CHAPTER 2

939 Words
Tahimik na nakaupo sa driver's seat si Prince at bakas sa mukha nito ang sobrang lungkot.Hawak n'ya ang maliit na kahon na naglalaman ng sing-sing na ibibigay sana n'ya to propose,ngunit sa kung anong kadahilanan ay nauwi pa ito sa pakikipaghiwalay niya rito. Napukaw ang atensyon n'ya nang tumunog ang cellphone n'ya .Isang unregistered number ang tumatawag ngunit alam niya na at natitiyak na ny'a kung sino ito. "Hello," "Ginawa mo na ba ang pinag-usapan na'tin?" mariin na tanong nito.Si Don Echivarri. Ang may-ari ng Diversions kung saan s'ya namamasukan. Bumuntung hininga muna s'ya bago ito sinagot. "Wala na kayong dapat ipag-alala.Iniwan ko na s'ya. Sana lang ay itago na lang natin itong lihim sa kan'ya," aniya sa mahabang tinig. Narinig n'ya ang pagtikhim nito bago nagpaalam sa kan'ya. "Makakaasa ka,"iyon lang at pinatay na nito ang tawag. Wala na itong atrasan. Isang huling sulyap pa ang iginawad n'ya sa lugar kung saan n'ya iniwan ang kasintahan at umalis na s'ya sa lugar na iyon. Huminto si Eunice nang makita ang kotse ni Prince na nakahinto sa gilid ng building na kinaroroonan n'ya. Nagdalawang isip s'ya kung lalapitan ito o hindi.Sa bandang huli ay nanaig ang nasaktan niyang damdamin at hinayaan lang ny'a ito hanggang makaalis ito bago s'ya nagpatuloy sa paglalakad. Malamang ay kukunin na nito ang mga gamit at naghahanda na para sa pag-alis nito kinabukasan papunta sa Canada, para madestino ng 2 taon dahil sa tinanggap na nito ang alok ng amo nitong ito ang mamahala roon ng Advertising Company na Diversion. Noong una ay ipinagkibit-balikat lamang niya ito nang minsang kinausap siya ng katipan sa paglipad doon. Ayos nga iyon dahil big break sa career nito iyon. Pero ang hindi niya alam, kung kailan umaasenso ito at tila unti- unti na nitong naaabot ang mga pangarap ay saka naman siya nito bibitawan at iiwan sa ere. Batid niyang desidido na ito sa desisyon nito at wala na siya sa posisyon upang hadlangan o pigilan pa ito. Simula ngayon ay mag-isa siyang haharap sa mga hamon at pagsubok sa buhay niya. Naisip niya ring umalis sa ino-okupa nilang bahay dahil bahagi iyon sa paglimot niya at ang mga gamit na naroon ay wala na siyang balak na kunin pa. Bawat bagay na magpapaalala sa kan'ya rito ay iiwan na niya kasama nang pag alis nito. 'Di niya namalayan na nakatayo pa rin pala ang lalakeng nagpakilalang Enrico sa may likuran at tila hinihintay siya. 'Di nakaligtas sa paningin nito ang pag lamlam ng mga mata niya at pagtulo ng luha niya kaya kagya't niya itong pinahid mula sa likod ng mga palad n'ya. Sa mansyon ng mga Echivarri ay nagtipon- tipon sina Mr.Benzon kasama ang may edad nitong may bahay pati na rin ang matanda na ngunit bakas pa rin ang awtoridad sa tindig nito na si Mr.Arnorld Echivarri. Sa ayos ng mga ito ay tila simpleng pag-uusap lang at pag inom ng tea ang nagaganap. "Mr. Echivarri, bigyan mo muna kami nang kaunting panahon. Ang aking anak dahil alam kong hindi madali sa kanya ang lahat, Siguro mga ilang buwan pa bago natin sila pagtagpuin muna," Pakiusap ni Mrs.Benzon. Bakas ang matinding pag-aalala nito sa tinutukoy na anak. Sa tabi naman nito ang asawa nito na umayos sa pagkakaupo at pasimpleng sinalikop ang palad ng may bahay. "Ester, mahaba-haba na rin ang panahon na binigay natin kay Eunice. Alam kong alam niya na dapat siyang sumunod sa kasunduan and this is the perfect time para rito dahil alam kong hindi na siya makakatanggi," anito sa asawa, bagamat halatang nag-alinlangan pa rin ito ay hindi na ito sumalungat pa. Doon tumayo si Mr.Echivari hudyat na tapos na ang kasunduan ng mga ito. Inilahad nito ang kamay at magalang na inabot naman ito ni Mr. Benzon. "Aasahan ko sa lalong madaling panahon ang paghaharap ng mga bata at sana ay makausap n'yo na si Eunice," ulit pa nito. Tango lang ang tinugon ng mag-asawa at lumakad na rin sila palabas ng mansyon . Matagal naghintay sa kotse si Prince subalit hindi niya magawang paandarin ito. Labis ang pag-aalala niya para sa babaeng minamahal subalit kailangan niyang gawin iyon dahil ito ang nararapat. Nasa sasakyan na lahat ng mga damit niya at hindi niya maialis ang paningin sa pintuan ng bahay nila. Ito ang lovenest nila for five years na ups and down ang relasyon nila. Give and take ang relasyon nila at kailanman hindi naging hadlang ang malaking agwat ng pamumuhay nila sa pagsasama nila. Siya ay simpleng empleyado lang samantalang ito naman ay anak ng pangalawa sa pinaka malaking pangalan ng mga businessman sa lugar nila. Kaya naman marami itong back-up pero hindi niya kailanman hiniling dito na magamit niya 'yon. Sa sarili niyang pamamaraan n'ya gustong makaahon sa buhay. Sumama ito sa kanya at tinalikuran ang nakatakda na sana nitong pagpapa-kasal sa anak ng matalik na kaibigan at business partner ng ama nito. Kung sino ay hindi na niya tinanong matapos tanggapin ang alok na pera ng ama ng dalaga para tuluyan niya na itong iwan. Oo ibinenta niya ito.Subalit di niya ito nais na gawin kung hindi lang nga kinailangan ng ama niya ng pera para sa operasyon dahil sa open-heart surgery nito. Sinagot ng mga magulang ni eunice hangang sa makalabas ng ospital ang ama niya at ang lahat ay hindi nito alam. Sapagkat kung malaman nito iyon sigurado lang siyang mas lalo itong magagalit sa pamilya nito. Isang huling sulyap pa at pinaandar niya na ang sasakyan. Alam niya at sigurado siyang hindi na s'ya babalik pa roon kahit na Kailan."Paalam mahal ko," bulong n'ya bago pikit-matang lumayo sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD