Chapter 1

1644 Words
        Busy man sa pakikipaghalikan ay nagawa ko pa ring kunin ang cellphone ko sa bulsa ko at sinagot ang tawag ng kung sino mang istorbong tumatawag ngayon sa akin. Lagi na lang may nang-iistorbo sa tuwing nakikipag-make-out ako. "Sav, nasaan ka na? Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang gig natin-" tumigil ang nasa kabilang linya at maya't maya pa ay may narinig na ako sa malapit sa amin, "what the hell, Savien! Kanina ka pa namin hinahanap, nandito ka lang pala at nakikipaglaplapan." Tumigil ako sa pakikipaghalikan sa babaeng nasa harap ko ngayon at hinarap ang mga kabanda ko. I rolled my eyes at them bago tuluyang kumawala sa kahalikan kong si Wendy, ah no, Shandy? I don't know, basta ang alam ko ay kakikilala ko pa lang sa kaniya at idol na idol niya raw ako kaya I gave her a kiss. Yes, a kiss not an autograph. "Let's go para makapaghanda na tayo. Ituloy niyo na lang 'yan mamaya," pagkasabi iyon ni Charles ay hinila—no, halos kaladkarin na nila ako papunta sa stage. Hindi ba sila aware na sobrang taas ng heels na gamit ko ngayon? Tinapik ko ang mga kamay nilang nakahawak ngayon sa akin, "you are ruining my outfit," nang matanggal nila ang kanilang mga kamay ay inayos ko na ang suot ko. "Let's start?" Tanong ni Gerald na drummer namin habang nilalaro ng kamay niya ang dalawang drumstick, nakapwesto na rin siya ngayon. Nagkatinginan kaming lahat at tumango hudyat na sisimulan na. Halos magkagulo na ang lahat ng tao dito sa bar nang marinig nila ang malakas na tugtugin ng gitara at drums. Sobrang ingay na nila at sobrang gulo. Nagiging wild na ang lahat. "Welcome to the jungle," sabay na kanta namin ni Ivan sa unang linya, "we've got fun and games We got everything you want honey, we know the names We are the people that can find whatever you may need If you got the money, honey we got your disease!" May mga ilang nakikisabay sa amin sa pagkanta, lahat ay nasa dance floor na at tumatalon, ang ilan ay may hawak pang bote ng alak. Palaging ganito ang gabi ko, malaya. May isang lalaking lumapit sa amin dito sa stage at nag-abot siya ng isang bote ng alak. Agad ko iyong kinuha at tinungga ang bote, nang maramdaman ko na ang init na dulot nito ay pinasa ko sa mga kabanda ko ang bote. "Welcome to the jungle, it gets worse here every day You learn to live like an animal in the jungle where we play If you got hunger for what you see, you'll take it eventually You can have everything you want but you better not take it from me!" Habang kumakanta ay ramdam na ramdam ko iyong kalayaan. Hindi ko mapigilang tumalon, sumayaw, at mapasigaw. Habang tumatagal ay palakas nang palakas ang ingay dito sa loob. Matapos ang gig namin ay pumunta na muna kami sa isang bakanteng table para mag-inuman. Hindi ko alam kung anong oras na pero sigurado akong madaling araw na. Napaparami na rin ako ng inom pero hindi ko pa rin magawang tumigil. "Haris, sinong tinitignan mo?" Tanong ni Dave sa guitarist namin. Napatingin ako sa tinitignan niya. May isang babaeng nakaupo ngayon sa may bar counter, nakatalikod siya kaya hindi namin makita ang mukha niya pero ang sexy niya. Sa simpleng sparkly fitted dress na suot niya ay kitang-kita ang magandang hubog ng kaniyang katawan. Mahaba ang nakalugay at kulay caramel brown niyang buhok. "Bakit hindi mo pa lapitan? Baka maunahan ka ng isa dyan," kahit hindi pa man iyon sabihin ni Rafael ay alam kong ako ang tinutukoy niya. Tatayo pa lang sana si Haris nang may lumapit na sa babaeng gusto niya. Hiyawan ang mga kasama ko sa pang-aasar sa kanya. Pinagmasdan ko iyong babae at iyong lalaking lumapit sa kanya. Hinawakan ng lalaki ang braso ng babae kaya napalingon ito sa likod niya. Napakunot ang noo ko, parang kilala ko siya, I don't know, baka isa siya sa naka one night stand ko. Pamilyar ang mukha niya. Nanlaki ang mata ko nang marealize na iyong babaeng nakaupo ngayon ay siya rin iyong antipatikang babaeng nakasama ko noon sa CR. Hindi pa ako lasing kaya sigurado akong siya iyon. Iyong asawa ni Kuya Steve. Agad kong tinext si Kuya Steve at sinabi sa kanya na pumunta siya ngayon dito sa bar kung nasaan ako ngayon at ang asawa niya. "Sav, where are you going?" Tanong sa akin ni Charles pero hindi ko siya pinansin at lumapit na sa bar counter. "Ma'am, lasing na po kayo," rinig kong pag-aawat ng bartender sa kanya nang makalapit ako. Umalis na rin iyong lalaki kanina nang makita niya akong lumapit. Napatingin ako sa asawa ng kapatid ko, halatang lasing na siya at inaantok na rin ang mga mata nito. Alam ba ni Kuya Steve 'to? Bakit siya nag-iinom nang mag-isa? May asawa na siya pero nagagawa niya pa ring pumunta sa ganitong klaseng bar para magpakalasing. Hindi na siya dalaga, baka nakakalimutan niyang kinasal na siya? "Ma'am Sav, kilala mo ba siya? Lasing na po kasi siya at pinipilit pa ring mag-inom. Wala naman siyang kasama." "I know her, Rick. Thank you," sabi ko sa bartender at muling hinarap ang asawa ni Kuya Steve na ngayon ay nakahalumbaba na at nakapatong na ang kanyang ulo sa bar counter. Sa tingin ko ay tulog na siya. "Savien, bakit mo ako pinapunta di-" napalingon ako sa likod ko nang marinig ang boses ni kuya na tila nag-aalala. Natigilan siya nang makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon, "Shan?" Gulat na gulat na banggit nito sa pangalan ng kanyang asawa. "Hindi mo alam na nandito siya?" Takang tanong ko. So, tama nga ang hinala ko? Nag-iwas si Kuya Steve ng tingin. Mag-asawa na sila pero bakit ganito? Anong klaseng mag-asawa itong mga 'to? "Sav, samahan mo muna kami sa bahay ngayon." Aangal pa lang sana ako pero umalis na siya buhat ang kaniyang asawa na tinawag niyang Shan. Bago ako sumunod sa kanila ay pumunta na muna ako sa pwesto ng mga kabanda ko. Hindi para magpaalam kundi para ubusin iyong alak sa baso kong natira kanina. "Hoy, Sav. Saan ka pupunta?" Habang naglalakad palayo sa kanila ay tinaas ko ang kamay ko at winagayway ito hanggang sa makalabas na ako nang tuluyan. Nang mahanap ko ang sasakyan ni Kuya Steve ay agad akong sumakay dito. "Hindi ba siya nagpaalam sa 'yo, Kuya?" Muling tanong ko nang umandar na ang sasakyan. "Wala bang ibang nangyari sa kanya doon?" Imbes na sagot ang makuha ko sa kanya ay tanong ang lumabas sa bibig niya. I rolled my eyes at him kahit alam kong hindi niya naman iyon makikita, "wala. Bakit ba kasi siya nag-iinom nang mag-isa?" Gaya nga nang inaasahan ko ay hindi na naman ako nakatanggap ng sagot. Tumahimik na lang din ako hanggang sa tumigil na ang sasakyan. Lumabas na ako at hinintay si Kuya na buhatin ang kaniyang asawa. "Sav?" "Yup?" Nang makarating kami sa isang silid ay agad nilapag ni Kuya ang kanyang buhat at tumingin sa akin, isang nag-aalangang tingin, "p-pwede bang ikaw na ang bahalang magpalit sa kaniya?" "What? She's your wife, Kuya." "Please, Sav. I'll explain later. Iyong damit niya nasa closet lang niya," sabi nito sabay turo sa isang pintuan at walang ano anong umalis na. I took a deep breath bago tinahak ang tinuro niyang closet. Nang makarating ako doon ay basta na lang akong humila ng damit. Kumuha na rin ako ng bimpo at binasa iyon para pamunas sa kaniya. Saglit akong napatayo sa gilid ng bed ng asawa ng kapatid ko. Tulog na tulog na siya ngayon. Nagdadalawang isip man ay ginawa ko pa rin ang utos sa akin ni Kuya. Damit lang naman ang tatanggalin ko, 'di ba? Ah, s**t! Yes, babae ako. Pero pota, nagkakagusto rin ako sa babae. Hindi ko kaanu-ano itong bibihisan ko ngayon kaya I feel uncomfortable. Muli akong huminga nang malalim. Sinimulan ko nang tanggalin ang suot niyang dress at agad pinunasan ang kamay at mukha niya gamit iyon basang bimpong kinuha ko. Pota, her body is killing me. Bakit ang ganda ng katawan niya? Bakit ako naakit? s**t, Sav. Itigil mo 'yang kahornyhan mo. Manahimik ka! Magpigil ka! Asawa 'yan ng kapatid mo. Hingang malalim. Inhale, exhale. Sinuot ko na sa kaniya iyong nahugot kong damit at shorts sa closet niya. Nakahinga ako nang maluwag nang matapos kong gawin iyon. Lumabas na ako ng silid niya at natagpuan ko si Kuya Steve sa living room na nakaupo sa sofa habang nakapatong ang ulo sa kanyang mga palad. Para siyang problemado. "Kuya?" Agad siyang tumayo at tumingin sa akin, "okay na ba?" Tumango ako, "umamin ka nga sa akin, Kuya. Ano ba talaga ang mayroon sa inyo ng babaeng 'yon? You're already married pero hindi mag-asawa ang nakikita ko sa mga galaw niyo." He sighed, "it's just an arranged marriage, Sav. Hindi namin ginusto ito. Ang parents niya at sila daddy ang may gusto dito para sa partnership nila sa business. Please, don't tell her na sinabi ko sa 'yo ang bagay na ito. Ayaw niyang ipaalam sa kahit na sino." "What the hell, Kuya?!" Sigaw ko sa kaniya dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, "hinayaan mong mangyari ang bagay na 'yan? Ni hindi ka man lang ba pumalag sa kagustuhan nila mommy?" Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit sa kanilang dalawa o dapat ay sa parents namin. Bata pa lang masyado na nila kaming kinokontrol, kaya nga ako lumayas sa bahay dahil nasasakal na ako sa kanila at pinipilit nila iyong bagay na ayaw ko. "I can't do anything, Sav." Naawa man ako sa kaniya ay hindi ko maiwasan isiping napakaduwag niyang lalaki, "whatever, Kuya," sabi ko at umalis na. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD