Chapter Four

1148 Words
So, this man's name is Archie. He's the person na nag-aalaga kay nanay during the summer. Who would've expect na ito ang magiging first meeting namin. He's the person na laging mine-mention ni ate. Since, I was in the wrong side when meeting this man. I greeted him with hospitality and hinainan ko siya ng kanin at ulam as a sign of sorry na rin. I really didn't mean to hit him. “I'm really sorry talaga,” paghingi ko ulit ng tawad. “Okay lang. Salamat nga pala sa paghain ng pagkain,” ngiti niyang pasasalamat. “By the way, sa'n ka ba magse-stay? I really don't know much about this house and who owns the room and such. May kwarto ka naman siguro dito, right?” “Ah, oo, diyan ako natutulog,” turo niya sa maliit na kwarto na katabi sa kwarto ni nanay. “Diyan? Isn't that too small for you?” “Ano ka ba. Diyan talaga ako natutulog kapag nandito ako para alagaan si nanay. Okay lang din naman kay nanay na diyan ako matutulog.” “Aren't you belittling yourself? You can sleep in the room next to mine naman. Ba't gusto mong matulog doon?” Huminto siya sa pagnguya saka tumitig sa'kin. “Sanay kasi akong matulog sa maliliit na kwarto. Hindi ko naman minamaliit ang sarili ko, sadyang nasanay lang ako sa mga bagay na siyang kaya lang ng pamilya namin. Kaya nga tinanggap ko ang trabahong 'to para matustusan ang pamilya ko. Kilala ko kasi si Mrs. Devereaux, isa siya sa mga sponsor sa komunidad na 'to at sikat din siya sa entertainment kaya laking pasasalamat ko sa kaniya na ako ang napili niyang mangalaga kay nanay.” I didn't know what to say. Alam ko namang magka-iba ang buhay namin pero may kakaiba sa puso ko kapag narinig ko mismo nang harap-harapan kung gaano kahirap mabuhay na hindi mo agad nakukuha ang gusto mo. Pera man o trabaho. I've been surrounded by money, that's why it felt so new when I heard this in front of him. “I'm sorry to hear that.” “Ano ka ba,” tawa niya. “Ba't ka ba nagso-sorry? Wala ka namang kinalaman sa buhay ko. Sinasabi ko lang 'to para hindi mo ako kaawaan. Para naman 'tong tanga.” “Sabi ko nga.” “Oh, siya! Matulog ka na. Ako na ang bahala rito.” “Are you sure?” “Oo nga.” “Okay. Then... goodnight.” “Goodnight din.” Nginitian ko lang siya bago ako umalis. Dumiretso ako sa kwarto ko and I finally remember what I was supposed to do. I need to know the news about ate 'Ris. Hindi ako makakatulog hangga't hindi ko alam kung anong balita sa kaniya. I turned on my data and tried to open my social media account, wishing I can catch a signal. “Please... please... please…” I begged, closing my eyes. When I heard a ding, namulat agad ang mga mata ko. I hurriedly searched ate's name with the hope that I can read the article that I saw earlier. I covered my mouth with the palm of my hand. Nanginginig ang mga kamay kong binasa ang buong artikulo na nakita ko. Oh... my... ghad... Nabitawan ko ang phone ko. Tuloy-tuloy nang bumuhos ang mga luha ko pagkatapos kong basahin lahat. That rotten family. I know this is all their doings. Oh my ghad. I hope she's fine. Lumabas muna ako para magpahangin. Masyadong masikip ang dibdib ko sa balitang nabasa ko. Iba talaga ang nagagawa ng mga taong gustong akuin ang lahat. “Oh? Akala ko tulog ka na.” Dali-dali kong pinunasan ang luha ko. “Nawala 'yong antok ko.” “Umiiyak ka ba?” Napalingon ako sa kaniya. “Umiiyak ka nga. May nangyari ba?” I don't know why, but something's urging me to tell him about what I knew para gumaan 'tong nararamdaman ko. “Naaksidente si ate. Coma siya ngayon. I want to visit her pero I can't leave nanay here.” “Nandito naman ako. Bisitahin mo si Mrs. Devereaux bago mahuli ang lahat. Alam kong siya lang ang pamilya mo ngayon kasi wala si Pilipinas ang tatay mo.” “How did you know?” “Kinu-kwento ka rin kasi ni nanay sa'kin. Medyo may alam ako sa buhay ninyong mag-pinsan. Kaya puntahan mo si Mrs. Devereaux bukas. Ako muna ang bahala kay nanay. Babalik ka rin naman dito. Basta mag-ingat ka lang sa biyahe.” “Thank you. Take care of nanay for me tomorrow, ha? Babalik agad ako. 'Di rin naman ako magtatagal do'n kasi mga masasamang-damo ang pamilya ng asawa ni ate.” “Ano ka ba. Wala 'to. Para ka namang tanga.” I laughed. “I'll be back.” Maaga akong bumiyahe kinabukasan. Malayo kasi ang probinsya ni nanay at sa hospital kung saan naka-confine si ate. It took me almost 4 hours to finally arrive at my destination. I asked the nurse in the counter about ate's room number. “Room 214 po, miss.” “Thank you.” Umalis kaagad ako sa may counter para pumunta sa ward ni ate. May dala akong bouquet of flowers for her despite not receiving it personally kasi in coma pa siya. I just want to give her something while she's recuperating. Masaya pa akong naglakad sa may hallway hanggang sa napahinto ako nang makita ang taong ayaw na ayaw kong makita. He was talking with ate's husband. Kinakabahan. Nanginginig. 'Di alam kung ano ang gagawin. I don't want to talk to him, but I want to visit ate 'Ris. Before that, I have to get pass by him. Parang gumuho ang mundo ko nang magtagpo ang mga mata namin. Nabitawan ko ang hawak kong bulaklak at naglakad-takbo palabas ng hospital. “Solene!” I ran as fast as I can. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Nanghihina na rin ang mga tuhod ko. I need to get out of here. I need to... “Ouch!” Nawalan ako ng balanse. “Solene!” Kahit masakit pa ang paa ko, agad akong tumayo at tumakbo ulit. When I got out of the hospital, pumara ako ng taxi. Siguro ayon sa'kin ang tadhana, a taxi parked in front of me and I opened the door, hurriedly. “Solene.” I didn't have the heart to look at him when I closed the door. Agad din namang umandar ang taxi nang maisara ko na ang pintuan. Napahawak ako sa dibdib. I punched it how many times sa sobrang sikip ng nararamdaman ko. Naudlot ang pagbisita ko kay ate Ris. It's all because of him, but I guess ate will be fine with him by her side. I looked outside the window. “Why do I have to see him... at this time?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD