CHAPTER 5

1510 Words
Pagtapos ng tanghalian ay magalang ng nagpaalam ang magkabilang kampo para umuwi na ang Benzon Family. Napagkasunduan nila na isang buwan mula ngayon ang takdang pag-iisang dibdib ng mga ito. Nasa Labas ang mga magulang nila at nag ku-kuwentuhan na lang nang magpaalam ang dalaga na pupunta sa banyo. Hindi niya alam na ganito kabilis ang magiging pangyayari sa buhay niya. Parang kahapon lang ay umiiyak pa siya at kahihiwalay lang sa karelasyon at nalaman niya ang pagdadalang-tao niya. Ngayon sa halip na sundan niya ang nobyo sa airport para ibalita rito ang maganda sanang balita, nandito siya kasama ang Isang estranghero na magiging asawa niya na. Umiling-iling siya. Uto na siguro ang tama at dapat n'yang gawin. Walang nangyayaring mabuti 'pag patuloy niyang sinusunod ang gusto n'ya. Bigla ay napahawak siya sa maliit pang tiyan at tila doon humuhugot ng lakas dahil sa naghihina na talaga siya. Nang bigla ay isang tinig ang gumulat sa kanya. "Anong ginagawa mo?"ang boses nito ay kasing lamig ng yelo sa tainga nya at bigla ay nakaramdam siya ng pagkailang at humarap dito. "W-Wala. Bakit? ikaw ganon ka kabilis na pumayag sa lahat ng ito?" may halong pagdududa niyang tanong. Inaarok niya ang nasa isip nito kaya sinubukan niyang hulihin ang mga mata nito, bagay na pinagsisihan niyang gawin dahil tila siya pa ang napaso bigla rito at naunang nagbawi ng tingin. "Buntis ka ba?"may halong pag-aalala nitong tanong at sukat sa tanong nitong iyon ay ang bigla niyang pagkagulat.Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala. "Paano mo nalaman?"hindi na siya nag- alinlangan na aminin dito ang totoo dahil 'di rin naman niya ito gustong lokohin sa umpisa pa lang. Isa pa ay sa sulok ng puso niya ay umaasa pa rin siya na maaayos niya ang mga bagay -bagay sa kanila ni Prince. "So totoo nga.But why?"bakas sa mukha nito ang sobrang pagtataka. "Pumayag ka sa arrange marriage na ito pero buntis ka naman sa iba. No offense meant But why?" Tumalikod ito at tila nahihiya na harapin ang mga tanong niya. "Puwede ka naman bumawi na kung gusto mo, after all may dahilan ka naman para tumanggi..S-Sila Dad lang naman ang mapilit dito at isa pa-"naputol na ang iba pang nais sabihin ni Eunice dahil nagsalita na ito. "I'll marry you. Let's keep this a secret for now,"matiim ang mga titig nito at hindi niya sukat akalain ang naging tugon nito. "You're Crazy," bulalas niya at naningkit ang mga mata.Tumalikod na ito at iniwan na siyang tigagal sa sinabi nito. Kanina pa nakaalis ang mga ito at iniisip ni Wesley ang mga kaganapan. Kung buntis nga ito at nalaman niyang kagagawan din naman ng Dad niya ang lahat ng dagok at problema nito sa buhay he must be somehow responsible for this. Alam niyang kung hindi na ipinipilit pa ng mga parents nila ito, maayos ang mga buhay nila ngayon lalo na ito. Hindi ito iiwan ng boyfriend nito para ipagpalit sa pera. Subalit kung ipinagbili naman ito sa kabilang banda, it only means na wala rin pala itong kuwentang lalaki in the first place. Ngunit paano naman siya? Bakit nga ba niya ginagawa ang lahat ng ito? Dahil lang ba talaga sa awa? Patuloy ang usig n'ya sa sarili niya at maging siya ay hindi na rin alam ang mga sagot. Habang daan ay hindi napigilan ng mga magulang ng dalaga ang tudyuin siya. "You see Hija, may itsura naman ang mapapangasawa mo kaya hindi ka naman din lugi sa kanya, besides maganda rin ang background niya dahil siya ang namamahala ng kompanya nila ng soon to be Father-in-law mo. Anong masasabi mo?" Panunudyo pa nito at bahagya pa itong lumingon sa likod mula sa driver's seat. Napalabi naman si Eunice sa narinig mula rito. Tama nga ito dahil wala naman din talaga siyang masasabi rito. He is every woman's dream 'yun nga lang ay hindi para sa kanya. Napaka-komplikado ng sitwasyon niya at hindi niya alam kung susundin ba ang sinabi nitong ilihim muna nila ang kalagayan niya. Why would he offer her such thing that wasn't going to benefit him? Tila Isang malaking tanong iyon sa kanya ngunit binalewala niya na lang habang daan. May mga bagay na masasagot na lang talaga ng panahon at iyon ang balak niyang alamin mula ngayon. Samantala, sa mansyon ng mga Echivarri ay abot-tainga ang ngiti ng Señor. Hindi niya sukat akalain na ganoon lang pala niya kabilis mapapa-payag ang anak. Kailangan lang pala niya ang mga itong pagharapin at presto! tapos ang problema. Iginiya niya ang anak na maupo sa tabi niya. "Alam mo Wesley natutuwa talaga ako sa iyo ngayon dahil hindi mo ako ipinahiya. Sana lang ay totoo nga iyon?" may himig pagdududa sa tinig na tanong nito. "Dad, I meant everything that I said at may isa akong salita, besides masasayang naman ang malaking perang ibinayad niyo sa nobyo niya para lang iwan siya nito. look, ayoko muna pag-usapan natin ang bagay na ito at sana makuntento muna kayo na pumayag na lang ako.You didn't even bother to tell me ang dahilan sa lahat ng ito," mabigat ang mga salitang binitawan niya. Sarkastiko siyang tumawa. Para sa babaeng iyon ay awa ang lubos na nangingibabaw sa kanya. Tumayo na s'ya ngunit bigla niyang naalala ang sulat. "Here," Inabot niya rito mula sa kanyang bulsa ang envelop na ibinigay ng lalake sa kanya kanina sa opisina. It took him a while bago napagtanto na ito nga ang nobyo ni Eunice. "The nerve," saad n'ya nang maisip ang kaya nitong gawin para lang masunod ang mga gusto nito. Bago tuluyang maglakad palayo sa tigagal na Ama sarkastiko siyang ngumiti. Kanina pa siya nakahiga sa kuwarto niya pero nakatingin lang siya sa kawalan. Kahapon nang magpaalam siya kay Beatrice para bumalik na sa parents niya ay humingi siya ng tawad sa ginawa niyang paglalayas Five years ago at 'di niya pagsunod sa mga ito sa kagustuhan nilang arranged marriage para sa kanya. Aminado siyang nagkamali siya at tama ang mga ito, pera lang ang habol sa kanya ng kasintahan. Lahat ay ginawa niya para rito ngunit binalewala nito. Binigla siya nito at hindi muna dinahan-dahan ang pakikipag-hiwalay sa kanya. They even consult sa isang doktor para magkaanak na sila dahil batid niyang gustong-gusto na nito magkaanak at ngayon na nandito na ang pangarap nila saka naman siya nito iiwan na parang Isang basura. Naikuyom niya ang mga palad sa kaisipang iyon. Isinusumpa niyang pagsisisihan nito ang pagsira sa buhay niya at sa buhay ng magiging anak nila. Isang umaga na puno ng pag-asa ang muli ay haharapin na naman ni Eunice ngayon. Hindi tulad ng mga nagdaang araw, mas magaan na ang pakiramdam niya ngayon. Siguro dahil sa natanggap na rin siya ng mga magulang at natapos na rin ang problema ng mga ito sa nakatakda niyang kasal. Si Wesley. Pagka-alala sa lalaking iyon ay hindi niya alam kung ano nga 'ba ang hiwaga sa katauhan nito. May gusto ba ito sa kanya? Bakit hindi man lang ito tumutol sa pagpapakasal nila. Kasal, Isang bagay na sana sa Isang tao lang niya nais gawin kasama ito. "Prince.," bigla ang pagbalong ng mga luha at nanikip ang dibdib n'ya sa kaisipang mag-isa niyang palalakihin ang anak nila. Maaliwalas ang panahon. Alas-8 ng umaga at na-miss talaga niya ang kanilang lugar. Matagal siyang hindi nakauwi rito dahil mas pinili niya ang magtago kasama ang biggest heartbreak niya. Nasa daan siya malapit lang din sa bahay nila at balak mag-jogging. Maliit pa naman ang tiyan niya at 'di naman siguro masama ito. Hindi pa siya nakakalayo nang may humintong sasakyan sa tabi niya. Bumusina pa ito samantalang nasa gilid naman siya. Bigla tuloy ang pag init ng ulo niya. Hinarap niya ang tinted na bintana ng sasakyan. "Hey! what the hell is your problem?!" Kinatok pa niya ang bintana nito. Nagulat pa siya nang bumukas ang bintana nito at makita ang mukha nitong nakangiti. "You!?" iritang turo n'ya nang makita kung sino ito.Si Wesley echivari. "Anong ginagawa mo?"tanong pa nito kahit na obvious naman ang outfit niya. Naka-short , rubber shoes at naka-sun visor s'ya. "Hindi mo ba nakikita? nag-ja-jogging ako," Umismid pa siya dahil tila gumagawa lang naman ito ng pag-uusapan. "I know, pero 'di mo ba alam na buntis ka at first trimester mo? Gusto mo makunan?" nakataas ang sulok ng labi nito. "Oh, no, I forgot," wala sa sariling nasabi na lang niya. Ngumiwi ito na parang sinasabing bobo siya. Hindi na siya naiinis dahil nagpasalamat siya sa loob-loob niya dahil konti pa lang ang natatakbo niya nang makita niya ito. "Get in the car, may pupuntahan tayo,"saad nito pagkaraan na tila 'di siya kumikilos. "San tayo pupunta? magbibihis lang ako," nakakailang naman ang ayos niyang nakashort , rubber shoes at sleeveless shirt. "It's okay malapit lang naman iyon.Idinaan na kita sa bahay niyo, alam nilang kasama mo ako don't worry," Sa sinabi nito ay pumasok na siya sa katabi ng driver's seat. "Okay," Pagka-upo niya ay umandar na ang sasakyan kung saan ay hindi na siya nag-abala pang magtanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD