CHAPTER 6

970 Words
Sa Isang OB-Gynecologist siya dinala nito. Nakataas ang kilay nang magtanong siya rito. "What the hell are we doing here?" iritang tanong niya kahit alam naman niya kung ano ang sadya sa lugar na ganoon. "It's your first prenatal check up, and I'm here to go with you,"kaswal nitong sagot at iginiya na siya papasok sa maliit lang na clinic. Maraming mga buntis doon at ang iba ay malalaki na ang mga tiyan ng mga ito. May mga kasama rin ang mga itong partner at sa pagpasok nila ay nagbigay pa ng upuan ang Mister ng Isang buntis sa kan'ya. "Salamat," nagpasalamat siya at ngumiti rito. Hindi siya pamilyar sa lugar na ito at hindi rin siya komportable sa mga taong nandito kaya bumulong siya sa katabi. "Ano ba ang ginagawa mo? Hindi mo naman ito obligasyon saka paano kung malaman ito nila Dad? Ang lapit lapit nito sa bahay namin,"nakasimangot siya rito. Akma na itong magsasalita nang Isang babaeng nakaputing coat ang lumabas. Ito na siguro ang doktor dito. Lumapit ito sa kaniya. "Misis, may record na po kayo?"magiliw nitong tanong. lutang ang isip niya kaya 'di siya agad nakasagot. "Ahh..eh.." utal niyang saad. "It's her first time here Doc, you know it's our first baby,"kaswal pa itong ngumiti at kumindat pa sa kaniya. Namula ang mukha niya sa ginawa nito kaya naman nagtudyuan ang mga mag asawang naroon. "Kaya pala todo support si Mister, ang sweet naman,"sabi ng katabi nila at tila kinikilig pa. Isang ngiti o mas tamang sabihing ngiwi ang ginawa niya. "You're Eight weeks pregnant Miss Eunice, malakas naman ang kapit ng bata pero iwas ka muna sa stress kasi maselan ang first trimester ng pagbubuntis," Inabot nito sa kan'ya ang reseta pero si Wesley ang umabot niyon. "Here, mga vitamins 'yan para healthy si baby. Iumin mo lahat 'yan ha?" magiliw itong ngumiti sa kan'ya at inilapag ang record niya sa table. "Thanks Doc," magalang na silang nagpaalam para umalis doon. Hawak nito ang kamay niya habang palabas sila sa clinic. Hanggang sa makasakay sila ng kotse nito ay tahimik lamang siya. Siguro hindi ganito ang pakiramdam niya ngayon kung dalawa sana sila ni Prince ang magkasamang nagpunta sa doctor. Siguro grabe ang saya niya dahil sa magandang balitang ito. Nakakalayo na ang tinatakbo ng kotse nang mahalata niyang iba ang tinutumbok na daan nito.Buong pagtataka siyang napabulyaw rito sa labis na pag-aalala. "Wesley! Saan tayo pupunta? Ang layo na natin ha! Ibaba mo na nga ako baka kung sa'n mo pa ako dalhin! Hey you?!" Pinaghahampas niya pa ito at eksaheradong tumile. Agad naman nitong inhinto ang sasakyan sa gina ng kalsada at tahimik lamang itong nakatingin sa kaniya. Blangko ang ekspresyon sa mukha nito. Abat?talaga naman! Pabababain talaga siya nito sa gitna ng highway na iyon? This crazy guy really drive her nuts. "You said ibaba kita.Go now! Bumaba ka na para maglakad ka papunta sa kung saang sakayan ka ibababa ng masasakyan mo!"mataas ang boses nito at agad siyang natahimik. Hindi sa takot kung hindi sa pagkagulat. Why the sudden change of mood swings?Ganito ba talaga ito? Well malalaman niya iyon pag ikinasal na sila. The thought of that thing ay nag-alinlangan na siya bigla. Hindi kaya psycho ito?Kung ganoon ay bakit ganito,iba-iba ang ugali, minsan mabait minsan masungit? "Go now! Gusto mo pag buksan pa kita ng pinto?" At Sinuntok pa nito ang manibela nito.Natakot siya sa ekspresyon nito.Nakita pa niya ang pamumula ng mga mata nito. "Hey?Anong problema mo!?"maang na tanong niya rito.Hindi siya makapagpigil na nagtanong dahil sa kakaiba nitong asal nang mga sandali na iyon.Bigla ang pagtingin nito sa kan'ya ng matagal, at sa paraan ng pagtitig nito sa kan'ya ay para siyang matutunaw. Nag-iwas siya ng tingin at ibinaling sa bintana ang mga mata.Kinalimutan na niya ang sinabing ibaba siya nito dahil sa itsura nito, malamang sa malamang ay totohanin nito iyon.Wala pa naman siyang dalang pera dahil wala naman siyang balak na lumayo kaninang nag-jogging siya. Maglalakad talaga siya pag nagkataon. "Okay I'm sorry, napag taasan kita ng boses.Please behaved for a while now..Pupunta lang tayo sa libingan ng Mom ko. I want you to meet her," nakikiusap ang mga mata nito at ewan niya pero may kakaiba siyang naramdaman nang magsalita ito. Napabuntong hininga siya matapos at tumango na lamang siya rito.Tama ang parents niya. She have to get to know him more, bago sila ikasal. One month na lang at nakatakda na silang ikasal kaya may time pa siya para kilalanin niya ito.Ayaw niyang magulat na lamang siya isang araw na may matuklasan siya rito.tinanggap niya na sa sarili na ito na ang mapapangasawa niya.Ito na ang tatayo bilang Ama ng anak niya. No one else but him.Inaalis niya na sa buhay niya ang isang Prince. Saglit pa itong lumingon sa kan'ya bago muling binuhay ang makina ng sasakyan. "Shall we go?"paniniguro nitong tanong sa kaniya.Ipinikit na lamang niya ang mga mata bilang tugon rito at habang daan ay iidlip na lang muna siya.Maaga siyang napagod siguro dahil na rin sa pag-iisip niya kung saan pa kukuha ng lakas sa mga nangyayari sa buhay niya. Isa pa dagdag pa sa alalahanin niya kung paano siya matatanggap ng mga magulang 'pag nalaman ng mga itong buntis siya at sa Isang taong ayaw na ayaw pa mandin ng mga ito.Si Prince. Ang Daddy ni Wesley? Ano na lamang ang sasabihin nito 'pag malaman nito? Pero ito naman talaga ang nagpipilit sa kasalang Benzon-Echivari hindi ba? "Hayy...." Malalim na hininga ang pinakawalan n'ya upang paluwagan ang naninikip niyang dibdib. Nahihilo na rin siya at wala pa siyang kain kanina. Isang lingon ang ginawa ng katabi niya nang marinig nito ang pagbuntong hininga n'ya pero saglit lang iyon at nagpatuloy na rin ito sa pagmamaneho. Ilang saglit pa ay nilamon na ang diwa ni Eunice ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD