Chapter 2

1422 Words
        "Sav, please, talk to me." Bumuntong hininga ako, ang sa sakit sa ulo. May hangover pa ako at ito ang gigising sa akin, "Jenny-" "It's Cindy," she corrected me. Tumango ako at tila bagot na bagot akong tumingin sa kaniya, "I'm not into a serious relationship, hun. All I want is a one night stand. Iyon lang. No string attached, walang kahit ano, just lust." Hindi ko alam kung pang-ilang babae na ba itong humabol sa akin dahil lang sa one night stand. Ni hindi ko na nga maalala ang mga pangalan nila, eh. Una pa lang sinabi ko na sa kanila iyong rule ko pero ang hindi ko malaman ay kung bakit hindi pa rin iyon malinaw sa kanila at patuloy pa rin sila sa paghahabol. "P-pero, Sav-" "Please, leave, Wendy-" "It's Cindy." "Okay, Cindy, Wendy, whoever you are, just please leave now and let me rest," hindi ko na mapigilan ang sarili ko, nagiging short tempered talaga ako lalo na kapag may hangover ako. Sinarado ko na ang pintuan ng unit ko at muling pumunta sa kwarto at binagsak ang sarili ko sa bed ko. Napasapo ako sa ulo ko dahil matindi talaga ang p*******t nito at tila gustong sumabog. Ang sarap at ang saya uminom pero pota, after that sobrang sakit na sa ulo. "f**k you!" Sigaw ko nang makuha ko ang cellphone kong kanina pa tumutunog, sinagot ko iyon without even knowing who the f*****g caller is, "pota, pwede bang mamaya ka na tumawa-" "Stop cussing, Savien. Hindi kita pinalaki para maging ganyan kabastos." I rolled my eyes the momment I heard that voice. Yeah, right, hindi niya ako pinalaking bastos, "what do you need?" "Pack your things at bumalik ka na rito sa bahay sa ayaw at sa gusto mo. Hindi ko na maatim ang mga sinasabi ng mga kamag-anak natin tungkol sa 'yo, sinasabi nilang nagrerebelde ka because of us kaya bumalik ka na dito. Mang Carlo will fetch you." Agad kong pinatay ang tawag ng aking ina. Hindi na sila nagbago, hanggang ngayon mas iniisip pa rin talaga nila ang sarili nila. Imbes na sabihing umuwi na ako dahil miss na nila ako ay hindi, pinapabalik ako sa bahay dahil ayaw nilang madungisan ang mga pangalan nila. Babalik ako ro'n just to prove sa mga kamag-anak namin na hindi sila ang dahilan ng pagrerebelde ko? Nice, ano pa nga bang aasahan ko sa kanila? Actually, hindi naman talaga ako nagrerebelde. I'm not calling it like that, I'm just doing what I really want, I'm just following my dreams. Mga pangarap kong mahirap tuparin kapag nasa puder ako ng mga magulang ko kasi hindi sila sang-ayon dito. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa pagtawag niya. Ayaw kong umalis dito at bumalik sa puder nila. Masaya na akong mag-isa ngayon at nagagawa ang lahat ng gusto kong gawin, mas malaya ako kapag wala sila. Kung babalik man ako ro'n, siguradong hindi ko na magagawa ang mga gusto ko, lalo na iyong pagbabanda at paggigig. Buhay ko na ang pagkanta, ang musika. Hindi pwedeng mawala iyon sa akin, hindi ko pwedeng itigil iyon. Lalo na iyong night life ko kaya hindi pwede, hindi ako pwedeng bumalik sa kanila. Mauuhaw lang ako ng alak, matitigang lang ako—ah, basta! Tangina, Sav. Kapag bumalik ka doon paano na lang ang mga babaeng nagkakandarapa para matikman lang ang mga labi mo? Para makita at makasama ka? Lalo na't para marinig ang boses mo. Siguradong pipilitin lang nila akong mag-aral ulit ng about sa business. Ayaw ko nang mangyari ulit iyong dati, ayaw kong may kumokontrol sa akin, sa buhay ko. Kahit mga magulang ko pa sila. Buhay ko ito kaya gagawin ko kung ano man ang gusto ko. "Damn it!" Sigaw ko at kahit dama ko pa rin iyong sakit ng aking ulo ay hindi ko na iyon inalintana pa at pumunta na sa bathroom para makipaglandian sa tubig—mali, para maligo. "Mang Carlo, anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa isang matandang lalaking naka-uniporme. Driver nila mommy. Katatapos ko lang maligo at siya agad ang nadatnan ko sa sala. Inaayos na niya ang mga gamit ko at nilalagay ito sa isang lalagyanang karton. At talagang tinotoo nga ni mommy ang sinabi niya? "Pasensya na kung pumasok na lang akong walang paalam, Sav. Pero ito kasi ang utos ng mommy mo." Tumango ako sa kaniya, "do whatever you want." Muli akong pumasok sa kwarto ko at kinuha iyong mahahalagang gamit ko, nilagay ko iyon sa isang black leather bag ko. Tahimik at maingat akong lumabas ng condo unit ko at ni hindi man lang ako napansin ni Mang Carlo. Ngiting-ngiti akong pumasok sa loob ng elevator pero agad na nawala ang ngiti ko nang makarating ako sa parking lot at nakita ang sasakyan kong wala ng gulong. "What the heck!?" Hindi mapigilang bulalas ko. At talagang sinigurado nilang hindi ako makakatakas? Binato ko ang hawak kong susi sa direksyon ng sasakyan ko at umalis na. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko para tawagan ang mga kabanda ko, siguro ay sa kanila na muna ako makikitira. Sana ay may pumayag kahit isa man lang sa kanila. Una kong tinawagan ay si Charles pero nakailang tawag na ako ay wala pa ring sumasagot. Bumuntong hininga ako at agad na pinindot ang number ni Dave. "Sav, bakit?" "Makikitira ako sa 'yo. Pinalayas na ako sa condo ko, eh," walang paliguy-ligoy na sabi ko. "Pwede naman. Iyon ay kung gusto mong maging third wheel kasama ang girlfriend ko?" Napapikit ako nang marahan. Oo nga pala at may ka-live-in partner siya ngayon. Bakit hindi ko agad naisip 'yon? Pinatay ko na iyon at sunod ay si Rafael. Siguro naman ay pwede ako sa kanila. "Sav—" "Oh, s**t, Raf. Aaaaah, f-faster—" "What the hell, Raf!? Wala talagang pinipiling oras 'yang kalibugan niyo? Umagang-umaga for Pete's sake!" I ended the call dahil puro ungol na ang naririnig ko sa kabilang linya. May aasahan pa ba ako? Bumuntong hininga ako at tumingin tingin sa contacts ko. Natigil ako nang makita ko ang pangalan ni Kuya Steve. Sa tingin ko naman ay matutulungan niya ako at kung hindi man ay no choice ako kundi maghanap na talaga ng apartment. "Savien, why?" "Are you busy?" "Sort of, why? May nangyari ba?" "Pinapabalik ako ni mommy sa bahay. Kinuha na niya ang condo unit ko even my car. Pwede bang," I soughed, "baka pwedeng doon muna ako sa bahay mo. Kapag nakahanap ako ng apartment-" "Nasaan ka? I'll fetch you." Nawala bigla iyong sakit ng ulo ko nang marinig ko iyon. Napangiti ako at sinabi kay Kuya Steve kung nasaan ako ngayon pero magkakalahating oras na ay wala pang sumusundo sa akin. Tinawagan ko ulit siya dahil nag-aalala na ako at baka kung ano nang nangyari sa kaniya. "Sav, I'm sorry. May emergency meeting kami-" "It's okay," disappointed na sabi ko at papatayin ko na sana ito nang muli siyang magsalita. "But Shania will fetch you. Just wait for her. Siguradong malapit na 'yon. Sige na. See you later. Pwede kang tumira sa bahay whenever you want." Pagkababa ko ng cellphone ko mula sa aking tenga ay nakarinig na ako ng busina ng isang sasakyan. Napatingin ako rito at nakita ko ang paglabas ng isang babaeng nakasuot ng simpleng blouse at jeans. Simpleng suotan lang iyon pero ang lakas na ng dating niya. "Steve's sister?" Tanong nito nang makalapit siya sa akin. She's looking at me with her cold eyes. Walang kahit na anong ekspresyon sa mukha nito kagaya noong una ko siyang makita. Natauhan ako at bumalik sa katinuan nang hinarang niya ang kamay niya sa mukha ko at kumaway, "a-ah, yes. I'm Sav," nilahad ko ang kamay ko at nginitihan siya gaya ng ngiting nakakakuha sa mga umiidolo sa akin at sa mga nakaka-one night stand ko. Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa pag-ignore niya sa kamay ko. Ni hindi man lang niya ito kinuha, ni hindi man lang niya ako nginitian pabalik. "Let's go." Anong akala niya sa sarili niya? Yes, I admit it that she's really beautiful, but f**k her attitude. Sa dinami-rami ng babaeng pwedeng ipakasal sa kapatid ko, bakit siya pa? Bakit mas pinili pa nila itong antipatikang babaeng ito? Inis man ay sumunod pa rin ako sa kaniya at pumasok na ako sa passenger seat na walang imik. Buong byahe ay nakatingin lang ako sa bintana at sa labas. Maging siya ay walang imik, ano pa nga bang aasahan ko? To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD