Kasalukuyan akong nasa treadmill ngayon dito sa home gym nila Kuya. Ngayon ko lang nalaman na meron pala silang ganito rito. Halos lahat kumpleto. Ang sarap at ang saya tumira rito.
"Kuya, wala kang trabaho ngayon?" Tanong ko kay Kuya nang makita ko siyang pumasok dito sa loob. Tumigil na muna ako at kinuha iyong tubig ko.
Wala ang kaniyang asawa ngayon dahil may pinuntahan daw and I don't know where. Siguro naman ay alam iyon ni Kuya.
Ilang araw na akong nakatira rito pero ganon pa rin ang pakikisama sa akin ng asawa niya. Masungit, cold, at halos ni hindi ako kinakausap. Para akong hangin at out of place dito dahil sa pang-iignore niya sa akin pero hindi ko naman magawang umalis dito dahil tinatamad din akong maghanap ng apartment na malilipatan. 'Tsaka isa pa, hindi ko kayang iwan iyong buhay ko rito, lalo na iyong mga pagkain.
"Papasok rin ako mamaya. Ikaw? Wala ka bang lakad?"
Umupo ako sa sahig at uminom ng tubig, "wala. Tinatamad din ako kung sakali mang meron," sagot ko. "Kumusta kayo ng asawa mo?"
Nagstretch si kuya bago siya kumuha ng dalawang dumbell, "we're okay. Ayon nga lang at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nasasanay sa isa't isa."
"Hay nako, Kuya. Masasanay rin kayo."
Bumuntong hininga si Kuya, "hindi ko alam, Sav. It's awkward. She's my best friend tapos 'di namin aakalain na ganito ang mangyayari sa amin, na ikakasal kami at titira sa iisang bubong."
Napatayo ako sa gulat dahil sa sinabi niya, "she's your best friend?" Nanlalaki ang matang tanong ko.
Tumango siya, "since high school."
"Seryoso? Best friend mo iyong masungit na babaeng 'yon?"
"Mabait 'yon. Gano'n lang talaga siya," natatawang sabi ni Kuya.
"Wala kang gusto sa kaniya?"
Umiling siya, "pareho kaming may ibang gusto."
"Pareho kayong duwag!"
"Yeah, right. Kaya nga kami magbest friend, eh."
I rolled my eyes at him, "alam na ba ng mga nagugustuhan niyo 'yang nararamdaman niyo?"
Umiling siya.
"Mga duwag nga."
"Hindi alam ng taong gusto ko. Pero iyong gusto ni Shania ay alam na."
"Ewan ko ba sa inyo. Kung umangal sana kayo, edi sana malaya kayo ngayong mahalin iyong taong gusto niyo talaga."
Sasagot pa sana si Kuya sa akin nang biglang tumunog ang cellphone niya. Binaba niya ang hawak niyang dumbell at kinuha ito saka sinagot. Nakaloud speaker ito kaya dinig na dinig ko ang hininga ng nasa kabilang linya.
"I ordered food para sa inyo. Baka matatagalan ako rito, eh. Hindi ako makakapagluto. Siguro after a minute ay nariyan na iyong magdedeliver," sabi ng nasa kabilang linya. This is the first time na narinig ko siyang magsalita nang mahaba. Si Shania, ang asawa ni Kuya.
Kahit na sobrang haba ng sinabi niya ay naiimagine ko pa rin siya habang nagsasalita with her cold voice at walang kaemo-emosyong mukha.
"Pinapanindigan mo na ba ang pagiging asawa ko?" Natatawang biro ni Kuya.
"I am with Jane. Baka may gusto kang sabihin?"
Tumigil si Kuya at napalunok. Oh, I think Jane ang pangalan ng babaeng gusto ni Kuya. Halata sa mukha niyang bigla siyang kinabahan at namula rin ang kaniyang tenga.
"Should I call Jerick and tell him to fetch you?" Pang-aasar ni Kuya sa asawa pero hindi pa rin nawawala iyong pamumula ng kaniyang tenga.
Natahimik saglit ang nasa kabilang linya at maya't maya ay nakarinig kami ng buntong hininga, "sige na at i-ca-cancel ko iyong inorder ko. Bye!"
Bago pa man makaangal si Kuya ay na-end na ang call, "hindi ko alam kung saan pinaglihi ito at sobrang sungit," sabi nito habang tinitignan ang cellphone.
Maya't maya ay nakarinig na kami ng nagd-doorbell. Si Kuya ang pumunta ro'n para tignan kung sino 'yon. Baka iyong deliveryman. Pagbalik ni Kuya ay may dala na siyang nakaplastic na pagkain at pizza. Biglang kumalam ang tiyan ko sa nakita ko. Kung anime lang siguro ako ay nagheart na ang dalawang mata ko.
"Let's eat."
"Ang spoiled mo masyado sa pinakasal sa 'yo, ah."
"Baka ako lang?" Natatawang sabi ni Kuya.
Nadadamay lang naman ako kasi nandito ako sa pamamahay nila. Kahit papaano ay may mabuting puso din pala ang napangasawa niya. Akalain mo 'yon? Sobrang sungit niya at sobrang lamig makipag-usap at makatingin tapos may side din pala siyang maalalahanin. Napakaunpredictable niya.
"Wala kayong balak maghire ng katulong?" Tanong ko nang marealize na super laki ng bahay nila pero ni isang katulong ay wala sila. Pero always kong nakikita si Shania na naglilinis, siya rin ang nagluluto ng mga kinakain namin.
"Ayaw ni Shan. Kaya naman daw niya kaya ayon. Mahirap manalo sa kaniya, kaya kahit na gusto kong maghire ay no choice ako kundi hayaan na lang siya."
"Arranged marriage lang ito pero under ka na."
Tumawa siya, "whatever, Sav."
Kumuha ako ng fried chicken at isang slice ng pizza, "dahil duwag kayong pareho, no choice kayo kundi panindigan na lang 'yan."
"Yeah, siguro masasanay rin kami sa isa't isa."
Bumuntong hininga ako, "para kasi kayong tanga."
"Kumain ka na nga lang."
I rolled my eyes at him at saka sinubo iyong isang buong hita ng fried chicken. Ang perfect combination ng fried chicken at fries. In fairness magaling din siyang mamili nang masarap na pagkain.
"Dahan-dahan, Savien. Ang patay gutom mo pero ni hindi ka man lang tumataba."
Hindi ko pinansin si Kuya at muling sumubo ng pizza. Ni hindi ko na siya matignan dahil nakatuon na ang buong atensyon ko sa pagkain. Isipin at sabihin na niya kung anong gusto niya, wala na akong pakialam.
Nang matapos kumain ay pumunta ako sa kwarto ko at naligo. Mabuti na lang pinaayos na iyong shower sa room ko. Hindi ko na kailangang makiligo pa sa kuwarto ni Shania at magpigil ng inis dahil sa kasungitang taglay niya.
"Sav, alis na ako. Baka late ako makakauwi ngayon."
"Okay!"
Bago pumunta sa living room para manood ng TV ay kumuha muna ako ng icecream. Saktong pag-upo ko sa sofa ay ang pagbukas ng pintuan at paglingon ko ay agad kong nakita si Shania. Nagulat ako sa bagong look niya ngayon, she dyed her hair ash gray na mas lalong ikinaputi niya. Bagay sa kaniya iyon pero sa tingin ko naman ay bagay lahat sa kaniya. Iyan ba ang pinunta niya? Ang magpakulay ng buhok? She's really different. Iyong mga hindi ko ineexpect na gagawin niya ay iyon ang ginagawa niya.
Tumingin siya sa akin at sunod ay sa TV na pinapanood ko. Ganoon pa rin, malamig, masungit ang dating. Akala ko ay may sasabihin siya pero wala. Iniwan na naman niya ako rito sa living room na parang wala lang gaya ng dati niyang ginagawa, pinaparamdam niya talaga sa akin na out of place ako at tila hangin sa loob ng kanilang bahay. I'm used to it pero hindi ko pa rin talaga maiwasang mainis. Siya pa lang talaga ang nakakagawa sa akin nito.
"Sungit," bulong ko as I rolled my eyes.
Habang nakabukas ang TV ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising na lang ako nang may tumatapik sa akin. Unti unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko si Shania na nakatayo na ngayon sa harapan ko.
"Let's eat," simpleng sabi lang nito at umalis na.
Kung hindi lang pagkain ang tinutukoy nito ay nasungitan ko na rin siya. Tumayo na lang ako at dumiretso sa kusina, gaya nang inaasahan ko ay nakaupo na siya ngayon. Ni hindi man lang ako nilingon nang maupo ako sa harap niya. She's so rude. Ewan ko ba at bakit siya pa ang napili nila mommy para kay Kuya, hindi ba nila alam na maattitude siya?
"Do you have gig later?" Walang kaemo-emosyong tanong nito.
Bago sumagot ay kumuha muna ako ng kanin at ulam. Mukhang masarap itong niluto niyang chicken curry, "mm, yeah," sagot ko sa kanya.
Pagkatapos no'n ay ang nakakabinging katahimikan na ang bumalot sa amin. Ang tahimik. Gusto kong bilisan na lang ang pagkain ko para makaalis na rito pero sobrang sarap ng luto niya at gusto kong namnamin pa ito.
"Do you want to go?" Pambabasag ko sa katahimikan at tinignan siya.
Natigilan siya pero ni hindi man lang siya tumingin sa akin, "yes. I'm going."
Tumango ako. After naming kumain ay pumunta na ulit ako sa kwarto ko para makapag-ayos na. Isang oras na lang ay mag-aalas dyes na ng gabi. Mahirap at nakakapagod ang trabaho ko pero masaya at malaya ako rito, ito rin naman ang gusto kong buhay. 21 na ako ngayon at halos maglilimang taon na rin akong nagtratrabaho sa mga bar para mag-gig pero high school pa lang ay may banda na akong nabuo at iyon ay ang Ace of Clubs, ang banda namin nila Charles.
Nang malagay ko ang pulang lipstick ko ay bumaba na ako at hinintay ang asawa ni Kuya sa living room. Titingin pa lang sana ako sa orasan ng cellphone ko nang makita ko na siyang pababa ng hagdan. Simpleng black tanktop at jeans lang ang suot niya ngayon pero ang lakas pa rin ng dating niya.
"Let's go?" Tanong nito at nauna nang lumabas.
Pagkarating namin sa bar ay agad na may nag-abot sa amin ng alak, sila Charles. Hawak nila ngayong ang isang bote ng tequila at halos tunggain na ito ni Dave.
"Hoy, may gig pa tayo. Mamaya ka na magpakalasing," sita ko sa kaniya at kinuha iyong hawak na bote.
"Wala tayong gig ngayon. Sabi ni Manager, pahinga raw muna tayo."
"Tara na, mag-inom na tayo!"
Kahit papaano ay natuwa ako sa balitang iyon. Gusto ko ring mag-inom lang ngayon at magsaya. Halos mapasapo ako sa sarili kong noo nang marealize na may kasama pala ako. Napatingin ako sa kaniya pero tila wala siyang pakialam sa amin at ngayon ay may hawak ng alak. Ang bilis niya, ni hindi ko man lang napansin.
"Bakit hindi niyo kasama si Kuya Steve?"
"Over time sa trabaho," sagot ko kay Haris.
Halos magsigawan na kami habang nag-uusap para magkarinigan dahil sa lakas ng music at ingay na rin ng mga taong nandito. Maliit lang ang bar na ito dati hanggang sa naging club and bar at nakilala nang dahil sa amin kaya ni hindi na kami magawang paalisin ng may-ari ng bar na ito.
Lumapit si Shania sa akin, "I'll just go to the comfort room," sabi nito at naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko dahilan para magka-goosebumps ako.
Bago pa man ako makaimik ay tumayo na siya at umalis. Kumuha ako ng isang shot ng tequila at ininom ito. Naramdaman ko ang mainit na pagdaloy nito sa lalamunan ko pero mas mainit pa rin talaga iyong hininga niyang naramdaman ko kanina-s**t, Sav.
"Gano'n ba talaga siya? Ni hindi man lang ngumingiti o nakikipag-usap."
"Oo nga, Sav. Okay lang ba siya?"
"She's still beautiful tho at ang inosente niyang tignan."
I rolled my eyes at them, ayan na naman sila. Hindi ko na lang sila pinansin at muling uminom. Mag-iilang minuto na ay hindi pa rin bumabalik si Shania kaya naisipan kong puntahan siya sa CR tutal ay naiihi rin naman ako pero hindi pa man ako nakakarating doon ay may humarang na sa akin, si Warren.
"Get out of my way, Warren," inis na sabi ko sa ex-boyfriend ko na sa tingin ko ay lasing na.
First boyfriend ko siya at nakipaghiwalay ako sa kaniya dahil pinipilit niya akong makipagsex sa kaniya. I loved him, pero hindi ko kayang makipagtalik sa kaniya.
"Come on, Sav. I just want to talk to you. I really want you back," tila nagmamakaawang sabi nito.
Hindi ko siya pinansin at muli na sanang maglakad pero hindi ko pa man siya nalalampasan ay naramdaman ko na ang marahang paghila niya sa akin, pagharap ko sa kaniya ay agad ko siyang sinampal dahilan para maagaw ang atensyon ng iba at mapatingin sa amin.
Masama ang tingin sa akin ni Warren at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Aray! Ano ba, Warren!?" Sigaw ko. Ayaw kong mag-eskandalo rito pero naiinis na ako sa kaniya.
Nagulat ako nang may lumapit sa amin at siya na ang nagtanggal sa kamay ni Warren na nakahawak sa braso ko. Pagtingin ko ay si Shania na wala pa ring kaemo-emosyon ang mukha. Maging si Warren ay nagulat din kaya hindi agad siya nakaimik. Hinila na niya ako palayo roon at nakabalik na kami sa puwesto namin kanina.
I don't know why, but I can feel my heart beating so fast. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa galit ko kay Warren o sa ginawa ni Shania na pagtulong sa akin.
Hindi ako makaimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Dapat ay nagpapasalamat na ako sa kaniya ngayon pero ni hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.
To be continued...