CHAPTER 4

1442 Words
Hindi makatulog si Eunice nang gabing 'yon. Pabaling-baling s'ya sa kama at nanatiling dilat ang mga mata n'ya. Ito ang unang gabi na hindi niya katabi si Prince at unang gabi na hiwalay na sila. Ito rin ang gabi na nalaman niyang buntis siya. Oo buntis s'ya, nang nakita siya ni Beatrice kanina habang kumakain sila ay inabutan siya nito ng P.T o Pregnancy test at dito niya nakumpirma ang hinala. Bukas aalis na si Prince patungong Canada, hahabulin niya ba ito sa airport katulad sa mga nasa telenovela at sasabihin niya na magkakaanak na sila? Baka sakali 'pag malaman nito iyon ay magbago ang isip nito at huwag na itong umalis pa. Sa Isang banda sinasabi naman ng isip niya na 'wag na lang. Natatakot siya ma-reject s'ya at ang kanyang baby. Sa kaisipang iyon ay muli na naman ang ang tila pakiramdam na may nakatarak na punyal sa dibdib n'ya. Hangang sa makatulog na lang s'ya sa pag-iisip. Umaga na at handa na ang almusal sa mansyon ng mga Echevari. Sa lamesa ay nasa punong puwesto nakaupo ang Senior. Nakatayo lamang ang ibang maid sa tabi at naghihintay sa iba pang ipag-uutos nito. Nang tila hindi pa rin nito Ginagalaw ang pagkain ay Lumapit na ang katiwala nila rito. "Senior, kanina pa po nakaalis si Sir wesley," aniya dahil sa itsura nito ay tila Hinihintay nito ang anak bago kumain. Dumiretso lamang ito sa pagkakaupo at nagkibit ng balikat. "Sige," saad nito at walang ano-ano ay itinuloy ang pagkain at nagbasa ng diyaryo. Hindi mapakali si Wesley kanina pa. Maaga pa lang kanina ay umalis na siya para 'di na sila magpang-abot ng Daddy niya. Natitiyak n'yang kukulitin na naman siya nito tungkol sa babaeng sinasabi nito. Matamang nag-iisip s'ya kung ano bang meron sa babaeng pinipilit nito para sa kanya. Natatandaan n'ya minsan na sinabi ng Dad niya na binayaran daw nito ang nobya nito para iwan lang ito at inalok ito ng magandang posisyon sa abroad para 'di na ito makagulo sa mga plano nito. Kung tinanggap nito ang alok ng Dad n'ya ay 'di nya na inalam pa sapagkat hindi naman s'ya interesado. Ilang saglit pa at busy na rin s'ya sa opisina kaya saglit na nakalimutan ang problema. Isang katok sa pinto ang nagpatigil sa kan'ya at iniluwa nito ang isang pamilyar na lalake. Iniisip n'ya kung saan ba sila nagkita at parang kilala niya ito. May bitbit itong maleta at naka-coat, ang edad nito ay nasa mid 30's. May itsura ito at mestizo. "Sir Wesley, pakibigay po ito nang personal kay senior. Hindi ko maitiwala sa iba dahil confidential po ito," Inabot nito sa kan'ya ang white envelop. "Pasensya na pero 'di na ako magtatagal maraming salamat," anito at bahagyang yumuko tanda ng paggalang. Ni hindi ny'a nagawang sumagot man lang dito at naisara na nito ang pintuan. Gulong-gulo sa mga nangyari, dumako ang tingin niya sa envelop sa lamesa. "Ano kaya ito?" Napukaw ang kuryusidad n'ya at nakalimutan n'ya na ang iniisip tungkol sa kararating lang na panauhin. kaswal niyang ibinulsa ang envelop at 'di na nag-abala pang silipin kung ano ang laman nito. Maagang umuwi si Wesley nang araw na iyon dahil sa misteryosong sulat na kailangan niyang iabot sa Ama. lang beses na siyang natutuksong buksan at pakialaman iyon pero nais niya magpaka- disente, hindi tama na pangunahan niya ang ama dahil confidential nga raw ito. Kahit kailan talaga ay napakalihim ng Dad niya. Ano pa kaya ang hindi niya nalalaman rito?Ipi-nark niya ang sasakyan at saglit na huminto sa front door nila. Palagi na lang ay para siyang susugod sa giyera 'pag haharap s'ya rito..Damn it..lihim na mura niya. Ano ba ang magagawa niya kung ayaw pa niyang mag-asawa? Marami naman siyang girlfriends o kaibigang mga babae at alam niyang may gusto ang ilan sa mga ito sa kan'ya at maaari naman niyang kutsabain para magpanggap subalit kahit kailan walang natipuhan ang Dad niya para sa kanya. "Whoo," Sipol niya habang diretsyo s'ya sa kitchen. Binuksan n'ya ang ref at nagbukas ng coke. "So, nandito ka na pala hijo..Good at may ipakikilala ako sa iyo. Alam kong matagal mo nang hinihintay ito," wika nito at makahulugan itong ngumiti. labis ang kaba niya sa sinabi nitong may ipakikilala. Sino naman kaya iyon, samantalang kagabi lang ay may ipinahahanap pa nga itong tao sa kanya. Alangan naman na nahanap na nito ang taong sinasabi at ngayon ang takdang araw para magkaharap sila. "Impossible," "Okay dad, I'll just go upstairs magbibihis lang ako," hinayaan niya na lang ito sa mga nais nitong gawin. No used pa na makipagtalo pa rito dahil hindi na rin n'ya gusto pang pasamain ang loob ng ama. Medyo madilim na nang bumaba si wesley. Hindi n'ya namalayan na nakaidlip na pala siya matapos mag-shower kanina. Tinignan n'ya ang wristwatch at ganap nang Ika-8 ng gabi. "Oh no," Iling-iling siya dahil naalala n'ya na may bisita nga pala sila ngayon. Dagli siyang umikot sa labas ng sala nila. Naroroon ang garden nila. Dito matatagpuan ang mga flower collection ng abuela niya na iniingatan ang mga ito ng ama matapos mamatay ang lola n'ya sa hearth attack. 'Di naman nagtagal at nakita niya do'n ang hinahanap. Sa unahan niya ang Dad n'ya na may kaharap na mag -asawa na tingin n'ya ay halos kaedad lang din ng Daddy n'ya. Sa tabi naman ng mag-asawa na ito ay ang- "You?!" Gulat na gulat s'ya kaya naman 'di n'ya napigilan ang mapasigaw konti nang medyo may kalakasan nanh mapagsino ito. Nasa harap n'ya ang babaeng balingkinitan, mahaba ang alon- alon nitong buhok na itim na itim. Bilugan ang mga mata nitong kulay abo na pinarisan ng maliit at matangos na ilong. Ang labi nito ay manipis ngunit bahagya ang pagkapula niyon na sa tingin n'ya ay hindi naman pinahiran ng lipstick. In short simple lang ang ayos nito at walang ka arte-arte. Nakasuot lang ito ng simpleng loose T-shirt, at faded jeans at naka sneakers. Nagmukha itong bata sa ayos nitong 'yon subalit ang nakakagulat dito ay ito ang babaeng kahapon lang ay laman ng isipan niya. Ang babaeng iniwan ng nobyo nito sa ma-taong lugar. Ang babaeng tinulungan n'ya at hinimatay. He can't believe na sa ganitong sitwasyon pa pala sila muling magtatagpo. "you already knew each other?" labis ang pagtataka ng ama sa kanya sapagkat nakalapit na s'ya nang tuluyan sa mga ito at dinig nga nito ang pagsigaw niya. Ikinibit na lamang niya ang balikat. No need na idetalye n'ya pa kung paano n'ya ito nakilala at hindi pa naman n'ya talaga ito nakikilala, bukod sa tagpong nasaksihan kahapon dito at ayaw nya naman itong ipahiya sa mga kaharap. "Not really I think may kamukha lang sya..sorry Dad medyo nakatulog ako am I that late?" aniya sabay hila sa garden chair na antique. tiyak naman na hindi rin s'ya nito namumukhaan dahil wala naman itong malay noong iniwan n'ya sa clinic do'n. "So here is my son, Wesley Echivarri, this is Mr.and Mrs.benzon parents ni Eunice Benzon, you're soon bride-to-be," sabay pa silang nagkatinginan at napa sigaw. "What?!" Labis ang pagkagulat na rumehistro sa magandang mukha ni Eunice sa narinig. Alam n'ya na Five years ago ang nakatakda niyang kasal sa anak ng pinakamatalik na kaibigan ng Daddy n'ya pero ngayon lang n'ya ito nakaharap nang personal. May itsura naman ito kung tutuusin, matangkad, medium built ang pangangatawan, tanned skin hindi tulad ni Prince na mestizo ang features. Clean cut ang buhok, matangos ang ilong at may magandang pares ng mga mata. Isang bagay ang nasisiguro n'ya. May malakas itong personalidad at mukhang suplado. Napahiya s'ya dahil namalayan na lang n'ya na nakatingin na pala sa kanya ang mga ito. tila natulala s'ya dahil matagal-tagal na rin siyang 'di umimik. "Uh..I mean bakit masyado naman atang mabilis Dad? pumayag akong bumalik na at bigyan kayo ng chance," malumanay ngunit mariin n'yang pagtutol. "Alam mo hija, don't get me wrong.D'on din naman ang tuloy niyo kaya nagkasundo na kami na pagharapin na kayo baka magbago na naman ang isip mo at mawala ka na naman bigla," ang mommy n'ya ang sumagot. Labis ang pagtataka n'ya dahil sa anyo ng binata ay tila wala itong nais pang sabihin. Parang okay lang dito ang mga nangyayari. Wala ba itong sariling buhay? Tila hinahayaan n'ya lang na maniobrahin ng mga ito ang buhay nito. Isang titig na tila pagsaklolo ang hiningi n'ya rito, subalit nag-iwas lamang ito ng mga mata. "Ok Ma'am, makakaasa kayong gagawin ko ang lahat para magkalapit kami ng anak nyo," wika nito. Sinabi n'ya ito hindi dahil sa nais n'ya ang mga nangyayari, kundi may nais pa siyang malaman dito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD