"Kuya, pasalubong, ha?" Sabi ko kay Kuya bago siya makalabas ng kwarto ko. "Meeting ang pupuntahan ko, Savien. Hindi gala." Natawa ako sa sinabi ni Kuya kaya kumaway na lang ako. Nang masara na niya ang pintuan ng kwarto ko ay muli na akong nahiga sa aking kama. Ngayon na ang flight ni Kuya papuntang Cebu para sa kaniyang business meeting at hindi ko talaga alam kung paano ko pakikisamahan ngayon ang asawa niya. Iyong dating inis ko sa asawa niya ay naging hiya. Una, dahil sa mga sinabi sa akin ng mga bandmates ko. Sobrang nakakahiya 'yon. Pangalawa, iyong nangyari kanina. We kissed! Unexpected iyon pero hindi ko pa rin talaga maiwasang mag-isip ng kung ano. Marami na akong nakahalikan, mapababae man o lalaki kaya dapat ay wala lang iyon sa akin, pero hindi, eh. Knowing that s

