CHAPTER 3

1101 Words
Sunod-sunod na katok ang ginawa ni Eunice sa pagbabaka sakaling may magbubukas ng pinto. Nasa labas siya nang bahay ng matalik na kaibigan at dating katrabaho niya sa Airlines na dati n'yang pinapasukan pero 'di rin nagtagal at nag- resign s'ya para makaiwas na mahanap s'ya ng mga magulang niya. Saktong kakatok pa sana siya nang mas malakas ngunit bigla naman itong bumukas. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito nang makita s'ya at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. "Bessie I miss you! Kamusta ka na? Bakit ngayon ka lang nagpakita? " sunod-sunod na tanong nito ngunit bigla ring nagbago ang anyo nang tila nahalata nito ang mugto niyang mga mata. "Hey, what happened where is Prince?babalik ka na 'ba sa family mo?" tanong ulit nito. 'Di lingid sa kaalaman nito ang issue sa personal na buhay niya at wala siyang itinatago rito. "Pasok muna tayo please," aniya dahil masyadong mahaba ang araw niya at talagang pagod na pagod na s'ya. Napapalatak pa ito nang mapansin din nito na medyo madilim na nga pala. "Ok bessie," anito at hinintay siya nito na matapos s'yang magkuwento rito. "Sure ka ba iyon lang talaga ang dahilan niya?" Tango lang ang isinagot niya. Ngayon na wala na s'yang trabaho dahil ginive-up n'ya na nga ang pagiging attendant sa Airlines at on-call lang ang trabaho niya as a wedding singer kaya kino-consider n'ya na rin ang bumalik sa pamilya n'ya at ayusin ang tinakasang problema. Kunot ang noo'ng tinitigan ni Wesley ang assistant niya habang papasok ito sa kanyang opisina. Akma na itong uupó ngunit sinipat niya ito "How's the poor lady? Nakauwi na ba s'ya at hinatid mo ba?" sipat n'ya rito. Siya man ay nagtaka sa sarili sa pinakitang interes sa 'di-kilalang estranghera. "Yes sir, umuwi na s'ya," tila di-siguradong tugon nito sa kanya. "Oh, well in that case, at least 'di na natin s'ya kargo de-konsensya kung sakali man," He literally shrugged his shoulder. "Well s'ya nga pala, cancell all my appointments this morning. Tumawag si Dad urgent daw," Inayos niya na ang table at i-ni-lock ang table. Tumango lang ito at nagpatiuna na s'ya. Lalaki ang assistant niya ever since na nagsimula siya sa kompanya nila. Marami ang nagsasabi na unusual daw ito dahil halos lahat naman ng mga secretaries ay mga babae. Subalit mas pinili niya ang lalaking secretary dahil na rin umiiwas s'ya sa issues. Overtime kasi siya palagi at ayaw niyang may makasamang babae lalo na sa mga uneven working times niya. Naisip naman niya ang ama niya kung bakit pinapasok pa siya nito at tatawagan din naman pagkatapos. Wala naman itong binanggit kanina nang umalis siya ng bahay. Napapailing siya habang iniisip ang Dad n'ya. Masyado itong dominating pagdating sa buhay n'ya. kaya naman hindi rin halos naging exciting ang bachelor's life niya. He's already Thirty four years old now pero NGSB pa rin s'ya as in no girlfriend since birth at iyon ang madalas asar sa kan'ya lalo na 'pag may mga family gatherings sila. Mga girl friends marami siya at di-lingid sa kaalaman niya na ang iba ay may pagtatangi sa kanya subalit wala naman siyang natitipuhan sa mga ito. Kaya mas pinipili niya na lang ang mag over work sa opisina. Sinasabi na lamang niya palagi na may tinatapos siyang projects kahit wala naman talaga. "Grabe naman dami 'yan niluluto mo bessie," aniya nang makita ang mga naka lapag na baboy , manok may isda pa at ang favorite n'ya, sugpo. Nilingon lang s'ya nito at napangiti. "Oh nandiyan ka na pala.Oo siyempre ngayon lang kaya tayo nagkita noh after Five years na nagtagó ka," tila himig pagtatampo pa nito. "Ito naman.Tulungan na kaya kita d'yan ano 'ba 'yan?" Napalabi s'ya at sinilip ito. "Ano 'yan? pang ulam o pulutan?" "gaga ka talaga, Sisig 'yan paborito kasi ni Whiskey 'yan," Paliwanag pa nito nang makita nito ang pag kunot ng noo niya. "Pusa ko 'yon lokong 'to sino iniisip mo?" Natawa na lamang siya sa kakulitan nito. Alam naman niya na pinasasaya lang s'ya nito. Grabe ang gutom niya dahil umaga pa lang ay hindi na siya kumain. Subó lang ng subó si Eunice na tila hindi pa ito nakakain maghapon. "Uy, hinay-hinay ka naman d'yan baka mabulunan ka," Tinapik pa nga siya ng kaibigan nang may pag-aalala. "Oh heto ang tubig uminom ka muna," "Salamat," nang nakainom ay nakita niya ang paraan nang pagtingin nito sa kan'ya. "You're stress eating girl. Sayang naman 'yan slim figure mo kung ganiyan lang gagawin mo," Napataas ang kilay niya sa tinuran nito. "Abno ka talaga dami-dami mo iniluto tapos sasabihin mo naman masamang mag- stress eating. "Ayos lang naman 'yon ngayon lang-" 'di niya na naituloy ang sasabihin dahil tila naman bumaliktad ang sikmura niya nang maamoy ang sukà na sawsawan nito ng sugpo. Tumuloy s'ya sa lababo at doon dumuwal. May pagdududa sa mga mata ng kaibigan na nakatingin sa kanya sa likuran. Sa wakas nakarating din si Wesley sa mansion. Pinagbuksan siya ng gate ni aling Beth. Ito ang kanilang katiwala at nagpalaki na rin halos sa kanya. "Salamat nang," Binuksan niya ang bintana at magalang na tumango rito. "Si Dad?" bungad tanong niya nang makababa ng kotse. Kanina habang daan ay iniisip niya ano ang dahilan at tila nagmamadali ito kung anuman ang sasabihin nito na hindi puwedeng makapaghintay ay sigurado siyang isang bagay lang 'yon. Pipilitin na naman siya nitong magpakasal sa babaeng hindi niya sa pangarap na makaharap man lang. Marami naman din kasi ang puwede n'yang iharap dito bilang nobya niya. Kung bakit doon pa sa anak ng best friend at old classmate nito s'ya ipinipilit. Isa pa nabalitaan niyang may kinakasama naman na ito. Matagal itong umalis at sumama sa nobyo. For sure hindi ang isang Wesley Echevarri ang magpapakasal dito. He won't definitely not marry someone like her. "No!" Sigaw n'ya habang dire-diretsyo ang lakad patungo sa library kung saan naghihintay ang Dad niya. Kakatok pa lang siya nang magsalita ito mula sa loob. "Come in," mariin ang salita nito na tila inaabangan talaga siya dahil sa nasilip niyang bukas ang bintana nito sa loob na nakaharap sa gate nila. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Humarap ito sa kanya sa pagkakaupo sa swivel chair. "Hijo please, I'm running out of time. Find her," nasa mga mata nito ang pagsusumamo at tila naluluha pa ito. Sa Ganoon itsura nito ay hindi niya kaya sabihin ang pagsalungat niya. Wala sa loob na tumango na lamang siya. Alam niyang may sakit ito pero 'di naman ganoon kaseryoso kaya nagsusumigaw sa isip niya tuloy na tila dinaya siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD