Bumuntong-hininga ako habang tinitignan ang hawak kong cellphone. Ilang araw na rin ang nakalilipas simula nang maibangga ko ang sasakyan ni Shania sa sasakyan ni Christian na ngayon ay naghihintay nang pumayag akong makipag-dinner date sa kaniya bilang kabayaran sa nasirang sasakyan niya. Mukhang malala nga ang sira at gasgas ng likod ng sasakyan niya dahil malaki ang bayad nito, lalo na't hindi basta-basta ang sasakyan ng gago. Saan naman ako kukuha ng ganoong kalaking pera? Ni wala pa nga iyong sahod ko sa paggigig, 'tsaka hindi pa rin iyon sapat. Kahit siguro ibigay ko na ang limang buwang sahod ko. Sa tingin ko naman ay hindi talaga niya 'yon ipapabayad sa akin ng pera. All he wanted is me, ang mapapayag niya ako sa dinner date na 'yan. Mukhang tama nga si Rafael, malakas an

