"Ako na," sabi ko sa kaniya at kukunin ko na sana ang hawak niyang cold compress nang ilayo niya ito sa akin at tinignan ako nang masama. Umupo siya sa tabi ko at dahan-dahan niyang dinadampi ang cold compress sa noo ko. Hindi ko napansin na nagkabukol pala ako, saka ko lang nalaman kanina nang makita ko iyong sarili ko sa salamin ng taxi na sinakyan namin. Hindi naman ito ganoong kasakit, nag-oover react lang ako kapag tinatanong niya ako kung masakit ba para hindi niya ako sisihin sa sasakyan niyang nagasgas. Kaya heto siya ngayon. Hindi ko alam pero sobrang concern siya sa nangyari sa akin. Ni hindi man lang niya nilingon o sinulyapan man lang iyong sasakyan niya kanina. Mas inuna niya akong pinuntahan at chineck kaya sobrang taka ko. Dahil ba kapatid ako ng best friend niya kaya gani

