Chapter 3

1383 Words
        Ngayon pa lang hindi na maganda ang pakikisama niya sa akin, paano na lang ngayong dito na ako titira? Edi, araw-araw niya rin akong susungitan ng walang dahilan? Don't tell me may regla siya ngayon kaya siya ganito? Meron din kaya siya noong una kaming magkita? O baka talagang ganito ang ugali niya? Masyado siyang maattitude. Kung hindi lang ito asawa ni Kuya ay baka kung ano nang nagawa ko sa kaniya. "Your room is on the right side," sabi nito sa malamig na boses at tinuro niya ang tinutukoy niyang room, "if you need something, my room is just on the left side," pagkasabi niya no'n ay walang anu-anong umalis na siya sa tabi ko. Pinaglihi ba siya sa sama ng loob at ni hindi man lang niya magawang ngumiti? Kahit pilit na ngiti lang. O baka nahihiya lang siya? May sira kaya ang ngipin niya? Baka pangit siyang ngumiti? Pero hindi, sigurado akong walang problema sa ngipin niya. Anong klaseng tao ba 'tong kasama ko ngayon? Bumuntong-hininga ako at tinahak na ang silid na sinasabi niya kanina. Maayos ang loob, halos parang kaaayos lang nito at bagong linis. Maging ang bed ay ni wala man lang konting lukot. Agad akong tumalon doon at binagsak ang aking katawan. I deserve to take a rest– hindi ko pa man napipikit ang aking mga mata ay tumunog na naman ang cellphone ko. Pota, kailan ba ako makakapagpahinga? "Ano na naman!?" Sigaw ko nang masagot ko ang tawag. "Where are you? At talagang tinakasan mo si Mang Carlo?-" "Nandito na ako kila Kuya Steve ngayon, dito ko gustong tumira," I said cutting her off. Sino pa nga ba itong tumatawag kung hindi ang aking ina na pinipilit talaga akong bumalik sa bahay. Kailan ba siya titigil? "H'wag niyo nang balaking pumunta dito para kaladkarin ako pauwi dahil kahit anong gawin niyo ay hindi niyo ako mapapasama sa inyo," nang masabi iyon ay binaba ko na ang tawag saka pumikit. Hindi ko na namamalayan ay nakatulog na ako. Nagising na lang ako dahil nakaramdam ako ng matinding gutom, hindi pa pala ako kumakain simula kaninang umaga. Napatingin ako sa oras ng phone ko, alas kwatro na pala ng hapon. Bakit ang bilis ng oras? Bago bumaba at kumain ay naisipan kong maligo muna ulit para mas mawala na nang tuluyan ang sakit ng ulo ko dahil hanggang ngayon meron pa rin. Naparami masyado ang inom ko kagabi. Tatanggalin ko na sana ang suot kong damit pero pagbukas ko ng shower ay walang lumabas na tubig. Sira ata 'to. Maayos nga ang room na binigay sa akin, sira naman ang shower. Paano ako maliligo? Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa tapat ng silid ng asawa ni Kuya. Nag-aalangan man ay lakas loob pa rin akong kumatok sa pintuan niya pero nakailang katok na ako ay wala pa ring nagbubukas dito. Tulog ba siya? Unti-unti kong binuksan ang pintuan niya at tinignan siya sa loob. Nasa study table siya ngayon, may suot na earphone at may hawak na libro. She's reading. Lumapit ako sa kaniya at tinapik siya sa balikat. Sungitan man niya ulit ako ay wala na akong pakialam, dahil gusto ko nang maligo ulit. Pakiramdam ko ay nanlalanggit na ang buong katawan ko kahit naligo na ako kaninang umaga. "Ayaw gumana ng shower sa room ko. Sira ata," sabi ko nang lumingon siya sa akin at tinanggal niya ang suot na earphone. Gaya nang inaasahan ko ay walang kaemo-emosyon siyang tumingin sa akin. Tinuro niya ang isang pintuan sa loob ng kwarto niya, "you can use my bathroom," pagkasabi niya no'n ay binalik na ulit niya ang kaniyang earphone at muli nang tumalikod. Napataas ang sulok nang labi ko kasama ng pagroll eyes ko. Napakaantipatika talaga. Inis man ay hinayaan ko na lang siya at pumunta na ako sa tinuro niya kanina. Nang matapos maligo ay saka ko lang narealize na hindi ko pala dala ang towel ko. Shit! So, anong gagawin ko ngayon? Tatambay dito sa loob ng banyo at magpapatuyo? Anong kabobohan ito, Sav? Bakit ba kasi walang bakanteng tuwalyang nakalagay dito sa bathroom niya? Napatingin ako sa cellphone kong nakapatong sa sink. Napasapo ako sa aking noo, imbes na tuwalya ang dinala ay cellphone. Anong gagawin ko sa cellphone ko? Sinong tatawagan ko para magbigay sa akin ng tuwalya dito? Ang mga kabanda kong super layo? Si Kuya Steve? Pero nasa trabaho pa siya. Naisip kong tawagan na lang siya kahit wala siya dito. Baka sakaling may magawa siyang paraan. Baka pwedeng siya na lang ang kumausap sa kaniyang asawang magbigay ng tuwalya sa akin dito. "Kuya, please, help me," agad na bulalas ko nang sagutin ni Kuya ang tawag ko. "What happened?" Nag-aalalang tanong nito. "Sira iyong shower sa room na binigay sa akin ng asawa mo kaya nakiligo ako rito sa banyo niya. Tapos I forgot to bring my towel." Nakarinig ako ng buntong hininga sa kabilang linya, "wala si Shan dyan? Wait, I'll call her." Pinatay na niya ang tawag. Ilang minuto akong naghintay sa loob para hintayin ang darating na tuwalya. Agad akong lumapit sa pintuan ng bathroom nang may kumatok. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang walang kaemo-emosyong mukha ng asawa ng aking kapatid. Nakatingin siya ngayon sa akin habang hawak ang isang puting tuwalya. Hindi ko alam kung dapat ba akong mahiya sa katawan ko gayong wala namang mali sa akin, at kahit papaano ay maganda naman ang katawan ko but the way she look at me ay para siyang nanghuhusga. Seriously? Kinuha ko na iyong hawak niyang tuwalya at agad na sinarado ang pinto. Nang mabalot ang sarili ko sa tuwalya ay lumabas na ako, dire-diretso hanggang sa kwarto ko. Ni hindi na ako nagpasalamat dahil alam ko namang hindi rin niya iyon papansinin. The nerve of that woman. Hindi ko matake ang kasungitan niya. Kailan pa naignore ang kagandahan at karisma ng isang Savien Dela Vega? Ngayon pa lang! First time in my whole freaking life! Siya pa lang ang nakakagawa nito sa akin at sobrang natatapakan ang buong pagkatao ko dahil sa ginagawa niya. Naiinis ako! Sobra iyong inis na nararamdaman ko sa kaniya. Kung hindi lang ako homeless ngayon ay hinding-hindi talaga ako titira dito kasama siya kahit nandito pa ang kapatid ko. Bakit ba kasi napakawalang kwenta ng mga kabanda ko? Nang makapagpalit ay pumunta na ako sa kusina para kumuha ng pagkain. Siguro naman ay may pagkain sila. Nang mabuksan ko ang kanilang fridge ay tumambad sa akin ang loob nitong puno ng pagkain. Bigla akong nanlaway sa mga nakita ko. Wala na akong balak umalis dito. Kung ganito ba naman palagi ang makikita ko, aba, kahit siguro sungitan pa ako nang sungitan ng asawa ni Kuya ay wala na akong pakialam. Alak is life, but food is lifer. Humugot ako ng isang galon ng ice cream at naupo sa bar stool. May mga marinated doon pero tinatamad akong magluto kaya ice cream na lang muna. Habang kumakain ay napatingin ako sa taas. Kumain na kaya siya? Teka, ano bang pakialam ko? Alam kong bahay niya ito kaya dapat nagpapaalam ako pero alam ko rin namang wala rin siyang pakialam at susungitan lang niya ako once na kinausap ko siya. Naisipan kong magpatugtog gamit ang phone ko. I played the song of Avril Lavigne na When You're Gone. Hindi ako broken, I just want to hear her voice dahil isa siya sa mga iniidolo ko. Her voice is just cool at ang sarap sa tenga. "I always needed time on my own I never thought I'd Need you there when I cry And the days feel like years when I'm alone And the bed where you lie Is made up on your side–" Natigil ako sa pagkanta nang pumasok ang asawa ni Kuya rito sa kusina. Gaya nang inaasahan ko ay hindi niya ako binigyan ng atensyon, kahit pagsulyap man lang ay wala. Diretso lang siya sa fridge at kumuha ng tubig. May galit ba siya sa akin? Dahil ba sa ginawa ng parents naming arranged marriage sa kanila ng Kuya ko kaya ganito siya makisama ngayon sa akin? Anong kinalaman ko ro'n? Muli ko na lang hinarap ang kinakain kong ice cream at nagpatuloy. She's really getting into my nerves. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD