tila nahalata naman ni Wesley ang pananahimik n’ya at saglit lang siyang tinapunan ng tingin bago muling bumaling ang mga mata nito sa daan. Prince POV Ibinagsak ni Prince ang maleta sa backseat ng cab na service n’ya patungo sa hotel kung saan ay tutuluyan n’ya pagkarating n’ya sa Alberta Canada. Doon s’ya nakatakdang magtungo dahil naroon ang Canada branch na nakatakda niyang pamahalaan sa tulong at utos na rin ni Mr.Echivarri, ang C.E.O at founder ng Diversion Company. Fourteen hours, ang Thirty minutes ang biyahe n’ya kaya talaga namang masakit na masakit ang ulo n’ya sa biyahe. This was his first out of the country trip. Sa puso n’ya ay masaya s’ya sapagkat pakiramdam n’ya ay unti-unti na niyang naaabot ang mga pangarap n’ya, ngunit sa kabilang banda ay ang kirot, sakit at kalungkutang kailangan n’ya pang magsakripisyo at saktan ang babaeng minamamahal para sa pangarap n’yang ito. Tumunog ang cellphone n’ya at bahagyang natigil ang pag-iisip n’ya kay Eunice nang mapag sino ang nasa kanilang linya. He knows kung sino ito at hindi na n’ya kailangan pang manghula para malaman kung sino, at ano ang sasabihin nito. “Im glad hijo at marunong ka naman pa lang tumupad sa usapan. Anyway, na-discharge na ang Papa mo at hinatid na ng mga tao ko sa bagong bahay na nilipatan n’yo, just feel free to ask me if there is anything you’ll need there,” masaya nitong sabi sa kabilang linya. Anyway, masaya siyang malaman na nakalipat na ang parents n’ya ng tirahan. Matagal na rin Kasi mula nang ilang beses sila kamuntik mapasok ng mga adik sa lugar nilang ‘yon sa Tondo. At the thought of knowing na maayos Naman ang kalagyan ng pamilya n’ya, ay binalewala na lamang n’ya ang panghihinayang sa nasayang at naudlot nilang pagsasama ni Eunice. “Okay po. Maraming salamat Sir, nandito na nga ho ako sa Canada and as soon as I get there ay pipirmahan ko na ang kontrata. Salamat po sa lahat bye,” Pinindot n’ya na ang end button at tumingin sa daan na tinutumbok ng sasakyan. Maybe he don’t need to worry about Eunice anymore. Mayaman at may- kaya ang pamilya nito sa Pilipinas kaya Naman alam niyang hindi ito mapapabayaan ang dating katipan. Wesley POV Sa Isang drugstore huminto ang sasakyan ni Wesley at ito ang bumaba sa kotse para bilihin ang mga inireseta ng OB-Gyne ni Eunice. This was his first time to buy vitamins and necessary needs ng Isang nagdadalang tao. Paano ba naman ay never pa naman siyang nagka- nobya. Natawa s’ya sa isiping ‘yon. Mabilis Naman siyang nakabili dahil kaunti lang din ang mga tao sa loob niyon. Inabot n’ya agad ang Isang paper bag ky Eunice at nakita n’ya ang pag-aalinlangan sa mukha nito. “Ano ba ‘yan?” Tinitigan lamang nito ang paper bag. “Youre vitamins at dinagdagan ko na rin ng gatas para healthy si baby, I have to put it there so ‘di makikita ng parents mo right? Or else you’ll get caught off guard at hindi ka pa handa,” sarkastiko nitong turan at pinaandar na ang sasakyan. Lumingon ito sa kan’ya saglit at hindi na nagsalita pa. Maya maya pa ay narito na sila sa lugar nila Eunice. Masayang sinalubong sila ng Daddy at Mommy n’ya. Itinabi n’ya sa tagiliran n’ya ang paper bag at hindi na nagpahalata sa mmga magulang. She was deadly nervous dahil wala talaga s’yang idea kung paano ba n’ya sasabihin sa mga ito ang kalagayan n’ya nang hindi ang mga ito magugulat at masasaktan ulit. “Salamat Naman hijo at naisipan mong dumalaw at lumabas kayo na anak ko. Kaya lan ano ka ba naman Eunice bakit ba ganiyan ang suot mong bata ka?”Hinila nito pababa nang bahagya ang dulo ng suot na sports bra dahil tila nakataas na ‘yon sa ikli. Namula s’ya sa ginawa nito sa harap ni Wesley. “Mom!” saway n’ya rito. Sa harap pa ng lalakeng ito nito ginawa ‘yon at nag mukha tuloy siyang bata sa harap nito. Nakita n’ya ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi nito na tila natatawa. “Halika Wesley at kumain ka muna rito,” ani na kaniyang Ina sa ngayon at nakakalokong nakatawang binata sa tabi n’ya. “Nako, hindi na ho Mama, ang totoo niyan ay paalis na rin ho ako. Inihatid ko lang ho si Eunice just to make sure she’ll take her vitamins,” Pinanlakihan n’ya ito ng mga mata kaya naman tila nahalata nito ang ibig niyang sabihin. “Payat ho Kasi masyado si Eunice, you know gusto ng magka-apo ni Dad,” Kumindat pa ito sa kan’ya pagka sabi niyon. “Nako ikaw talagang bata ka Akala ko pa naman ‘di ka marunong dumiakarte aba’t napaka bilis mo pala,” Natatawang wika ng Ina ni Eunice. Itinaboy n’ya na ito bago pa ito magsalita pa ng kung ano-ano. “Umalis ka na nga. Sige na,salamat na lang, tau!” Itinulak n’ya na ito nang bahagya palapit sa kotse nito at natatawa itong sumakay do’n at kumaway muna bago tuluyang pinaandar ang kotse nito. Nakasimangot naman siyang pumasok sa bahay nila at ‘di na hinatid ng tingin ang lalaking ‘yon. Saltik ang mokong dahil paiba-iba ang ugali nito. Pumasok na rin s’ya sa kuwarto n’ya bago pa muling makatikim ng Isang pang-aasar at panunukso sa mga magulang n’ya na alam niyang gustong gusto talaga ng mga ito ang magkagusto s’ya sa nakatakdang mapangasawa bago pa sila ikasal nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD