Chapter 4

1527 Words
        "Sav, let's eat. Nagluto si Shania ng adobong manok. 'Di ba, favorite mo 'yon?" Mula sa pagkakadapa sa aking kama ay napatingin ako kay Kuya Steve na ngayon ay nasa tapat na ng pintuan ko. Nilagay ko sa gilid ng bed ko iyong remote ng aircon na kanina ko pa nilalaro at tumayo na. "Kuya, may gig ako later." "What time? Kumain ka na muna." Napatingin ako sa wristwatch ko, alas otso na pala, "ten. Pagamit naman ng isang sasakyan mo, Kuya," ayokong magcommute papunta sa bar. Medyo malayu-layo rin kasi iyon tapos kung wala akong matipuhang babae mamaya siguradong malayo rin ang uuwian ko. "We'll talk about that later. Kumain na muna tayo, kanina pa nakahanda ang mga pagkain. Nandoon na rin si Shan." Gusto kong tanungin si Kuya kung masungit din ba sa kaniya ang kaniyang asawa pero nanahimik na lang ako. Makikita ko rin naman mamaya kung paano silang dalawa sa hapagkainan. Nang makalabas si Kuya sa kwarto ko ay lumabas na rin ako. Pagkarating namin sa dining table ay naroon na ang kaniyang asawa at nakaupo, halatang hinihintay kami. Ang classy niyang umupo, para siyang artista na sinusubaybayan ng mga camera ang bawat kilos niya kaya dapat walang mali sa kahit na anong galaw niya, dapat tuwid lahat. She's like that. Pero kapag wala na iyong camera ay doon mo makikita iyong tunay niyang pagkatao, iyong kasungitan niya. She's classy but irascible. "Shan, kilala mo naman na siguro ang kapatid ko, 'di ba?" Biglang tanong ni Kuya sa asawa niya nang makaupo kami. Kumuha ako ng kanin at nilagay ko iyon sa plate ko maging iyong chicken adobo na niluto niya habang hinihintay ang sagot nito sa kapatid ko. She just nodded at hindi umimik. So, ganito nga talaga siya? Hindi lang sa akin kundi pati na rin sa kapatid ko. I feel pity for my brother, maganda nga ang napangasawa niya o ang pinakasal sa kaniya, ganito naman kalamig at kasungit. "Sav, saan nga ulit iyong gig mo?" "Sa Ace. May balak ka?" Tanong ko habang sumusubo. Ang sinabi ni Kuya kanina ay si Shania ang nagluto nitong adobong manok. Seryoso ba siya? Okay, sige na. Masungit siya, cold, at hindi ko gusto ang ugaling pinapakita niya pero ibang klase itong niluto niya. Sobrang sarap. Mas lalo ko pang naging paborito ito dahil sa sarap ng pagkakaluto niya rito. "Shan, gusto mo bang pumunta?" Tanong ni Kuya sa kaharap kong asawa niya. "Ikaw? Are you going?" Medyo nasamid ako dahil sa pagtanong niya sa Kuya ko. Hindi ito kagaya ng pakikipag-usap niya sa akin. Yes, may pagkacold pa rin pero may kaunting lambing iyong boses niya nang tanungin niya si Kuya. "Tara. Gusto ko ring makitang kumanta itong kapatid ko. Matagal na rin." Ngumiti ako. Buti at naaalala pa niya iyon. Halos ilang taon na rin niya akong hindi napapanood at napapakinggang tumugtog. Pero sa buong pamilya namin siya lang talaga ang sumuporta sa akin pagdating sa musika. Kaya blessed pa rin naman kasi nariyan siya. Siya iyong pumupuna minsan sa mga pagkukulang nila mommy sa akin. "Anong oras usually natatapos ang gig mo, Sav?" "Depende, Kuya. Monday ngayon so baka maaga. Mga 12 ganon. Pero kapag masyado nang late you can go home without me. Makikitulog na lang ako sa mga kaibigan kong malapit do'n kung sakali." "We'll wait for her, right?" Nagulat na naman ako sa sinabi niya. What's with her? Kanina lang ay todo sungit siya sa akin tapos ngayon, siya pa ang nagsasabi sa Kuya kong hintayin ako. Ano? Pakitang tao sa harap ni Kuya? "Of course. We'll wait for you, Sav. Baka kung saan saan ka na naman makikitulog." Gusto ko talaga na 'wag na nila akong hintayin para may oras pa akong makipagmake out. Siguradong pumupunta iyong iba sa Ace para makita lang ako at makasama tapos hindi iyon mangyayari ngayon kasi may naghihintay sa akin. Nakakakonsensya! "Okay." Matapos kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko para makapagpalit na. Black fitted dress ang suot ko ngayon with my stilettos dahil hindi ko naman nakuha lahat ng gamit ko kanina sa Condo unit ko. "Do you always wear a revealing and sexy clothes like that kapag naggigig ka, Sav? Masyadong maikli 'yang suot mo," sita sa akin ni Kuya nang makababa ako. Nahiya naman ang suot ko sa suot ng asawa niya. She's also wearing a revealing and sexy dress. Baka may balak din siyang sitain ito? Pero, pota lang. Bakit sobrang ganda niya? Mas sobrang naging classy iyong itsura niya because of what she's wearing right now. Oo nga at sexy ako, maraming nagsasabi ro'n, pero hindi ko maiwasang mainsecure sa katawan ng kaharap ko ngayon, sa asawa ni Kuya. How did she achieve a body like that? Nagwoworkout ba siya palagi? "Let's go. Baka malate ka pa sa gig mo," sabi ni kuya at nauna nang lumabas. Wala siyang ginagawa pero pakiramdam ko ay naaakit ako sa kaniya. I just can't resist her sexiness. Ang perfect masyado ng katawan niya kahit iyong kagandahan niya. Tell me, bakit hinarap sa akin ang ganitong klaseng kagandang babae? Para maakit ako? O para ipamukha sa akin na may mas maganda pa talaga kaysa sa akin? Kasi kung ganoon nga ay masyado na niya akong nalalamangan, masyado na niya akong naaakit. "Sav, tara na." Bumalik ako sa katinuan nang muli akong tawagin ni Kuya Steve, nasa labas na silang dalawa at hinihintay na lang ako. Pareho silang nakatingin ngayon sa akin. She's hot but her eyes is as cold as ice. Sobrang plantyado at lamig ng mga tingin niya. Lumabas na ako at sumakay sa sasakyan ni Kuya. She's on the passenger seat at nandito ako sa likuran nila. Nang makapasok si Kuya sa driver seat ay lumapit siya sa kaniyang asawa at inayos ang pagkakalagay ng seatbelt sa kaniya. Akala ko aangal siya sa ginawa ng kapatid ko pero hindi. Hinayaan niya lang ito. Mukhang ayos naman ata sila? Hindi siya ganon kasungit kay Kuya, medyo maayos din ang pag-uusap nila. Hindi kaya nagkakapalagayan na sila ng loob? Edi, mabuti kung gano'n. Para wala nang sisihan sa arranged marriage na 'yan. But knowing that this irascible woman is my sister-in-law, parang hindi ko ata matake. "Uy, Kuya Steve. Buti nakapunta ka?" Agad na nakipag-fist bump ang mga kabanda ko kay Kuya the momment they saw him with me. Close sila kay Kuya. Paano ba naman, noong hindi pa siya busy ay lagi niya akong tinatanong kung sinong mga kasama at kaibigan ko. Tapos noong sinabi kong sumali ako sa banda ay pinuntahan niya agad ako para makilala ang mga member ng bandang sinalihan ko just to make sure daw na maayos sila. And ayon nga, nagkabonding sila at naging malapit na sila sa kaniya. "By the way, this is my wife Shania. Shania, these are Sav's bandmates," pakilala ni Kuya sa asawa niya na tila walang pakialam at nakatingin lang sa malayo, "so, paano? Let's drink later. Goodluck sa gig niyo. Sav." Tumango ako at pumunta na kami sa stage para makapaghanda na. Gaya ng dati ay marami pa ring tao. Nang makita nila kami sa harapan ay sigawan agad sila kaya napangiti kami ng mga kabanda ko at kumaway sa kanila. "Tangina, Sav. Bakit hindi mo sinabi sa amin na asawa pala 'yon ni Kuya Steve?" Tanong sa akin ni Charles habang inaayos ang gitara niya. "Oo nga, Sav. Ang ganda niya at ang sexy-" "Hoy, baka gusto niyong isumbong ko kayo kay Kuya dahil pinagnanasahan niyo ang asawa niya?" "Pinagnanasahan agad? Hindi pa pwedeng humahanga lang?" Okay, sige na. Oo na. She's beautiful at hindi ko masisisi ang mga bandmates ko. Maging ako rin naman ay hindi ko maiwasang isipin iyong mga iniisip nila. Hinanap ng mga mata ko kung saan naupo sila Kuya. Nasa medyo gitna sila at naguusap silang dalawa. Napakuap-kurap ako nang makita kong nguniti ang asawa ni Kuya. She smiled! Hindi ako nagkakamali. Ngiti iyon. Hindi naman pala pangit ang ngiti niya, katunayan ay mas lalo pa siyang gumanda dahil doon sa ngiting 'yon. Pero teka nga, she really smiled. Anong pinag-uusapan nila ni Kuya at napangiti siya? "Sav, ano na? Start na tayo." Natauhan ako nang iharap sa akin ni Charles ang gitara ko pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko iyong ngiti niya. Her smile is really captivating me. Nang marinig ko na ang gitara ni Charles ay umiling ako para mawala iyong nasa isipan ko at para makapagfocus. "Just a small town girl Livin' in a lonely world She took the midnight train goin' anywhere," unang hirit ni Charles at napatingin sa akin. "Just a city boy Born and raised in south Detroit He took the midnight train goin' anywhere," buong kanta ay nakatingin lang ako sa direksyon nila Kuya. Si Kuya ay nanonood sa amin pero iyong kasama niya ay ni hindi man lang sumulyap. Umiinom lang siya ng alak sa baso niya at saglit na kinakausap si Kuya. Ewan ko ba, kahit gano'n siya kasungit ay hindi ko pa rin maiwasang mabighani sa kagandahan niya. Ibang-iba siya. I can't even explain it to myself why I'm feeling this way right now. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD