Chapter Five

1073 Words
“Ba't ang aga mo umuwi?” I sat beside him and let my tears fall down from my cheeks. Hindi ko na naman mapigilan na maramdaman ulit ang pait na naramdaman ko kahapon. It's not that easy to forget. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na magkikita kami sa hospital. I have no idea that he would be ate's doctor. I punched my chest. Ang sakit talaga. Sobra. 'Di ko alam kung ano ang gagawin ko para tuluyan ng mawala ang sakit na 'to. I don't want to suffer like this. I don't want this. I never wanted for us to break up. Ang sikip ng dibdib ko. Parang may karayom na tumutusok sa loob nito. I didn't know that love could be this painful. I never imagined myself to be like this. I thought we were fine. I thought nothing could separate the both of us. Pero akala ko lang pala ang lahat ng 'yon. “Archie, ang sakit,” iyak na sabi ko. Bigla niya lang akong niyakap saka hinawi ang buhok ko para hindi matakpan ang mukha ko. “Ibuhos mo lang lahat 'yan. Alam kong lilipas din ang nararamdaman mo kahit gaano pa 'yan kasakit. Basta umiyak ka lang ng umiyak hanggang sa wala ng mga luhang lumalabas sa mga mata mo. Nandito lang ako. Pupunasan ko 'yan para sa'yo.” Mas lalo akong napa-iyak sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak sa bisig niya basta ang alam ko lang ay narinig kami ni nanay at sobrang nag-alala siya nang makita ang kalagayan ko. She guide me to the kitchen and cooked me something that will make myself better. Of course, Archie was there to help nanay while I'm looking disheveled because of crying nonstop. “Ano ba ang nangyayari sa'yo, apo. Bakit umiiyak ka?” She's really worried. “Ano po kasi…” ano ba ang sasabihin ko? “Na-aksidente po kasi si ate Paris, 'nay,” I know he knows na hindi talaga tungkol kay ate ang iniyakan ko. “Naku! Totoo ba, apo?! Kumusta na siya? Okay lang ba siya?” I faked a smile. “She's in a coma pa rin, 'nay. But she's stable na. She will be fine. Gigising din si ate.” “Mabuti naman kung gano'n. Bisitahin mo ulit ang ate mo, ha. Sabihin mo sa'kin kung kamusta na ang kalagayan niya. Ano ba kasi ang nangyari sa batang 'yon…” Hindi ko na marinig kung ano pa ang sinasabi ni nanay. I can see her mouth moving, but I don't hear anything. Nabibingi ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. He was there. He was... calling me. He called my name. Running towards me. What if there was something he wanted to say? What if I didn't run away from him? Magiging okay ba kami? Pero ang sakit pa rin kasi kapag nakikita ko siya. My heart still aches from what he did. Hindi ito madadala ng sorry. “Okay ka lang?” Nagpapahangin ako ngayon sa labas ng bahay ni lola. Kakatapos lang namin maglinis sa loob ng bahay. Nanay is resting inside her room. Archie prepared a snack and I received it with pleasure habang nilagay niya ang dalawang baso ng juice sa lamesa. “I will be fine.” “Hindi naman sa ano…” “My ex broke up with me. He's currently ate's doctor. I saw him earlier... tumakbo ako... he called me... pero I ran away from him. Takot ako. Natatakot ako. Ang sakit pa rin kasi ng ginawa niya.” “Kaya pala gano'n ka na lang maka-iyak. Alam mo, 'wag mo munang isipin ang ex mo. Siguro nandito ka para kalimutan siya, 'di ba?” “Yeah…” “Eh, kalimutan mo muna lahat-lahat na nangyari sa'yo sa lugar ninyo. Nandito ka ngayon sa probinsya, dapat ang buhay na meron ka ngayon ang isipin mo. Sa madaling salita, ang ipasok mo sa isipan mo ngayon ay ang mga manok ni nanay, mga dapat linisan sa bahay, at ang mga lugar na bibisitahin natin soon. Hindi ka pa naman naka-punta sa mga magagandang tanawin dito sa probinsya 'no?” Napaisip ako. “You're right. Is there a place na magandang puntahan?” Bungisngis na ngumiti si Archie. “Marami! Gusto mo puntahan natin bukas? Isa-isa nating pupuntahan ang magagandang lugar sa probinsya na 'to. Isama natin si nanay.” “Are you sure na kakayanin ni nanay ang adventure na 'yan?” “Ano ka ba. Hindi mo siguro lubusang kilala si nanay. Active pa 'yan sa mga kagawad dito kapag ito na ang usapan. Gustong-gusto niyang mag-lakwatsa kahit saan. Ayaw niya kayang sa bahay na lang siya lagi. Nakakainip din kapag mga manok lang ang lagi mong kaharap kaya nagla-lakwatsa kami ni nanay minsan. So, ano? Game ka ba?” I think it's not a bad idea to go somewhere para mag-unwind. He's right din naman. Nakakainip na rin harapin ang mga manok ni nanay at kunin ang mga itlog nito para ilagay sa tray. Wala namang masama kung maghahanap ako ng paraan para aliwin ang sarili ko. I don't want to dwell on the past. Hindi man madali ang mag-move on, ang sa akin lang ay mawala siya sa isipan ko kahit sa mga panahon na nandito ako sa probinsya. “Okay! Game ako sa idea mo.” “Good choice, maprend! Gumising ka ng maaga bukas, ha! May ipapakilala ako sa'yo.” I shook my head and laughed. Who knew that this man would make me laugh like this. May ikaka-lawak pa pala ang ngiti ko. Akala ko buong bakasyon akong hindi makaka-ngiti pero dalawang araw pa lang ang lumipas, bumalik agad ang mga ngiti ko dahil sa lalaking 'to. Ang comfortable niyang kausap. Kinabukasan. Nagtataka akong pinanood ang dalawang lalaki at isang babae na panay ang ngisi sa'kin. Inalalayan namin si nanay until we're five steps away from the three people that I have never seen before. “Nandito na pala kayo,” lumapit si Archie sa tatlo and they did something with their hands that I don't even know how they do it. Ganito ba talaga nakikipag-greet ang mga tao sa probinsya? “Sila pala ang gusto kong ipakilala sa'yo. Si Gabo, Jomar, at si Greta.” “Hi!” Sabay nilang bati. “Hi, it's nice to meet you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD