I woke up, smiling. Tunog ng mga manok ang bumungad sa'kin. I sat down and began stretching my body before I stood up to begin my usual day in nanay's province. Nagsaing ako ng kanin gamit ang mga kahoy na nakita ko sa gilid ng kusina ni nanay at nagpakulo na rin ng tubig para gumawa ng sabaw. Ramdam ko ang pagtaas ng ilong ko. I feel like I’m the best broken chef in the world.
Shoo! Shoo! Stop thinking about that. We’re here to heal, to move on. Walang broken-broken dito sa probinsya. Take a deep breath and feel the aroma of the sabaw that I’m making. Wow, ang bango!
Habang hinihintay na maluto ang soup na niluto ko, pinakain ko na ang mga alagang manok ni nanay. I even watered the plants and clean the place outside with a broom. Pagbalik ko sa loob, inilipat ko na ang kalderong hinainan ko ng kanin sa lamesa. Tinanggalan ko rin ng mga nagliliyab na kahoy ang pinagkuluan ko ng soup para humina ang apoy. Breakfast is finally ready!
Napangiti ako nang makita si nanay na palakad papunta sa may lamesa. I walked towards her and guided her to the chair.
“Good morning, 'nay!” Bati ko.
“Good morning, apo. 'Asan ba si Jane?” She looked around, noticing ate Ris isn't with us.
“Umuwi po, may aasikasuhin daw sa kompanya. Alam niyo naman po na super-duper busy ni ate especially this season.”
“Naku naman. Sayang naman ang pagpunta niya rito kung hindi rin naman siya magtatagal.”
“Kaya nga po,” kumuha ako ng dalawang plato saka nilagay sa lamesa kasabay na rin sa mga kutsara't-tinidor. “She's really busy today and she's sorry about her sudden leave. Wala po kasi siyang magagawa,” kumuha rin ako ng bowl para paglagyan ko ng sabaw.
“Minsan na nga lang kayo bumibisita sa'kin. Oo nga pala, ba't hindi niyo kasama si Ace? Na-miss ko ang batang 'yon,” bigla akong natigilan pagkatapos kong ilagay ang bowl sa hapagkainan.
I shook my head to come back to my senses. Wala na tayong magagawa kung hahanapin ni nanay ang lalaking 'yon, eh halos gawin na naming tambayan ang bahay ni nanay kahit ang layo ng paaralan namin sa probinsya. Pinatay ko muna ang apoy bago ako umupo sa tabi ni nanay.
“Wala na po kami, 'nay. Kahapon lang,” pag-amin ko.
“Bakit? Ang bait-bait ng batang 'yon.”
Pinigilan ko ang mga namumuong luha na gustong pumatak sa mga mata ko. “H-hindi ko nga rin po alam. He left me without saying anything, 'nay. And... I didn't have the time to ask him. Kaya nga po ako nandito para... kahit... kahit mga isang buwan lang... gagaan ang puso ko…”
I can't help but cry when nanay hugged me. “Okay lang 'yan, apo. Alam kong may dahilan si Ace para gawin niya sa'yo 'yon. 'Tsaka hindi natin alam kung ano ang plano ng tadhana sa'yo. Hindi naman minamadali ang pag-ibig. Hindi lang din iisang tao ang kayang mahalin ng puso. Malay mo, may darating na magpapa-t***k ulit ng puso mo.”
Tumawa ako. “I don't think so, 'nay. Siguro... ano... ekis muna ako diyan. Baka gagawin ko lang rebound ang kung sinong sumunod sa kaniya. Alam niyo naman kung gaano ako kabaliw sa lalaking 'yon dati pa.”
“Oo nga naman. Naalala ko pa nga nung pinakilala mo siya sa'kin, eh hindi pa naman pala nanligaw o 'di kaya boypren mo na. Siguro 'yan ang dahilan kung bakit pigil-pigil sa pagtawa ang ate Jane mo nung mga panahon na 'yon.”
Sabay kaming napatawa sa kwento ni nanay. I mean, it really happened. I introduced him in front of nanay not as a boyfried nor manliligaw nor even friends. Pinakilala ko lang talaga 'tas pagkatapos no'n ay umuwi na kami. 'Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko para gawin ko ang katarantaduhan na 'yon. Bata pa naman. Young people do stupid things sometimes, but for me? Everytime. Especially during my high school days. Napailing na lang ako sa ulo, my ghad. I can't imagine myself doing those stupid things again.
There's really no fun here in the province sometimes, lalo na kapag ikaw lang mag-isa at hindi mo maiwan si nanay. But of course, madami kaming nagawa sa buong araw. I harvested the eggs from the poultry and put it in a basket. I even cleaned the inside no matter how smelly the place is. After that, I took a second bath before cooking dinner kasi I didn’t want to smell like a chicken poo while preparing. It’s a basic etiquette kaya na dapat you’re clean when cooking foods.
Pagkatapos kong magluto ay kumain na kami ni nanay. We talked a lot while eating and minutes later, ubos na ang mga pagkain sa plato namin. So, nauna nang matulog si nanay dahil napagod ito kanina. I was bored kaya I scrolled through my social media and there was news about ate Ris. Babasahin ko na sana ang buong article nang mawalan ako bigla ng signal.
“Oh my ghad! Bakit now pa?!” I murmured in frustration.
I tried my best to find the signal outside pero wala talaga. I have no other choice, but to turn on the television. 'Di ko alam kung anong klaseng kamalasan ang meron ako ngayon. The tv has no signal. I tried every means to know where can the antenna find a signal.
“Ayon sa... natagpuang... Director Paris Jane Devereaux…”
“What?” Nabitawan ko ang antenna kaya nawala ulit ang signal. “Argh! Paano ba 'to aayusin? Sana binilhan na lang ng cable ni ate si nanay para hindi na ako magkaka-ganito. I want to know what happened!”
I don't know what to do! Naiinip na ako sa antenna'ng 'to. Argh! Nakakagigil!
“Anong ginagawa mo?”
“AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!”
Sa gulat, natapon ko sa pagmumukha ng lalaki ang antenna na kaka-kuha ko lang mula sa sahig. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Aatakehin na yata ako. Sino ba kasing multo ang bigla-bigla na lang nagsasalita na hindi man lang kumakatok sa pintuan!
“Aray, ha?”
“I-I'm... sorry…”
Who's this anyway?