CHAPTER 1

1294 Words
Tiim ang pagkakatitig ni Eunice sa kaharap. Tila ngayon lamang n'ya ito nakita at kakaiba ang pakiramdam n'ya rito. It's been a while mula nang huli silang lumabas at wala naman okasyon kaya napapaisip s'ya at nag-aya itong lumabas at sa espesyal na lugar pa s'ya dinala nito. Sa Shangrila hotel. "Ehem," tumikhim ito pagkaraan nang ilang saglit na nakatitig pa rin s'ya sa katipan. Doon lamang s'ya natauhan at kumurap. "Will he propose now? " usal n'ya subalit agad din nitong binasag ang pantasya niya. "Look. I know that we've been together for almost 5 years now but," putol nito na lalo lamang niyang ikinabitin. "But?" untag n'ya rito at hindi na niya nagugustuhan ang itinatakbo ng usapan sa katipan at ayaw niya ng pasikot-sikot pa. Tumigas ang ekspresyon nito na nag kumpirma lamang sa nasa isip niya. "I don't think I'm good enough for you," pagtatapos nito. Hindi niya malaman kung magagalit o iiyak s'ya at magmamakaawa sa taong iniibig. Nanghihina ang katawan n'ya subalit kailangan niyang sabihin ang nasa isipan sa mga oras na 'yon. "No please not this time hon," tila batang pagmamakaawa niya. Kunot ang noo nito. "Eunice please try to understand, kailangan ko ma-upgrade ang lifestyle ko at kailangan ko pa matupad ang pangarap ng parents ko and I don't think that I can make it with you in my life," diretsyo ang pagsasalita nito na tila isang simpleng "i just go to the barber shop" ang ipinagpapaalam nito sa kan'ya. "So hadlang pa pala ako sa mga pangarap mo!" pagak na tumawa si Eunice. Ayaw niyang manumbat pero sino ba ang kasama nito noon sa mga panahon na kailangan nito nang masasandalan? Noong mga oras na naghahanap pa ito ng mapapasukan at dahil nga wala naman itong ibang experience sa trabaho ay nirekumenda niya ito sa mga kakilala niyang business tycoon. Yes she made him! And how dare him to say that to her! Subalit ang lahat ng galit at sumbat ay nasa isip lamang n'ya. Hindi niya alam na kinain na pala ito ng mga pangarap at pati siya ay kaya na pala nitong talikuran. "Prince, ever since hindi naman kita pinigilan sa mga pagtulong mo sa pamilya mo, you know that..I was even the one to remind you 'pag oras na para padalahan mo sila ng sahod mo and-" 'di na niya natapos ang sasabihin dahil galit itong tumayo dahilan para mag tinginan ang mga nasa kabilang mesa. Nakaramdam siya ng hiya at tumungo s'ya sa kaniyang mga palad. Nilalaro n'ya ang key chain at hindi ito iniintindi man lang. Ayaw niyang pakinggan ang paliwanag nito. Alam niyang nabibigla lamang ito. "I need to do this. Hindi na ako masaya na palagi na lang naka asa sa'yo. Ako ang lalake at kailangan ako ang gagawa ng desisyon specially 'pag dating sa pamilya ko and I know you're only up to my best intentions, but hindi ko na kayang ibigay sa'yo ang pangarap mong makapag pamilya at mag bukod tayo. I'd rather leave you now or you'll be miserable all of your life. I'm leaving tomorrow morning , I'm sorry Eunice and I'm forever thankful that you'd been a part of my life I'm sorry," 'yun lang at tuloy-tuloy itong walang lingon-likod na iniwan siya sa kawalan. Mahigpit ang ginawa niyang pag kapit sa gilid ng upuan niya.Tila nawala ang anumang lakas na mayroon siya kanina lang bago siya nagpunta rito. Unti-unti na itong lumalayo sa kan'ya at wala siyang magawa sa mga oras na iyon. Tila naubos ang lahat ng lakas na mayroon s'ya at tanging ang mga huling sinabi lang nito ang paulit-ulit na ume-echo sa tainga n'ya. Sa ganoon paraan lamang siya nito iiwan! So ashamed! Mahal na mahal niya si Prince at i-ni-spoiled niya ito at ang pamilya nito. Yes! She almost became an D.O.W o dirty old Woman. She's 35 years old, part-time singer sa mga events. Flight attendant talaga s'ya ngunit sa kagustuhang makalayo sa pamilya na balak siyang ipa-arrange marriage ay nagdesisyon siyang sumama rito at talikuran ang kaniyang trabaho. Singer siya ngayon at doon niya nakilala si Prince minsan nag-book siya bilang singer sa kasalan and since then 'di na sila naghiwalay pa and the rest is history sa pag-iibigan nila. Wala siyang maisip na ginawang mali bakit sila humantong sa ganito. Nagsama sila sa iisang bubong for 5 years at smooth ang relasyon nila at kasal na lang ang kulang. Tumayo na rin s'ya dahil sa kahihiyan. Halos lahat ng tao ay sa kan'ya nakatingin subalit hindi na niya alintana ang ano mang kahihiyan na inabot n'ya. Ang sakit na labis na nararamdaman sa mga oras na iyon ang bukod tanging alam n'ya. Lumayo at naglakad s'ya na parang walang nangyari at iyon lang ang huling naalala niya bago balutin nang dilim ang malay niya.. Iiling- iling si Wesley habang pinagmamasdan ang Babae, actually kanina pa nga siya nakamasid sa lamesa nito kasama ang lalaki na sa palagay niya ay nobyo nito. Forty five minutes na mula nang mawalan ito ng malay at sakto naman naroon siya kaya nasalo niya ito nang mawalan ito ng malay. Nag flashback sa kan'ya ang inabutan na tagpo kanina at 'di niya napigilan ang pag- iling. Hindi n'ya maintindihan ang dahilan at bigla ang sibol sa kakaibang damdamin niya para rito. Kung awa o ano ay hindi niya maintindihan. "Sir, Mr.Lian sets an appointment with you this morning," putol ni Jules ang driver/ assistant niya. Doon lamang bumalik sa tagpong 'yon ang isip niya kaya naman bigla siyang tumingin dito. "You'll stay with her until she wakes up, call me if anything You need," Inabot niya rito ang susi ng kotse at nauna na siyang umalis at iniwan ito sa St. Mary's clinic kasama ang wala pa rin na malay na babae. Masakit ang ulo nang magising si Eunice. Nakahiga siya sa maliit na kama at sa paligid naman ay may mga kabinet na baby blue ang theme. Sa katabi naman niya ay may maliit na table na may picture frame. Doon bumukas ang pinto nang madako ang paningin niya rito. Isang matangkad, at nakasalamin ng makapal na nagpamukha ritong nerd ang bumungad. Sa palagay niya ay bata pa ito ngunit dumagdag sa edad nito ang suot-suot na salamin. Naka business suit ito kaya lalo lang ang pagtataka niya dahil nasa clinic siya. "Nagising ka rin Miss, hinimatay ka kaninang umaga at dinala ka rito ng boss ko, okay ka na ba?"tanong nito sa kan'ya. Pabigla siyang bumangon sa gulat nang makita ito. 'Di niya ito kilala at nahalata naman nito ang pagka balisa niya kaya nagpakilala ito. "Ako si Enrico, dinala ka namin dito ni boss kasi hinimatay ka kanina," pagpapaliwanag nito. Tumango- tango lamang siya rito ngunit nanatiling tikom ang bibig at sa wakas ay naapuhap niya ang kanyang tinig, mula sa malalim na pag-iisip kung paano siya nawalan ng malay at naalala niya ang kanina lang pag-iwan sa kanya ni Prince ay naikuyom niya ang kanyang palad. Tila nahalata nito ang ginawa niya at lumingon sa bintana. "Kung okay ka na ay pwede ka na umuwi," anito at humalukipkip. Nanginginig ang mga tuhod at walang balak na umalis, dahil sa totoo lang ay alam niyang nasa bahay na ito ngayon. Ipinikit n'ya saglit ang mga mata at nagdasal siya sa mga oras na iyon na sana ay hindi s'ya humagulgol sa mga oras na iyon. Mag-isa na s'ya ngayon. Ano na lang ang gagawin n'ya sa buhay n'ya? Paano na ang mga pangarap nila? Ikinuyom n'ya ang mga palad saka tumingin sa labas ng bintana. Susubukan n'ya itong pigilan baka maawa ito sa kan'ya. Nagulat ang lalaking nagpakilalang Enrico nang bigla siyang bumangon at walang sabi-sabi at tila wala sa sarili lumakad sya palayo sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD